Chapter Seven

74 4 1
                                    

KASALUKUYAN pa rin siyang umiinom ng makarinig siya ng katok mula sa pinto na nakasarado. Pumihit ang seradura at nakita niya ang pagpasok ni Ramil.


"What are you doin Boss, kabilin-bilin ng Doctor na magpahinga kayo," tugon nito.


"Whatever! My rest is over. I need this." Then he held up the crystal glass that contained wine.

Ramil shook his head as he approached his Boss. Sa limang taon na naninilbihan siya kay Luis ay kabisado na niya ito. At natitiyak niyang may gumugulo sa isipan nito.


"May problema ka ba boss?" Lakas loob na tanong ni Ramil. Wala siyang karapatan na manghimasok sa mga iniisip nito. Ngunit may pakiramdam siya na maaring may maitulong siya sa kasalukuyan pinagdadaanan ng Amo.


Nang hindi  sumagot ang kinakausap niya ay pinabayaan na lang din niya. Ngunit nagulat siya dahil sa kasunod na nangyari.


"I have a weird dream every night Ram, there's a woman named Klaire. Lagi-lagi siyang dumadalaw sa panaginip ko bagama't hindi ko siya kilala I knew from very start na may kaugnayan siya sa akin," wika nito. Mapapansin ang kakaibang kilos nito habang ibinabahagi niya iyon dito.


Pinakatitigan naman ito ni Ramil, baka lasing na ito kaya kung ano-ano ang pinagsasabi nito ngayon. Nang mapansin nito ang kakaibang titig patungkol sa kanya ay bigla siyang bumuwelo.


"Ugh! forget that, heto samahan mo akong uminom. Pag-usapan na lang natin ang ibang bagay," tugon ni Luis na nagpakuha mismo ng baso dito at siya na mismo ang nagkarga ng brandy.Katulad ng gusto ng boss ni Ramil ay sinabayan niya ito sa pag-inom, kahit maaga pa lang ayon sa relos na suot ay alas-nuebe pa lang ng umaga.


"Matanong ko boss, kumusta iyong babaeng nagpunta rito. Tiyak kong nagustuhan mo ang perfomance niya," saad ni Ramil.


"You brought that woman, bullsh*t! She's a f*cking whore! Do not even send it back next time!" Pagmumura ni Luis na may kaakibat na pagkadismaya sa tinig at masasalamin sa kabuuan ng mukha niya.


"Bakit naman boss, nagsawa na ba kayo sa mga babae?" nagtatakang tanong ni Ramil na napainom sa alak na nasa harapan.


Muntik pa niyang maibuga iyon sa sobrang tapang ang lasa. Napangiwi pa siya pagkalunok."Putch@! hindi iyon ang punto... binad-trip lang naman ako ng isang iyon. May pakila-pakilala pa siyang Klaire! Pero malayong-malayo naman sa kanya!" Himutok nito na nandidiri .Sa isip ni Ramil ay mukhang may tama na ito kaya hinayaan na lang niya. Lalo at nag-umpisa na itong dumaldal.


"Sige boss, tatandaan ko iyan. Ano ba gusto niyong babae ngayon?" Bigla naman natigilan si Luis at sa namumungay na mata ay muli niyang naalala ang maamong mukha ni Klaire.


"Basta... tara! aalis tayo." Tumayo na si Luis. Magtatanong sana muli si Ramil ngunit hindi na niya nagawa dahil dire-diretso ito sa paglalakad.


Sinundann na lamang ito ni Ramil, papasok na sila mula sa elevator ng biglang maramdaman nito ang pag-vibrate ng aparato niya mula sa loob ng bulsa niya.

Living With The Mafia Boss R18Where stories live. Discover now