9 POEMS & POETRIES

25 0 0
                                    

Tulang para sayo.

Ilang libong tula't kanta pa ba ang isusulat ko para maramdaman mong ang pag-ibig ko sayo ay totoo?

Bakit ba ayaw mong paniwaalang may isang taong humahanga at pangunahing sumusuporta sayo?

Gusto kita. Walang halong biro o kahit na anong pag-aalinlangang makikita sa puso't isip ko.

Kung ayaw mo ng tula't kanta ano namang gusto mong gawin ko?Kung iyon lamang ang natatangi kong paraan upang ipahayag ko sayo ang aking sarili ng totoo.

Ngunit kung nais mong itula o ikanta ang lahat ng mga isinulat ko sa mismong harapan mo. Baka sa unang tingin mo pa lamang ay ikinahimatay ko na sa panghihina dahil sa mga titig mo.

Bigyan mo naman ako ng lakas ng loob na aminin ang nararamdaman ko para sayo.

Bigyan mo naman ako ng senyales na tatanggapin mo ito.

Ilang beses ko naring gustong ibigay ang lahat-lahat ng mga isinulat ko na ikaw lang naman ang naging pamagat at naging pangunahing karakter nito.

Sa tingin mo?

Mapagbibigyan kaya ako ng tadaha na maipaalam ang nararamdaman ko para sayo?

Randomly Written Where stories live. Discover now