Chapter Nine

63 1 0
                                    

UNTI-UNTING nagsalubong ang makakapal na kilay ni Luis pagkarinig sa sinabi ni Klaire.

"What did you say?" Pagpapa-ulit niya sa sinabi nito.

"Naisip ko na mas mabuting dumito na lang kami. Okay na kami ritong dalawa ni Claims, saka sanay na kami sa buhay dito. Nakikita mo naman maayos kong naalagaan siya," sagot ni Klaire na iniwas ang tingin sa lalaki. Tila hindi niya kayang makipagtitigan sa mata nito. Lalo at madilim ang pagkakatitig nito sa kanya.

Tumayo ito at naglakad palayo, napagawi ito sa may bintana kung saan tanaw ni Luis ang paglalaro ng bata kasama ng tauhan niyang si Ramil. Tila sanay na sanay ito, sabagay may mga anak na rin.

Muli ay binalingan niya si Klaire na nakatitig sa kanya. Those protuding eye shape ay tila hinihigop ang pagkatao niya. Kakaiba sa mga babaeng nakilala niya ay nang-aakit. Pero rito ay kakaiba.

"Iyon nga ang gusto kong baguhin Klaire ang buhay niyo rito, ayaw kong mabuhay ang anak ko sa ganitong lugar sana naiintindihan mo ang ibig kong sabihin," supla ni Luis.

Napakunot-noo naman si Klaire, ngayon lang ito nagpakita ulit at kung makapag-demand ay parang wala itong kasalanan.

"Huwag mong linalait-lait ang lugar kung saan ko ipinanganak ang anak natin. Oo mahirap at malayo ang sibilisasyon dito, pero nakaya kung ibigay lahat kay Claims na walang tulong mula sa isang katulad mong mapagmataas!" galit ng wika ni Klaire.

Luis was taken aback by the woman's anger, which appeared on her gentle face. "You don't understand, all I want is to fix everything, Klaire, and make up for all my mistakes with the child," he explained.

But Klaire refuses to listen to him. Instead, she confronted Luis and pushed him out of her house.

"Umalis kang mag-isa mo! Hindi namin kailangan ng isang katulad mo sa buhay namin mag-ina! Claims halika! pumasok ka sa loob!" Pagtawag ni Klaire sa bata na nagmadali naman pumasok at nagtago sa likuran ng nagpupuyos sa galit na ina.

"You can't do this to me Klaire, I don't have time with this," nagtitimpi nang sigawan ito ni Luis at saktan.

"Bakit hindi puwedi... kahit saan tayo mag-usap ay ako ang mas may karapatan sa bata. Dahil ako ang ina at kung paano ko siya bubuhayin sa paraan na gusto ko. Hindi porke 't marami kang pera ay sapat na iyon para mapagmalakian mo ako Luis! Ito ang sasabihin ko sa iyo. Kahit na kailan ay hinding-hindi mo kami mapipilit na sumama sa iyo! Pakatandaan mo iyan," pagkatapos sabihin iyon ay malakas na pagsara ng pinto ang ginawa ni Klaire.

Nakatitig lamang si Luis sa nakasaradong pinto. Isang tauhan niya ang lumapit sa kaniya.

"Boss, kung patayin na lang natin iyong babae," singit nito.

Isang kutos ang ginawa naman ni Ramil sa tahasan na suhestyon nito.

"Manahimik ka Kalbo! Punta ka na roon!" Taboy nito at saka niya hinarap si Luis na tahimik lamang.

"Anong plano mo ngayon boss?" Tinitigan lamang siya nito habang hinihimas ang baba. Halatang frustrated ito, paano ba naman unang beses na mangyari ito sa kaniya. Ang sigaw-sigawan siya at pagsalitaan ng mga ganoon salita. Kung hindi lang siya nagtitimpi ay baka napatay niya ito.

"Huwag mong sabihin na gagawin mo ang suggestion ni Kalbo. Remember ina siya ng bata," pagpapaala ni Ramil na naiiling.

"Hindi ko iyan iniisip." Kaila ni Luis. Umiwas siyang makipagtitigan dito.

Living With The Mafia Boss R18Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ