Chapter Twenty Four

38 1 3
                                    

NAGISING nga ng umagang iyon na wala na sa tabi niya si Luis. Iinot-inot siyang napaupo, magpahanggang sa mga sandaling iyon ay masakit pa rin ang buong katawan niya. Paano ba naman ilang beses pa siyang inangkin ng mafia boss.

Dahil sa kaisipin na iyon ay may matamis na ngiting sumilay sa labi niya.

Bumukas ang pinto at bumungad sa kanya ang umiiyak na si Claims.

"Bakit anong nangyari anak?"

"May stranger po sa room ko Mama!"
Sabay pa rin ng pag-iyak nito.

"S-sino?" Tumayo na siya habang mahigpit na nakapulupot ang makapal na blanket sa hubad pa niyang katawan. Nang maalala niya na wala man lang siyang suot ay kaagad na pinagpupulot ang mga nagkalat niyang damit kagabi.

"Dito ka lang, magbibihis ako." Matapos niyang makapagbilin sa anak ay dali-dali na siyang pumasok sa loob ng banyo. Hindi na nag-aksaya ng panahon si Klaire mabilis niyang isinuot ang mga bit-bit.

Wala pa siyang isang minuto ng ng madinig niya ang pagtitili ni Claims.

Kaya imbes na maisuot niya ang bra ay hindi na niya nagawa pa.

"Ruiz!" Bigkas niya sa pangalan ng lalaking sinasabi lang naman na stranger ng anak niya.

Nagmadaling nagtatakbo palapit kay Klaire si Claims at nagtago mula sa likuran niya.

"K-kilala mo siya M-Mama?"

"Ah, oo kuya siya ng Papa mo,"
sagot niya rito.

Kitang-kita niya ang pamimilog ng mata ng sariling anak buhat sa narinig sa kanya.

"Kung napapansin mo magkamukha sila ng Papa mo," dagdag pa ni Klaire.

Tumango naman si Claims at tuluyan ng umalis sa likuran niya.

"So Tito ko po siya?" tanong ng bata sa ina.

"Yes dear I'm your Uncel. Sa wakas nag-meet din tayo ang susunod na tagapagmana ng Mafia Mendrano---"Ngunit hindi na naituloy ni Ruiz ng bigla ay hilahin ito palayo ni Klaire.

"Sandali anak, mag-uusap lang kami ng Tito mo." Paalam niya sa anak.

Tuloy-tuloy niyang hila-hila ito hanggang sa labas ng hotel room nila. Mabuti at maaga pa kaya walang makapapansin sa kanila.

"Anong karapatan mo para ipaalam sa anak ko ang bagay na iyon. Pwedi sa susunod huwag na huwag mong mababanggit sa kanya ang mafia. Ayaw kong magkaroon ng ideya ang anak ko sa anong klaseng buhay meron kayo n-ng tatay niya! Sana naiintindihan mo iyon!" Dire-diretso niyang sabi.

"I-I'm sorry, hindi ko naman aakalain na hindi pa iyon nai-di-discuss ng kapatid ko sa anak mo ang bagay na iyon," paghingi naman ng sorry ni Ruiz. Base sa tinig nito ay totoo naman humihingi ito ng dispensa.

"My God! five years old pa lang ang anak ko. Anong klaseng pag-iisip meron ka kung ganyan edad niya ay mumulatin niyo siya sa magulong mundo na linakihan niyo ni Luis!" Hindi makapaniwala niyang sambit.

"I'm sorry, but I remember our Dad tough us when were at age of five alam na namin gumamit ng baril," nakakalukong wika naman ni Ruiz.

"Pwes iba ang anak ko a-at hindi siya katulad niyo na basta niyo na lang pipilitin sa isang bagay na hindi pa naman siya handa!"

"Tama ka, pero darating at darating ang panahon Klaire na kailangan niyang harapin ang obligasyon niya sa familia. I don't want to tell you about this, papayag ka ba na sa iba mapunta ang pagpapatakbo ng mafia?"

Hindi siya sumagot dahil wala siyang pakialam.

"I knew it early but I want you to be prepared Klaire. So I have to go, if you need help just call me this number. Saka nextime mag-suot ka muna ng bra bago ka lumabas." Sabay bigay nito sa kanya ng maliit na calling card hindi rin nakaligtas ang pahapyaw na pagsulyap nito sa hinaharap niya.

Pasimple naman niyang pinag-krus ang braso sa dibdib para matakpan dahil nahihiya siya rito.

Umalis na nga ng tuluyan si Ruiz. Pinagmasdan pa ni Klaire ang ibinigay nito sa kanya, sa hindi malamang dahilan ay inilagay niya iyon sa loob ng bulsa niya.

Sa pag-ikot lang naman niya ay nagulat pa siya. Dahil nasa likuran na niya si Luis na mataman lamang siyang tinitigan.

"K-kanina ka pa diyan?" kabado niyang tanong.

"Hindi naman, kadarating ko lang." Cold na naman ang boses nito. Tuluyan ng naglakad papasok ito pagkatapos.

"Sigurado ka ba?" pangungulit niyang tanong habang sumusunod dito. Ngunit nanatiling walang imik ito, dumiretso ito hanggang sa kusina at binuksan ang refrigerator at kumuha ng bottled mineral water. Binuksan iyon at dire-diretsong lang naman niyang tinungga hanggang maubos ang laman na tubig.

"Ano ba ang gusto mong marinig Klaire, sinisigurado mo bang hindi ko maririnig ang kabalbalan na sinasabi mo sa kapatid ko. Oo dinig ko lahat ng iyon! Ngayon, sabihin mo sa akin dapat ko bang ikatuwa iyon."

Gulat na gulat naman si Klaire.

"Bakit Luis, masama ba na protektahan ko ang anak natin sa panganib na dala ng dugo niyong nanalaytay sa kanya. Hindi ko kasi malubos maisip madali mo lang ipapasok ang anak natin sa buhay na kahit kailan hindi ko pinangarap na maranasan niya!" gigil niyang anas. Nag-uumpisa ng manubig ang magkabilang mata niya. Ngunit pinigilan ni Klaire na bumulusok pababa ang luha sa pisngi niya.

"Ginagawa ko ito para sa ikabubuti ng lahat Klaire, para sa inyo rin mag-ina ito. Hinahanda ko na ang anak natin sa mas malaki pa niyang kakaharapin sa hinaharap. Katulad ko ayaw kong magkamali siya sa abot ng aking makakaya gagawin ko ang lahat para mas maging kapaki-pakinabang siya pinuno pagdating ng panahon."

"No! Hindi kita papayagan na pangunahan ang buhay niya! Ngayon mismo ay aalis kami!" Hindi na mapigilan magalit ni Klaire. Akma siyang tatalikod ng bigla siyang hawakan ng mahigpit sa braso nito.

"Bitiwan mo ako Luis!" Piksi niya.

Ngunit lalong bumaon ang mala-bakal na palad ng lalaki sa balat niya. Napangiwi na siya ng tuluyan.

"Hindi mo gagawin ang nasa isipan mo Klaire, dito ka lang, kayo ng anak natin," mariin na utos ni Luis na napakaseryuso ang mukha.

"Kung hindi kita sundin, anong gagawin mo sa akin huh! Sasaktan mo ako!" Palaban na sagot ni Klaire. Panay ang pag-pag niya ngunit hindi pa rin siya pinapakawalan nito.

"Huwag mo akong sagarin... Klaire."

"Ako ang huwag mong sagarin dahil hindi mo alam kung hanggang saan ang makakaya kong gawin!"

Unti-unti ay lumuwag ang pagkakahawak sa kanya ni Luis. Mukhang tinablan ito sa pagbabanta niya.

Ngunit maling-mali pala siya.

"You don't know what you talkin about woman, nagkakamali ka ng tinatakot. Now, prepare yourself I'm gonna make your life miserable starting this day."

Ilang beses na siyang natakot sa buhay niya, ngunit ngayon naiiba.

Tuluyan na ngang umalis sa harap niya ang demonyong lalaki. Nang mawala ito sa paningin niya ay nanlambot na ang mga binti at tuloy-tuloy siyang sumalampak sa lapag. Parang tubig sa gripo na bumuhos ang luha niya.

"Mama! Mama! Anong nangyari?" Alalang tanong ni Claims na mabilis siyang nilapitan.

Kaagad siyang yumakap dito, kahit paano ay nabawasan ang kinikimkim niyang sama ng loob kay Luis.

"Mama..." muling pagtawag ni Claims.

"Wala ito anak," sagot na lang niya. Unti-unti na rin siyang napatayo habang magkahawak sila ng kamay.

"Ayos ka lang ba talaga Ma, may umaway sa iyo sabihin mo kung sino at paiiyakin ko!" matapang na sabi ni Claims. Pinakatitigan naman ito ni Klaire at ginulo ang buhok ng anak.

"Ikaw talaga kung anong sinasabi mo, punta na lang tayo sa kwarto mo." Hila niya sa anak.

Hindi nga umuwi si Luis ng gabing iyon na ipinagpasalamat naman ni Klaire. Hindi pa niya kayang harapin ito.

Pero nagkamali siya, dahil mag-uumpisa sa gabing iyon ang bangungot ng buhay niya sa piling ng mafia boss.

Living With The Mafia Boss R18Where stories live. Discover now