Chapter Eleven

48 2 0
                                    

NANG lumabas mula sa silid si Klaire ay nadatnan niya mula sa sala si Ramil.

"Si Boss?" tanong nito sa kanya.

"Nasa kusina po siya, kakain pa lang kami ng lunch. Halika po sumabay ka na sa amin sa pagkain." Pag-aya niya rito. Nakaugaliaan na sa kanilang lugar iyon na inaaya ang lahat ng bisita na sumabay sa pagkain nila.

"Huwag na ma'am, kumain na ako, nakakahiya naman," sagot nito.

"Naku! huwag na kayong mahiya mang Ramil. Ituring niyo na po akong anak, dahil ganoon din naman ang turing niyo kay Thor," sabi niya.

Tumango-tango naman ito at naglakad kasama siya.

Nakita naman niyang naglalagay na ng mga kutsara at baso sa lamesa ang anak niya. Sa batang edad nito ay maaga niyang tinuruan ang anak sa mga gawain bahay.

"Siya nga pala narito si Mang Ramil." Pagkuha niya ng atensyon kay Luis.

He was about to speak when Luis raised his hand.

"Let's talk about that later Ram, let's eat first," he replied to Klaire.

Naupo na nga sila at nag-umpisang kumain. Dahil pakbet ang niluto niya na lutong probinsya ay hindi aakalain ni Klaire na magugustuhan iyon ng dalawang lalaki at mapaparami pa ng kain.

Halos walang natira sa laman ng kaldero, ngunit hinayaan na lang niya. Naisip niya na magkakatay na lang siya ng manok at mag-aadobo. Isa iyon sa mga paboritong lutuin niya noon na madalas request ni Luis.

"Sige na anak, kung gusto mong umidlip, mauna ka na sa itaas huhugasin ko lang ang mga ito," wika ng babae. Tinutukoy niya ay ang mga pinagkainan nila.

Tumango ito at nanakbo papunta sa silid nito.

Mabilis naman siyang nakapaghugas at nasalansan na rin sa lagayan ang mga hinugasan niya nang maisipan ni Klaire na silipin mula sa labas ng bintana ang nag-uusap na sina Luis at Ramil.

Kitang-kita niya ang seryusong pag-uusap ng mga ito, base na rin sa nakikitang reaction sa mukha ni Luis.

Naisipan na niyang puntahan ang anak sa kwarto at tabihan ito sa pagtulog.

ITINUKOD ni Luis ang dalawang kamay sa magkabilang beywang kasabay ng marahas niyang paghinga.

"Why did you just say this now, Ramil," Luis said irritated as his thick eyebrows came together. He couldn't stop walking back and forth.

"Pasensiya ka na boss, balak ko na ngang sabihin sa iyo ang tungkol sa pagkakatangay ng mga suplemento sa iyo. Kaso naisip ko na maaring maabala ang ginagawa niyo rito," sagot naman ni Ramil na hindi matignan ng diretso ang amo.

"F*ck! When it comes to business, I'm the first person you'll talk to next time. You've been working with me for a long time, Ram, and you know me, don't you!" Luis shouted harshly, making the other person's head bow even more.

Living With The Mafia Boss R18Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon