52 POEMS & POETRIES

12 2 0
                                    

Tulang isinulat para sayo.

Paano ko ba ipapahayag ang nararamdaman?
Kung hindi ko din ito maintindihan?
Paano ko hahanapin ang tamang salita,
Para sa mga isusulat pang mga tula?
Kung ang bawat pahina,
Ay nanatiling blanko o sabihin na nating nawawalan na ako ng magiging paksa.

Kung susulat man ako ng kanta,
Kasabay ng pagtugtog ng gitara,
Ni hindi ko rin mahanap ang tamang tunog at tono,
Upang makabuo,
Ng isang kantang iaalaya ko na naman sa maling tao.

Sa pagsulat ng tula't kanta,
Nararapat lamang na ito ay tungkol sa kasalukuyang nadarama,
Ngunit paano kung maging ang nararamdaman ay naging blanko na?
Na hindi na kayang maipahayag ito gamit ang mga salita?

Na para bang kung susubok muli,
Ay maipapahayag ang mga dapat ikubli,
Dahil nakakasigurong mapupuno ito ng mga sakit at pighati,
Na dulot ng kapahon na lumipas na sandali.

***

Randomly Written Where stories live. Discover now