Chapter Fifty Two

17 0 0
                                    

HINDI alam ni Katarina kung saan pa nagpunta si Luis. Magpahanggang sa ngayon ay hindi pa rin makapaniwala ito na tuluyan na silang nai-kasal na dalawa.

Dahil ni sa hinagap niya ay hindi mangyayari iyon, dahil wala sa plano ng isang katulad ni Luis Mendrano. Isang mafia boss ng kilalang family crime na mag-asawa.

Basta ang nasa isipan lang noon ni Katarina, ginusto lamang siyang dalhin sa mundong kinabibilangan nito ng dahil nagka-anak ito sa kaniya.

Maari ba kayang may nararamdaman na rin ito sa kaniya?

Biglang napagawi ang tingin ni Katarina sa may pinto nang bumukas iyon at pumasok ang taong gumugulo sa isipan niya.

Tuluyan isinarado ni Luis ang pinto, natuon ang pansin nito sa kinaroroonan niya. Nag-umpisa itong mag-alis ng nakaibabaw nitong suit.

"Are you ready?" Husky na pagtatanong ni Luis na matiim lamang siyang tinitigan, he licked his lips upang mabasa iyon.

Biglang naalarma si Katarina, para siyang nagising sa mahabang pagkakatulog. "Ah, sandali! gagamit muna ako ng banyo," sabi ni Katarina na nagmadali nang tumayo at naglakad papunta roon. Para makaiwas dito.

Bago pa maisara ni Katarina ang pinto ng banyo ay narinig pa niyang nagpahabol ng salita si Luis.

"Take your time, I'll be waiting babe," wika nito na may pang-aakit sa tinig.

Biglang sinalaban ng pag-iinit sa katawan si Katarina na wala sa sariling dumiretso na papasok.

"Ano ba Kat! ayusin mo ang sarili mo. Parang first time kang  masisipangan ng mafia boss!" Pagpapakalma niya sa sarili. Tumapat siya sa lababo at mabilis na binanlawan ang mukha ng malamig na tubig. Para mabura ng tuluyan ang pamumula ng buong mukha niya. Ngunit hindi iyon nakatulong, dahil maging ang katawan niya ay tinablan din sa nararamdaman niya kay Luis.

"I-I have to stop this!" Tukoy niya sa kahibangan na nadarama.

Hindi na nga nag-dalawang isip si Katarina, inalis na niya ang suot-suot na wedding gown niya. Mabuti at maluwang ang espasyo ng banyo sa mansyon ni Luis. Kaya walang babala niyang pinagtatanggal iyon at basta na lang inilapag sa may paanan niya. Katulad ng normal na bahay ay halos sakop ng isang silid ang banyo sa mansiyon ni Luis.

Itinapat na niya ng tuluyan ang hubad na katawan sa tapat ng shower. Napapitlag siya dahil sa lamig ng tubig na nanggagaling roon. Pero hindi niya inintindi iyon, she need that para pawiin ang kakaibang pag-iinit na bumabalot sa kabuuan ng sariling katawan.

Nang tuluyan niyang mapakalma ang sarili ay nag-umpisa na siyang magsabon ng katawan. Basta na lang niya iyon ginawa, dahil gusto niyang maging mabangong-mabango.

Umabot ng halos isang oras siya sa loob, wala siyang pakialam kung magagalit sa kaniya si Luis.

Paglabas nga niya ay wala na ito roon, hindi niya alam kung para saan ang dismaya na naramdaman niya sa kaisipan na walang Luis ang naghihintay sa kaniya.

"What else you expected Kat, sa isang oras ba naman na nagtagal ka sa loob ng shower. Alangan hindi iyon maiinip!" Paninisi niya sa sarili. Suot ang manipis na tuwalya ay dumiretso na siya sa connecting room kung saan naroon ang dressing area.

Dahil wala naman siyang aasahan na honeymoon na magaganap sa pagitan nila ng asawa ay nagsuot na lamang siya ng pajamas niya.

Maging nang bumalik siya sa kama nila ay nanatiling blangko ang espasyo.

Nahiga siya na hungkag ang kaisipan, kung saan na nagpunta ang lalaki.

Dahil sa pag-iisip at pagod sa pagpre-para ng naging kasalan nila ay madaling hinila ng antok si Katarina.

Living With The Mafia Boss R18Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz