22 POEMS & POETRIES

8 1 0
                                    

Tulang isinulat para sayo.

Nandito na naman ako,
Nakatanaw sa malayo,
Iniisip parin ang mga paano,
Paano kung ako ang pinili mo?

Mahal ko,
Alam kong hindi na ako,
Ngunit bakit mo naman hinayaan akong iwan dito,
Dito mismo sa simbahang ito,
Kung saan tayo pinagtagpo mismo.

Napakarami paring katanungan,
Napakarami paring mga tanong na mahirap masagutan,
Kaya't paano ko lilisanin ang ating tagpuan,
Kung magpahanggang ngayon ay kahit ala-ala mo'y ang hirap kalimutan.

Mahal kita,
At alam kong mas minahal mo ako ng hindi ko inakala,
Ngunit sinta,
Paano na ang salitang tayong dalawa,
Kung nandiyan ka na sa kaniya.

Nakikita ko ang bawat ngiti mo sa kaniya,
Ang bawat paghawak mo sa kamay at pagyakap ng mahigpit sa kaniya,
Oh sinta,
Tanggap ko naman na,
Pero masyadong mahirap lamang na kalimutan ka.

Kung kaya't hayaan mong pagmasdan muna kita,
Habang kasama siya,
Dahil alam ko,
Alam kong darating din ang araw na kayang-kaya ko ng ngitian ka,
Ng buong puso at walang halong pagkukunwari pa,
Dahil alam ko sa mismong araw na iyon,
Tunay na akong masaya para sa inyong dalawa.

Randomly Written Where stories live. Discover now