Chapter Fourteen

51 2 2
                                    

HINDI pa sila dumiretso ng uwi, dahil dumaan pa sila sa isang fine dine restaurant sa isla Demorette upang kumain ng dinner. Ginabi na rin sila matapos na magsawa sa kalalaro si Claims.

Nakatitig lamang si Klaire sa mga pagkain na isi-nerved nito sa lamesa nila ng tatlong staff na naroon. At katulad sa ginawa ni Luis ay pina-reserved din nito ang buong lugar para sa kanila.

"Wow! Andaming pagkain at may ice cream pa!" Pumalakpak pa si Claims.

"Sobrang dami naman ng in-order mo Thor, hindi naman natin mauubos lahat nito," sagot ni Klaire. Inilibot pa niya ang tingin dahil hindi pa kumasya sa kanilang lamesa, ang iba ay inilagay pa sa kabilang mesa na malapit sa kanila ang mga order na pagkain nito.

"Don't bother babe, we'll finish it, so now let's start," Luis said.

Hindi naman na umimik si Klaire at muli ay wala rin naman siyang magagawa. Kung ginusto kasi ng lalaki ay hindi ito papipigil.

Akmang dadampot ng pagkain na nasa harapan si Luis ng pigilan ito ni Klaire.

"Magdasal muna tayo," tugon niya. Pumikit na nga ito at nag-umpisang manalangin.

Kahit hindi pala-dasal si Luis ay pinabayaan na lang din niya ang babae lalo at nagkaroon na naman siya ng pagkakataon na matitigan ang magandang mukha nito. Nagtagal iyon sa mapupulang labi nito.

Whether he admits it or not, he is having fun with her right now. But there is a limit to everything...

"Kumain na tayo!" wika ni Klaire pagkatapos na magdasal.

Nagsimula na ang maganang pagkain sina Claims at Klaire. Hindi kaagad kumain si Luis dahil nasa focus niya ngayon ang masayang mag-ina niya. Kaagad iyon napansin ng babae ang pagiging tahimik niya.

"May problema ba Thor?" tanong niya rito.

"Nothing," plain na sagot nito. Piniling damputin nito ang tubig na nasa tabi. Tila nanuyo ang lalamunan nito.

"Sure ka ba eh bakit hindi ka kumakain? Akala ko ba uubusin natin lahat ng ito." Nagtataka pa rin si Klaire.

"Don't mind me, go ahead and eat quietly, you're talking again," Luis said as he began eating.

Because the young man told the woman a story, their supper was extended. Claims is also an insertion game. He enjoys viewing those times with the two for reasons he doesn't understand, but it gives him a strange the joy.

Klaire casually wrapped the leftover food to take home once they had finished.

"You don't have to do that, there's a lot of food at home," Luis replied.

"Sayang naman ang mga ito, ano ka ba hayaan mo na ako." Tinapik-tapik ni Klaire ang balikat ng lalaki at nauna na sa paglabas kasabay si Claims na busy sa pagkain ng ice cream.

Agad na sinalubong sila ng mga tauhan niya at may ibunulong si Ramil.

"Boss, kailangan natin magpunta sa casino."

Tumango naman siya at agad na binalingan si Klaire na nahinto rin sa paglalakad.

"May sasabihin ka ba?" Mukhang napansin sila ni Ramil.

"Oo, sige na ihahatid na kayo ng mga tauhan ko sa mansyon. Susunod ako," bilin ni Luis.

Tumango naman si Klaire, tahimik lamang sila habang nakasakay sa elevator papunta sa ground floor ng mall kung saan naroon ang sasakyan nila.

Binuksan na nga ng isang tauhan ang pinto para makapasok silang dalawa.

"Anak, mauna ka ng pumasok mag-usap lang kami ng Papa mo," sabi nito sa bata.

Living With The Mafia Boss R18Where stories live. Discover now