16 POEMS & POETRIES

9 0 0
                                    

Tulang isinulat para sayo.

Napapagod na naman ako,
Hindi ko na naman alam kung saan ako patutungo,
Hindi ko na alam kung itutuloy ko pa nga ba ang pangarap ko,
Dahil sa totoo lang..ni hindi ko rin alam kung ano.

Nakikita ko ang ngiti at ningning ng kanilang mga mata,
Habang sinasambit ang mga gusto nila,
Kung kaya't hindi ko mapigilang tanungin ang aking sarili kung ako lang ba?
Ako lang ba yung nakakaramdam ng ganitong pakiramdam na hindi ko alam kung ano nga ba talaga ang gusto ko,
Dahil Isa lamang ang sigurado ako,
Gusto kong maging masaya ang puso't isipan ko,
Sa kasalukuyang patutunguhan ko.

Hindi ko parin alam kung anong gusto ko,
Masasabi kong may angkin akong talino at talento,
Kaya kong gawin ang mga bagay na alam kung makakaya ko,
Ngunit magiging masaya nga ba ako?

Ang pagtahak sa isang daan na walang kasiguraduhan,
Mga pagbabakasali at maging ang mga katanungang nasa isipan,
Kung ito na nga ba ang tamang landas upang tahakin para sa magandang kasalukuyan.

Libre lamang mangarap,
Ngunit ang pipiliin mo nga bang landas o kurso ang siyang totoo mong hinahanap?
O ito lamang ay isa sa mga gusto mo sa umpisang matanggap,
Ngunit hindi mo pala kayang panindigan hanggang sa dulo ng hinaharap.

Kung kaya't heto ako,
Kumuha ng papel at panulat,
Upang iulat ang mga katagang nais kong iparating sa lahat,
Na kung Ikaw ay may pangarap, abutin mo ito lalo na kung alam mo sa sarili mo na ito ang gusto at alam mo ring kaya mo ang bawat pagsubok na kahaharapin mo,
Dahil alam mong kung mararating mo na ang dulo habang nakasuot ng itim na togang pinapangrap mo habang hawak ang diploma ay nakakasiguro akong iyon lamang ang natatanging paraan upang maging mapayapa ang puso mo,
Ang marating ang dulo na maging masaya ng totoo.


Randomly Written Where stories live. Discover now