35 POEMS & POETRIES

2 0 0
                                    

Tulang isinulat para sayo.

Isang guro ang nagtuturo sa aming harapan,
Ipinapaalam ang nararapat naming matutunan,
Ngunit ang mga salitang lumabas sa kaniyang mga labi ang tumatak sa aking isipan.

Sabi niya,
Hindi mo makakayang sumulat ng isang kwento o tula,
Hindi mo makakayang isulat ang bawat bahagi nito,
Hindi mo rin magagawa ang simula't dulo,
Nang hindi ibinabahagi ang parte ng nakaraan na naranasan mo.

Tila isang panang tumagos sa puso't isipan ko,
Dahil totoo,
Hindi makakayang sumulat ng isang manunulat,
Nang isang napakasakit na mga pamagat,
Mga parte o bahagi ng isang tula't kanta,
Kung hindi niya ito nararanasan pa.

Hindi kayang sumulat ng tula o awit na tungkol sa pag-ibig,
Kung walang isang taong naging inspirasyon niya't iniibig,
Dahil nakakasiguro naman akong magiging walang saysay at hindi tatagos ang bawat salitang bibigkasin mula sa bibig,
Kung ang lahat ng iyon hindi tunay na ibig.

Randomly Written Where stories live. Discover now