14 POEMS & POETRIES

10 0 0
                                    

Tulang isinulat para sayo.

Isa, dalawa, tatlo,
Magbibilang pa ba ako?
Apat, lima, anim, pito,
Igpapatuloy ko pa nga ba ito?
Walo, siyam, sampu,
Bakit wala ka na rito?

Napapabuntong-hininga,
Dahil Ikaw lang talaga,
Bawat ngiti ay hindi na kasing saya,
Bawat titig ay hindi na kasing sigla,
Bawat salitang lumalabas sa labi ay parang nakasulat na,
Dahil napagtanto ko ring hindi ko na kinailangan pang kumilala ng bago kung Ikaw lang talaga.

Ngunit bakit wala ka na rito sa lugar na tayo'y pinagtagpo?
Akala ko ba hihintayin mo ako?
Bakit ngayon ay parang nakikita ko ng sa iba mo na pala tinutupad ang pinangako mo,
Mga pangakong pinanghawakan ko,
Ngunit hindi mo naman pala kayang panindigan ito.

Pagmamahal,
Pagmamahal ang pinakamalakas na sandata sa mundo,
Ngunit bakit ako'y nasasaktan ngayon at gulong-gulo?,
Parang bote ng alak na wasak na wasak ang puso ko,
Parang may nakatanim na kutchilyong bumabaon hanggang sa mga buto ko,
Bakit parang ang sakit naman yata ng 'pagmamahal' na minsan mo ng ipinaramdam sa tulad ko.

Ihip ng hangin,
Hampas ng mga alon kasabay ng pagkinang ng buwan at mga bituin,
Ngunit kahit na anong gawin kong pag-ulit sa mga kahilangang hindi naman talaga kayang tuparin,
Kahit isang hiling..na bumalik ka na sa akin.

Randomly Written Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum