54 POEMS & POETRIES

2 0 0
                                    

Tulang isinulat para sayo.

Parang may tuluyang nagbago,
Hindi ko matawag na ako ay masaya,
Hindi ko rin masasabing ako ay malungkot,
Dahil wala akong maramdamang emosyon ngayon mismo.

Hindi ako makaramdam ng galit,
Ni walang poot ang nakakubli sa aking puso,
Hindi ako sanay sa ganito,
Normal pa nga bang matatawag ito?

Blangko ang aking isipan,
Walang maramdaman ang aking puso,
Sumasabay na lamang ako sa agos ng mundo kung saan man ako dadalhin ng kapalaran ko .

Hindi ko maipapagkailang ako ay natatakot,
Sa maaaring epektong maidudulot,
Natatakot na hindi ako makaramdam ng kahit na anong emosyon,
Na para bang sa bawat segundo o taon,
Nawawalan na ako ng pake sa mga bagay-bagay maging sa mga tao.

Napatitig ako sa harapan ng mismong salamin,
At nakita ang bagay na ayokong aminin,
Paunti-unti ko ng nalilimutan,
Kung sa paanong paraan mararamdaman ang totoong kasiyahan.

Nagbago ako,
Iyon ang totoo,
Hindi ko na alam kung kinakailangan ko bang sumabay sa agos ng mundo,
O bumalik sa nakaraan kung saan ako ay naging masaya...ng totoo.

Nais kong harapin ang aking kasalukuyan,
Ng may galak at kasiyahan,
Ngunit paano ko magagawa iyon kung napupuno na ng takot at pag-aalinlangan

Aking sarili...sana tahakin mo ang daang magpapasaya sayo magpahanggang sa huli.

Randomly Written Where stories live. Discover now