Chapter Twenty One

38 1 1
                                    


SA LAKI ng building ay hindi matandaanan ni Klaire kung anong floor ang mismong venue ng masquerade event na pinuntahan nila ni Luis. Naka-ilang bukas-sara na ang stainless na elevator, ngunit palaging maling floor siya napupunta.

"Ano ba 'yan! pagod na ako!" Himutok ni Klaire na hindi na mapigilan maupo sa ibaba. Tuluyan niyang pinagtatanggal ang nakasuot pang high heels at ibinato sa tabi.

Hinimas na niya ang binti na nangalay sa tagal niyang pagtayo. Nagkapaltos-paltos na ang paa niya, ibang klaseng paghihirap ang sinasapit niya sa isang gabi lang!

Una ay pinagtulungan pa siya ng tatlong babae na nasa party kanina at sinabihan siya ng kung ano-anong masasakit na salita. Ni ultimo mga mgaulang niya noong nabubuhay ay hindi siya napagsasabihan ng ganoon. Ikalawa nasabihan pa siyang malandi ni Luis na inaasahan niyang nirerespeto siya at pinagtitiwalaan.

"Kahit wala naman akong ginagawa talaga ay hindi mo talaga ako pinagtitiwalaan in the first place!" nagpupuyos niyang sabi. Mabuti na lang wala siyang kasama sa loob ng elevator kung 'di pag-iisipan siyang nababaliw.

Nang makabawi ay muli rin niyang dinampot ang high heels na itinapon niya. Akmang pipindutin niya ang button ng tumunog at bumukas ang pinto ng elevator.

Hindi siya kaagad nakagalaw ng pumasok ang napakaraming lalaki na katulad ng mga tauhan ni Luis ay naka American suit na itim. Ang mga ito ay puti naman, leather shoes na halatang mahal ang bili. Maayos din ang pagkakasuklay ng mga buhok ng mga lalaking iyon.

Nagpa-gilid na lang siya para hindi siya pansinin, ngunit tinitigan siya ng isa.

"Miss, umalis ka rito." Klarong utos nito.

"Bakit naman ho, nakita niyong nakasakay ako rito dahil pupunta ako ng masquerade event," masungit niyang sabi.

"Hindi ka ba nakakaintindi o baka gusto mong idaan kita sa dahas." Sabay pakita nito mula sa loob ng suit nito ang baril.

Bigla naman kinabahan si Klaire, mukhang mas mainam yata na umalis na lang siya bago pa may masamang mangyari sa kanya.

"S-sorry po, heto aalis na." Akmang ihahakbang niya ang paa ng isang lalaki ang papasok mismo sa loob ng elevator. Napagmasdan niya saglit ang itsura nito, halos puti na ang kulay ng buhok nito na maayos na nakasuklay patalikod. Mukhang alaga sa pamada iyon, maging ang balbas nito ay halos puti na rin at nakatali pa. Kahit kulu-kulubot na rin ang balat nito ay kapansin-pansin pa rin ang taglay nitong ka-kaguwapuhan na mapapansin pa noong bata-bata pa ito. Sigurado siya na pinagkakaguluhan din ito ng mga babae noong panahon nito. Matikas pa rin naman ang pagkakatindig nito, ngunit hindi lang iyon ang agaw pansin sa kanya.

Parang may kakaiba rito na hindi niya mabigyan ng pangalan. Tila nagkita na sila dati nito ngunit hindi niya lang alam kung saan. Ang weird ng feeling niya pero magaan ang loob niya rito.

"Anong nangyayari?" tanong nito. Mukhang napansin nito ang kumosyon na nangyayari sa loob.

"Pinapalabas lang namin ang babae boss," sagot ng lalaki na pumahiya sa kanya kanina.

Hindi na pinagkaabalahan pakinggan ni Klaire ang pag-uusap ng mga ito. Mas mainam siguro na gumamit na lang siya ng hagdan.

Gamit ang nakayapak na paa ay ipinagpatuloy niya ang paglalakad. Masakit na ang paa niya kaya hindi na lang niya pipilitin ilakad ang heels na suot niya na hindi naman nakasanayan ng paa niya na gamitin.

Hindi pa siya nakalalayo ng marinig niya mula sa likuran niya ang malalakas na boses. Lumingon siya at tinignan kung may ibang tao bukod sa kanya. Ngunit wala naman siyang makita. Hanggang sa maabutan na siya ng nagtatawag.

"Pasensiya ka na miss, sabay ka na lang daw. Doon din sa sinasabi mo ang pupuntahan event ng boss namin." May dispensa sa tinig ng lalaking pumahiya sa kanya sa loob ng elevator. Kung kanina ay antipatiko ito ngayon ay tila napakaamong tupa ang kaharap niya.

Kahit hindi pa naman palagay ang loob ni Klaire ay tuluyan siyang sumama, kung nagsasabi man ito ng totoo na iisa lang ang pupuntahan nila ay mas mainam iyon. Hindi na siya mahihirapan sa paghahanap.

Nakita nga niyang bukas pa rin ang elevator at talagang hinihintay siya ng matandang lalaki na tinawag nitong boss.

"Amoroso Empire ka rin ba a-attend ng party ija?" tanong nito sa kanya matapos na pindutin nito ang floor button. At ngayon na lang naalala uli na 25th floor iyon.

"O-opo, ang totoo nawala po ako at hindi ko matandaan ang tamang floor," magalang niyang sagot. Karapat-dapat naman itong galangin dahil mabait ito sa kanya at itinuro pa nito ang pabalik sa tamang floor.

"Bago ka ba rito sa Maynila ija?"

Nahihiya naman tumango si Klaire, pinakaiwas-iwasan niyang may makahalata na hindi siya likas na taga siyudad. Pero maitatago ba niya iyon kung halatang-halata naman.

"Payo ko lang ija, kapag ganitong may lakad ka ay huwag kang mag-iisa. Mahirap na, sa ganda mong 'yan ay baka mapahamak ka pa. Dito sa siyudad sadiyang mapanganib, lalo na sa mga katulad mong inosenti."

Nakikinig naman si Klaire at napatango-tango, tama naman ito. Ngunit hindi naman siya nag-iisa sa pagpunta roon.

"I think, hindi ka lang mag-isa para sa event na ito. You know, for exclusive business owner ang event na ito. Sino ang kasama mong pumunta rito kung hindi mo mamasamain ang tanong ko," wika nito.

"P-pasensiya na po pero hindi ko pweding sabihin kung sino," sagot naman niya.

"I understand, siya nga pala nakalimutan kong magpakilala. Ako nga pala si Darius Adriano III..." Inilahad naman nito ang kamay sa kanya kaya tinanggap naman niya iyon. Bagama't napapaisip siya na tila nadinig na niya ang pangalan nito kung saan.

"N-nice to meet you ho ako po pala si---" Ngunit hindi na niya naituloy ang pagpapakilala dahil bumukas na ang pinto at nakita naman niya mula sa labas si Luis.

"Hola! Mendrano, nasagap mo bang dumating na ako at sinasalubong mo ako," Bati ni Don Darius kay Luis na seryuso ang tingin dito at saka nagpalipat-lipat sa kamay nilang magkahugpong.

"How dare you to touch the hand of my woman!" angil ni Luis. Kung nakakapatay lamang ang titig nito tiyak bumulagta na ang matandang lalaki kasabay ng paglabas nito ng sariling baril.

Dahil nagkainitan na ay naglabas na rin ng baril ang mga tauhan ni Don Darius at itinutok iyon kay Luis na hindi kakikitaan ng takot o ano pa man.

Parehas na hindi binibitiwan ng tingin ang isa't isa ang dalawa. Hanggang sa utusan na ng nakatatandang lalaki ang mga tauhan nito na ibaba ng mga ito ang hawak na baril.

"Klaire halika rito!" mariin tawag sa kanya ni Luis. Dali-dali naman na napalapit ang babae dito na kaagad na itinabi sa may likuran niya.

"Umalis na lang tayo Thor," bulong niya rito at pilit na hinahatak ito paalis lalo at nanatiling itinutok nito kay Don Darius ang baril na naglabas lang naman ng tobacco at nagsindi sa harapan niya.

"Kung ako sa iyo Mendrano ay ibaba ko na ang hawak mo, kung ayaw mong ang mga tauhan ko ay paulanin ka ng bala para ibaon sa sarili mong katawan!" Banta ni Don Darius na hindi kakikitaan ng biro sa mukha.

"Makinig ka naman sa kanya, kung iniisip mo na may masama siyang ginawa o pinuwersa niya akong pumasok sa loob ng elevator kanina. Nagkakamali ka..." Pagasasalita ni Klaire.

Kahit sinabi na niya iyon ay hindi pa rin nagbabago ang ekspresyon mula kay Luis. Hindi ns tuloy alam ang gagawin ni Klaire.

"Kung ako sa iyo ay makinig ka sa kanya Mendrano, hindi mo naman siguro gugustuhin na ma-headline ngayon sa media. Gayong nasa ibaba lang sila," nang-aarok na wika ni Don Darius.

Pamaya-maya ay tuluyan ibinaba ni Luis ang hawak na baril. Tinalikuran na niya ang mga ito at hinila ang braso ni Klaire palayo.

Kahit anong pigil naman ng babae ay tila may bumubulong sa kanya na lingunin muli kung saan naroon ang Don. Napansin din niya na nakatitig din ito sa kanya hanggang sa makaliko sila.

"Hindi ba't kabilin-bilinan ko sa iyo na huwag kang makikipag-usap sa hindi mo kakilala. Pero bakit ang tigas-tigas ng ulo mo! Lagi mong sinusuway ang utos ko!" galit na sabi ni Luis.

"Wala naman nangyari Thor, kaya ano bang pinuputok ng butsi mo!" inis na rin saad ni Klaire at inalis ng tuluyan ang pagkakahawak sa kanya ni Luis.

Napatigil naman sa paglalakad ito at binalingan siya.

"Wala naman nangyari? Meron! Ngayon magkakaroon sila ng ideya ng dahil sa iyo. Hindi mo kilala si Don Darius, masama siyang tao!"

"Tumigil ka! wala nga siyang ginawang masama sa akin. Kung iniisip mo na ako ang magiging dahilan para bumagsak ang mafia na kinabibilangan mo nagkakamali ka dahil ngayon pa lang ay tapusin na natin ito!" Hindi napigilan ni Klaire na sabihin iyon dito.

Bigla naman nangunot ang noo ni Luis buhat sa mga sinabi nito.

"You don't believe me Klaire at ngayon gusto mo umalis. Hindi mo magagawa iyan hangga't buhay ako Klaire, hindi lang ito para sa kapakanan ng Familia kung 'di para sa ikakabuti mo. Nangako ako sa isang tao na hinding-hindi kita pababayaan. Kaya sa ayaw at gusto mo mananatili ka sa poder ko at susunod ka sa akin sa lahat ng sasabihin ko. Makinig ka Klaire dahil kabisado ko na ng kalaran dito," ani ni Luis na nakatitig sa kanya.

"Naririnig mo ba ang sarili mo Luis, alam mo bang nahihirapan na ako. Hindi di'ba, dahil sarili mo lang mahalaga sa iyo. Sorry pero mas mabuting umalis ako kasama ang anak ko para hindi na kami makaabala sa iyo!"

"No! Hindi mo isasama si Claims! Dahil mas may kakayahan akong ibigay ang lahat sa kanya. Sige... umalis ka pero hindi mo maisasama ang anak natin. Nasa sa iyo kung sasama ka sa amin pabalik sa isla Demorette o ngayon ay aalis ka mismo ng mag-isa." Parang patalim iyon na sumusugat sa pusong ina ni Klaire. Unti-unti ay pinangiladan ng luha ito hanggang sa tuluyan umalis harapan niya si Luis.

Living With The Mafia Boss R18Where stories live. Discover now