Chapter Fourty

38 2 2
                                    

KAHIT paano nakikita ni Katarina na masaya naman ang anak niyang si Claims sa naging desisyon niya. Ang manatili roon sa mansyon kasama ang ama nito.

Little by little, she continues to do what she used to do when she was Klaire. Nakahiligin niya ang pagtanim-tanim ng gulay noong hindi pa mansyon ang tinitirhan nila ngayon dito sa San Salvation. Ang mga alagang manok at pato niya ay  naroon pa rin naman, pero nasa dulong bahagi lamang at pinatayuan ng maliit na kulungan ng mga ito. Even though someone else has to feed them every morning, she visits them and feeds them.

Ilang linggo na rin naman na naroon siya ngunit halos kibuin-dili siya nito. When she's around, Luis obviously avoids her. Ngunit kapag nasa tabi lamang ang anak niya at wala itong pasok sa eskwelahan magkakasama sila  ay maayos ang pakikitungo nito sa kanya.

Mahirap man ang sinuong niyang sitwasyon kailangan niyang pagtiisan, may pagpipilian siya pero nakapag-decide na  siya kailangan niyang panindigan iyon.

"Andito ka lang pala." Agaw-pansin ng tinig mula sa may labasan ng kulungan ng mga alaga niya.

"Ikaw pala Ruiz, napasyal ka," sabi niya at tuluyan ng lumabas bit-bit ang mga native na itlog.

Sa mahal ng mga bilihin  ngayon pati ang itlog ay hindi rin nakaligtaas sa pagtaas ng presyo sa pamilihan. Kaya bawas na rin sa mga bibilhin ang itlog dahil marami iyon sa kanilang farm.

"I should have come here a day ago, but I was taking care of a lot of familia. How about you? Aren't you having a hard time here?" concern na tanong ni Ruiz na sinabayan na sa paglalakad ang babae.

"Nah! don't mind me, okay lang. Maayos naman ang kalagayan ko rito," nagsisinungaling siya pero hindi niya pinahalata sa kausap.

"Oh, pero bakit ang sabi ni Nanay pinapahirapan ka ng kapatid ko." Pambubuking ni Ruiz.

Bigla naman napahiya si Katarina, dahil huling-huli siyang nagsisinungaling.

"Ikaw Kat... Kahit na ganoon ang nangyari kay Luis. Wala siyang karapatan na pasakitan ka. I can get you out here if you want to," bigkas naman ni Ruiz.

Tama ito walang karapatan si Luis na pagsalitaan  siya ng kung ano-ano. Pero hahayaan na lang niya iyon, masasanay din ito na narito siya.

"I know, don't worry;  I can handle him. But when I can't take him anymore, I'll talk to you," that's what she said. Natanaw na niya ang bubong ng malaking mansyon.

Ngunit natigilan sa paglalakad si Katarina dahil sa sinasabi ni Ruiz.

"Do you love him? Kaya hindi mo pa siya kayang iwanan hmmm?" pagtatanong nito.

Napailing siya "I don't love him, ginagawa ko ito para sa anak ko. Hindi ko naman kayang ilayo si Claims sa ganiyan kalagayan ng Papa niya," madiin na sabi ni Katarina.

Umiwas naman nang tingin si Ruiz, napapabuntong-hininga ito.

"Nag-aalala lamang ako sa iyo rito, hindi naman ako palaging nasa tabi mo. Paano na lang kung..." Ibinitin pa ni Ruiz ang mga sasabihin.

"Paano na lang kung ano?" lakas loob niyang tanong kahit may hinuha na siya sa nais tumbukin ng kausap niya ng mga sandaling iyon.

Napabuga na lang ng hangin sa bibig si Ruiz saka nagpatuloy sa pagsasalita.

"What if he do it again, pagtangkaan niya ang buhay mo," nag-aalalang sabi nito.

Hindi naman nakapagsalita si Katarina, ilang beses na rin naman sumagi iyon sa isipan niya sa dumaan na Araw. Maari nga naman na ituloy na ni Luis ang pagkitil sa buhay niya. Lalo ngayon nagbanta siya na kukunin ang anak nila sa poder nito.

Living With The Mafia Boss R18Where stories live. Discover now