Chapter Twenty

39 1 2
                                    

 NAPAGAWI ang tingin ni Luis sa lamesa kung saan niya sinabi na maupo si Klaire at Claims. Nagtagal siya sa pakikipag-usap dahil isa pang kliyenti niya mula sa Europe ang lumapit sa kanya.

Pabalik-balik ang pansin niya roon, ngunit kanina pa niya hindi nakikita si Klaire. Kaya kahit nasa kalagitnaan pa siya sa pakikipag-usap ay nagpasintabi na siya.

"Nasaan ang Mama mo?" tanong niya kaagad kay Claims habang kumakain. Hindi naman nasagot ito kaya upang si Ramil ang usisain niya.

"Ang sabi niya ay kukuha siya ng pagkain ni Claims boss. Pero sampung minuto na hindi pa rin siya nakababalik," pagsagot naman ni Ramil.

Hindi naman nagsalita si Luis at mataman na nag-isip.

"Dito ka lang sa bata Ram, hahanapin ko lang siya," bilin niya sa tauhan.

Naglakad na nga siya sa karamihan ng tao, panay din ang linga niya ngunit hindi niya makita ni anino ni Klaire. Lalo tuloy siyang nabwe-bwesit.

"Where are you..." anas niya.

"Sa wakas bumalik ka rin Luis!" wika ni Alexa na kaagad yumakap sa kanya.

"H-hey! are you drunk?" puna niya rito.

"Ano ka ba nakainom lang ng kaunti pero hindi pa ako lasing. Nasaan na iyong probinsiyanang babae na dinala mo rito sa party. Pinauwi mo na ba siya dahil na-realize mong 'di siya bagay dito!" hagikhik nitong sabi. Pati ang mga kasama nito ay nakitawa rin, pero si Luis lalong sumeryuso ang mukha.

"What are you saying?"

"Ano ka ba Luis, ikaw yata itong lasing. Hindi ba't kasama mo siya kanina, hinila mo pa nga siya papunta sa may elevator---" wika ng babae.

"Excuse me, I have to go." Paalam niya sa mga ito. Hindi na siya nagtagal sa pakikipag-usap dahil masama na ang kutob niya.

Mabilis siyang dumiretso sa may elevator at inilabas niya mula sa suot niyang suit ang aparato. Lahat ng tauhan niya sa ibaba ng building kung saan naroon ang parking lot ay inutusan niyang i-check ang CCTV.

Halos hindi siya mapakali mula sa pagkakatayo sa loob ng elevator papunta sa pinakamataas na floor.

"Hindi ko napapatawad ang sarili ko kapag may nangyaring masama sa iyo Klaire..." nag-aalalang bulong sa isipan ni Luis. Isang malakas na suntok sa gilid ang sumunod.

NAKAUPO lang naman si Klaire sa sementadong lapag habang nakatingin sa lalaki. Baba na sana siya ngunit nakiusap itong dumito muna siya.

"Alam mo bang sobrang close namin dati ni Luis. Kapag may kaaway siya sa classroom lagi ko siyang pinagtatanggol. Sanggang dikit kami noon, pero lahat niyon nagbago ng dumating si Julia..." Buhat sa sinabi ni Ruiz ay napagawi ang tingin ni Klaire dito.

"Kilala mo si Julia?"

"Of courses I knew her, magka-klase kami ng college. Halos nasubaybayan ko ang lovestory ng dalawa kung masasabi ngang ganoon ang relasyon nila. Palasali sa beauty pageant si Julia, sikat na sikat din siya sa television. Hanggang sa maging sila at piniling mag-live in. Ayos na sana kaso, nadiskubre ko na niloloko ni Julia ang kapatid ko. Nagkaroon siya ng lihim na relasyon kay Don Darius Adriano III, he's the mafia boss rival crime family of MMF. Hindi ako nagkulang sa pagsasabi, but he's so inlove and have full of trust to Julia na dumating sa puntong pinapili siya ng babaeng iyo. Siya o ako na mismong kadugo pa niya. At alam mo kung sino ang pinili niya... that whore!" Pagkwe-kwento ni Ruiz na nakatingin mula sa malayo.

"I'm sorry to hear that."

Napagawi naman ang tingin ni Ruiz kay Klaire na may kakaibang ngiti.

"Why your sorry, you don't have. Wala ka naman kasalanan, ang babaeng iyon ang may atraso sa akin. Natuwa nga ako na nagising ang kapatid ko sa pagmamahal niya sa babaeng hindi naman karapat-dapat sa kanya and I'm glad that he finally found you."

Pinamulahan pa ng mukha si Klaire buhat sa sinabi ng lalaki sa kanya.

"P-paano mong nasasabi na mahal talaga ako ni Luis?" tanong niya rito.

"Hindi mo pa makita ngayon, pero tiyak kong nararamdaman mo iyon sa tamang panahon. Kaya ngayon pa lang ay pahabain mo pa ang pasensya mo."

"Kahit naman kailan ay iyan ang ginagawa ko, limang taon akong naghintay na bumalik siya. At laking pasalamat ko dumating siya sa tamang oras," madamdamin niyang sabi.

"Payo ko lang sa iyo, kahit mahal na mahal mo ang kapatid ko. Lagi ka pa rin magtira para sa sarili mo, I know my brother are bit complicated. Pero kapag nakabisado mo naman siya madali na lang ang lahat. Good luck and I'm waiting a wedding ceremony from both of you," sagot nito.

Napayuko naman si Klaire, hindi niya masagot ito. Dahil hindi naman nila pinag-uusapan ang tungkol sa kasal ni Luis at ang marinig iyon mismo sa ibang tao ay hindi siya sanay na marinig.

"K-kasal? h-hindi ko iniisip na maikasal kami---"

"Paano mo naman iisipin na magpakasal sa akin. Kung may oras kang makipaglandian sa ibang lalaki at sa kapatid ko pa!" Mula sa bumukas na pinto ay lumabas si Luis na madilim na madilim ang mukha.

"Thor! n-nagkakamali ka ng iniisip. H-hindi ko nilalandi si Ruiz, maniwala ka. Ngayon lang kami nagkita," explain ni Klaire na napatayo mula sa pagkakaupo.

Ngunit tila hindi iyon pinapaniwalaan ni Luis.

"Klaire is right bro. Nakipag-kuwentuhan lang ako sa kanya. Masama ba iyon na kilalanin ko ang babaeng nagugustuhan mo. I'm telling you right in your face, she's far from Julia, hindi kaniya lolokohin. So chill out!" Pagpapahupa naman ni Ruiz dito. Lumapit siya rito, ngunit isang suntok sa mukha ang ginawa ni Luis dito kaya upang matumba ito.

"Thor! tama na!" Pag-awat niya kay Luis ng lapitan nito si Ruiz at kinuwelyuhan upang i-angat.

"Binabalaan kita, huwag kang makalapit-lapit sa pamilya ko!" Gigil na asik ni Luis sa pagmumukha ng kapatid niya na nakatitig lamang dito.

"Hanggang pa rin ba ngayon ay masama ang loob mo sa akin. Dahil tama ang sinabi ko tungkol kay Julia, c'mon matagal ng nangyari iyon hindi ka pa rin ba nakakalimot!"

"Shut up!" Muli isang suntok ang ipinadapo ni Luis dito.

Panay pigil naman si Klaire sa pagwawala nito, kaya hinawakan na niya ito sa may braso.

"Tigil na! baka mapatay mo siya!" Napapatili na awat ni Klaire. Pilit niyang hinihila ito palayo, hanggang sa matabig siya ni Luis kaya upang mawalan ito ng balanse at mapaupo sa lapag.

Bigla naman siya itinulak ni Ruiz nang makita nito ang pagkatumba ni Klaire. Kaagad nitong dinaluhan ang babaeng nakahawak sa ilong nito.

"Are you okay?" Alaalang tanong ni Ruiz. Dahan-dahan nitong inalis ang kamay ng babae at nakita nga niyang namula at dumugo na ang ilong nito.

Biglang dukot sa may bulsa ito at kinuha ang nakatagong panyo roon.

"Use this to stop the bleed," masuyong ani ni Ruiz.

Bigla naman nahimasmasan si Luis, kaagad ay lumapit siya kay Klaire.

"Ayos ka lang ba?" tanong niya. Akmang hahawakan niya ito ng tapikin ni Klaire ang kamay niya.

"Huwag mo akong hahawakan!" galit at tila maiiyak si Klaire.

"Better you leave Luis," suhestiyon naman ng kapatid niya. Ngunit nagmatigas siya.

"Bakit ako ang aalis, ikaw dapat!" Pagtataboy ni Luis.

Nag-umpisa na naman magkainitan ang dalawa, kaya si Klaire piniling tumayo at maglakad paalis.

"Saan ka pupunta?" Sabay na pagtatanong pa ng magkapatid sa kanya.

"Ano sa tingin niyo, aalis, pupuntahan ko na lang ang anak ko. Kaysa panuoren kayong magpatayan! Wala na akong pakialam kung ano pang gawin niyo. Hinding-hindi ko na kayo aawatin, kaya bahala kayo sa buhay niyo!" Sabay ng paglalakad niya paalis.

Pabagsak na isinarado ng babae ang pinto, habang silang dalawa ay naiwan doon na hindi makapaniwala sa inasal nito.

"Sabi ko naman sa iyo ibang-iba siya," wika ni Ruiz makaraan ang ilang sandali na hindi sila nag-iimikan.

Hindi naman nagsalita si Luis, ngunit sang-ayon siya sa sinabi ng nakatatandang kapatid niya tungkol kay Klaire. Naiiba talaga ito kay Julia na laging sumusunod lang sa kagustuhan niya.

Pero ito, kung ayaw ay hindi pweding pilitin. Mahaba-haba pang panahon bago mangyaring sumunod ito sa gusto niya.

"Ano, nahanap mo na ba ang katapat mo Luis," kantiyaw pa ni Ruiz dito habang pinapanuod lamang niya ang pagsindi nito ng tobacco.

"Sort of, bakit ba naisipan mong bumalik?" tanong ni Luis dito.

"Hindi ba't bago ako umalis, ipinangako ko na kusa akong babalik oras na kailanganin mo ng aagapay sa iyo mula sa pagpaptakbo ng familia," ani ni Ruiz.

"At bakit mo nasabi iyan? Para sa ikatatahimik mo. Kaya kung patakbuhin ang MMF ng walang tulong galing sa iyo," masungit na sabi ni Luis.

"Sigurado ka ba, dahil ayon sa nakarating na balita sa akin ay hindi lang basta aksidenti ang pagkakawala ng shipment papuntang Europa. Sinadiya iyon Luis," wika ni Ruiz na siyang nagpalingon dito.

"Sinasabi mo bang may traydor sa Familia," malamig niyang balik dito.

"Hindi ko pa alam, pero sana pagbigyan mo akong buksan uli ito para malaman natin ang totoo. Mahirap na Luis, kung basta na lang tayo makampante," sagot niya rito

"Salamat sa malasakit mo sa MMF, pero ako ng bahala sa lahat. Huwag mo ng alalahanin pa."

Nailing-iling naman si Ruiz, "Hindi ka pa rin nagbabago, masiyado mong sinosolo ang mga bagay na maaring matulungan kita. Pakisapan mo ang ibinibigay kong pabor, mas mainam iyon para makabawas naman sa trabaho mo. Lalo ngayon nariyan na ang mag-ina mo na dapat isaalang-alang mo. Kailan mo ba balak pakasalan si Klaire para tuluyan na kayong mabuo na pamilya," sagot naman ni Ruiz.

"Wala pa sa plano ko ang pakasalan siya. Madami pa akong dapat inuuna sa ngayon."

"Kung ganoon balitaan mo na lang ako, mainam sana na mapakasalan mo na siya para sa dagdag proteksyon nilang mag-ina at para lalo pang palakasin ang Mafia Mendrano Familia."Tinapik na niya itosa balikat at naglakad na para umalis. Umaasa siyang makakapag-isip ito ngayon.

Hindi para sa kapakanan ng familia ngunit para rin sa kinabukasan kasama ng mag-ina nito.

Living With The Mafia Boss R18Where stories live. Discover now