Chapter Fifteen

49 3 1
                                    

 KAHIT pagod sa biyahe ay hindi makatulog si Klaire. Mukhang namahay pa yata siya bago niyang titirhan na bahay.

Sa kaisipan na ang mansyon kung sila naroon ngayon ay nagbibigay ng samo 't saring damdamin sa kanya. Masaya siya dahil panatag siyang mas magkakaroon na sila ng oras para sa isa't isa ng anak niya at ni Luis.

Takot, dahil ngayon unti-unti na niyang nasisilayan ang isang bahagi ng pagkatao ng lalaking mahal niya. Ibang-iba ito sa nakilal niyang Thor dati.

Aminin man niya o hindi, kahit naman noong iniwan sila nito ay hindi nagmaliw ang pag-ibig na inukit sa puso niya ni Thor. Itinago niya iyon, nagalit siya, oo. Pero may dahilan naman upang maramdaman niya iyon, pero s totoo lang ay wala dapat siyang ikagalit sa lalaki.

Dahil hindi naman nito sinadiya na iwanan sila dati, dahil ng bumalik ang mga dati nitong alaala ay tuluyan natabunan niyon ang panibago nilang nabuong alaala. Matatamis na sandaling kapiling nila ang bawat isa.

Oo mahihirapan siya na pakibagayan ang bagong Luis na ibang-iba sa dati niyang minahal na Thor. Ngunit, maniniwala siya kakayanin nila iyon. Lalo hindi lang para sa kanilang dalawa, dahil mayroon na si Claims na mas dapat nilang ikunsidera upang magsama sila.

Dahil sa hindi naman makatulog si Klaire ay nagpasya siyang lumabas muna ng silid. Sigurado na muna niyang maayos sa pagkakahiga ang bata bago niya ito iwan.

Tahimik ang buong hallway ng malaking mansyon, sa dulong pathway lang ang nakasinding ilaw kaya hindi masiyadong maaninag ang buong paligid ng dinadaan ni Klaire.

Sa tingin niya ay nasa ikatlong floor sila ng mansyon, buhat sa maiksing pagmamasid niya ay nasa sampung silid ang nadaanan niya sa palapag kung saan sila nag stay. Marmol ang sahig kaya madidinig ang mga yabag ng sino man, sa ngayon ay malalim na ang gabi kaya sobrang napakatahimik. Na lalong nagbibigay ng mistery ambiance sa buong mansyon.

"Ay kabayo!" napasigaw na saad ni Klaire na hinawakan pa ang dibdib nang makita niyang bumukas ang isang pinto.

"Ikaw pala Miss Klaire Hendoza, saan ka pupunta?" tanong ni Senyor Agoncillo na mataman siyang tinitigan. May hawak itong kopita na naglalaman ng alak.

"Pasenya na po, kung naisturbo ko po kayo. Baba lamang ho sana ako para magtimpla ng gatas ko," sagot ni Klaire rito.

"Ah, ganoon ba... Hindi mo naitatanong ay may call button ang bawat silid sa mansyon. Incase na may gusto kang ipakuha sa mga maids. Parang ganito... halika dito."

Kaagad naman lumapit si Klaire, nakita nga niya ang maliit na button na katabi ng pinto malapit sa switch ng ilaw. Pumindot nga roon si Senyor Agoncillo, dinig niya ang pagsagot ng isang katulong sa kabilang linya. Kaagad na inutusan ito ng matanda na magtimpla ng gatas para kay Klaire at dalhin mismo sa silid nito.

Matapos makapag-usap ito ay saka naman nito binalingan siya.

"I-iyan po pala ang gamit niyan. Akala ko po switch ng ilaw din," tugon niya.

"Hayaan mo na, bago ka lang kasi rito. Pero kapag nagtagal ay makakabisado mo na ang pasikot-sikot ng mansyon," wika naman ni Senyor Agoncillo na naupo sa sofa na naroon. Sumunod naman na umupo sa pang-isahan na upuan si Klaire.

"Siya nga pala, pagpasensiyahan mo na ako kung hindi naging maganda ang unang salubong ko sa inyong mag-ina sa ibaba. Hindi kasi ako sanay na may dinadalang ibang tao ang pamangkin kong si Luis," umpisa ng matandang lalaki na hinawakan ang bote ng red wine at nagsalin sa kopita nito.

"Huwag niyo na hong isipin iyon. Naiintindihan ko po," tipid na wika ni Klaire.

"Mabuti naman kung ganoon, siya nga pala nakalimutan kong ipakilala ang sarili ko sa iyo ija. Ako pala si Agoncillo Mendrano kapatid ng ama ni Luis."

Living With The Mafia Boss R18Where stories live. Discover now