42 POEMS & POETRIES

6 1 0
                                    

Tulang isinulat para sayo.

Oh Maria Clara,
Ang iyong natatanging kagandahan ay tunay ngang kakaiba,
Ang tinataglay na hinhin at busilak ng kalooban ay sadyang nakakahamangha,
Ang respeto sa sarili at sa kapwa,
Ang siyang mas nakakahanga,
Ikaw ay isang Binibining magalang, masunurin, at may malaking respeto sa mas nakakatanda,
Kung kaya't marami ang humahanga.

Ang iyong panahon ay tunay na kakaiba,
Kung saan ang mga Binibini ay nasa kani-kanilang tahanan na nagbuburda,
O di kaya'y nasa kombento ang iba,
Na nagdarasal mula umaga.

Masasabing ang mga Binibini noon ay inaalayan ng mga tula't kanta,
Hinaharana ng mga Ginoo na mala-Crisostomo Ibarra,
Na siyang nag-aalay ng isang busilak na pag-ibig upang sayo'y ipadama.

Ngunit ang iyong henerasyon din ay hindi ko masasabing lahat ay maganda,
Dahil hindi niyo man lang maaaring ipahayag ang tunay na nadarama,
Mga hinaing ay kailangan kipkipin dahil iyong ang sinasabing tama.

Kung kaya't kahit gaano man kaganda ang nakaraan,
Kahit pilitin ko mang sabihing sana'y ipinanganak na lamang ako sa taon na kung saan ang mga Binibini't Ginoo ay may busilak paring kalooban,
Ay wala na akong magagawa dahil ipinanganak ako sa kasalukuyan.

Sa kasalukuyan,
Na maaari ng ipaglaban ng mga babae ang kanilang karapatan,
Kaya ng pantayan ang kayang gawin ng mga kalalakihan,
Ang talino't lakas ng loob ang siyang naging panlaban.

Oh Maria Clara,
Ang aming henerasyon din ay tunay ngang kakaiba,
Ngunit nakakalungkot lamang dahil ang tinataglay mong hinhin, kabaitan, busilak ng kalooban,
Respeto sa sarili , sa kapwa at sa mas nakakatanda,
Ay unti-unti naring nalilimutan ng madla sa kasalukuyan.

Randomly Written Where stories live. Discover now