38 POEMS & POETRIES

3 0 0
                                    

Tulang isinulat para sayo.

Napatitig ako sa harap ng salamin,
Saka ko napansin ang isang binibining nakatitig pabalik sa akin,
Ang kaniyang mga mata ay nakikiusap na sana'y siya'y pakinggan at intindihin,
Habang mababakas ang mensaheng nais niyang iparating sa akin,
Na sana wag ko namang pahirapan ang aking sarili sa mga bagay na magdudulot lang ng negatibong epekto sa akin.

Kitang-kita ang pagbabadya ng kaniyang mga luha,
Na para bang siya'y pagod na pagod na,
Na para bang nasasaktan siya sa nakikita niya,
Na para bang nawawalan na siya ng pag-asang mabuhay pa,
Hanggang sa tuluyan kong nabigkas ang mga katagang..."Kumusta ka? Okay ka lang ba?"

Ngunit ako'y tuluyang nagtaka,
Dahil sabay naming binigkas ang mga kataga,
Ng binibining may pamilyar na mukha,
Pinakatitigan ko ito saka ko napagtanto na,
Ako pala siya,
Ni hindi ko na makilala,
Ako yung Binibining pilit na nakikiusap na tigilan ko na,
Tigilan ko ng umiyak gabi-gabi patungkol sa nakaraan na nakalipas na.

At tanggapin o harapin na lamang ang bukas na paparating na magsisilbing bagong umaga,
Saka ako bahagyang napatawa saka pinawi ang mga luhang pumapatak sa aking mga mata,
Saka ko pinakatitigan siya,
Ang aking sariling wasak na wasak na,
Bakit ngayon ko lang napagtanto na?
Kapag masyado ng mabigat at hindi ko na kaya,
Haharap lang ako sa salamin saka sasabihin na,
"Kaya ko toh, ako pa ba?"

Hindi naman malungkot ang buhay ko,
Masyadong akong masiyahin upang mahalata ninyo,
Kaya hindi niyo na napapansin ang kalungkutan na pilit kong ikinukubli o itinatago,
Pero salamat, salamat sa iilang taong kinukumusta ako,
Dahil yun lang ang kailangan ko,
Ang maramdamang hindi ako nag-iisa sa mundong toh.

Nakakapagod na din kasing humarap sa salamin para lang tanungin kung okay nga lang ba ako.

Randomly Written Where stories live. Discover now