2: What in the Wattpad Freaking World?

30 5 1
                                    

TW: physical assault

Quinn's neck has this satisfying crunch as she stretches her head from side to side. God, how long has she been sleeping?

Lusaw na ang frappe na inorder niya. At nang mapatingin siya sa notebook ay malinis pa rin ang page. Nagtama ang tingin nila ng guard na animo'y kaunti na lang at papaalisin na siya rito.

Kaya't tumayo siya at parang uminog ang mundo dahil dito. She shakes her head. Mabuti na lang at wala siyang nakitang pamilyar na mukha sa loob ng coffee shop.

She decides to fall in line before she leaves. Papasalubungan niya na lang ang nakababatang kapatid kahit muffin lang. Oo, kahit pa wala siyang maipangkain bukas. Pakiramdam niya kasi ay hindi niya na ito nababantayang lumaki. Palagi na lang siya busy at walang oras para rito kahit nasa iisang bubong pa sila.

"Yes, Kuya. Papunta na ako d'yan. Wait for me, okay? Oo, eto na nakapila na ako para sa matcha latte mo," saad ng babaeng nasa harapan niya bago pinatay ang tawag.

Ibinaling niya na lang ang tingin sa menu. Chocolate muffin sounds fun. Paborito naman ni Jap ang chocolate so she decides to get one. After getting her order, lumabas na rin siya kaagad, bypassing the lady in front of her.

Nag-abang siya ng jeep sa labas ng coffee shop. Ngunit lumipas na lang ang ilang minuto, puro mga pribadong sasakyan lang ang napapansin niyang dumaraan dito. Napalinga siya sa kapaligiran.

That's odd. Jeep ang sinakyan niya papunta rito. Miski tricycle ay wala siyang napansin na dumaan kahit isa. Hindi kaya't may transport strike at hindi niya nabalitaan? She haven't watched the news recently. Puro na lang kasi patayan ang nababalitaan niya. It's draining the heck out of her. Ang hirap mamuhay sa bansang ito, pakiramdam niya ay pasan niya ang buong mundo.

Luminga siya para makahanap ng taong mukhang pagkakatiwalaan pagtanungan. Isang pamilyar na babae ang nahagip ng paningin niya. It's the woman from earlier. She wants to approach her nang makita niya itong lumabas ng coffee shop. Ngunit sinalubong kaagad ito ng maskuladong lalaki. He has this pressing aura around him.

The man grabs her by the arm kaya't napa-atras si Quinn sa nasaksihan. He's talking in a hushed voice, in a quite aggressive manner. Napabuntong hininga siya. She doesn't want to meddle with personal things.

The two are obviously arguing. Dumaan ito sa harap niya ngunit nawalan siya ng pag-asa makapagtanong dahil sa narinig. "Ayaw ko ngang sumama sa'yo." The woman grits her teeth.

Saglit na nagtama ang tingin nila ng lalaki. They walk past her at natigil na rin ang bangayan nila.

Perhaps it is just a lover's quarrel. Who is she to judge? She doesn't personally know them.

But something doesn't seem right. Mayroong kakaiba sa tingin ng lalaki, it is enough to make you shiver. Ayaw niyang mang-judge but the man looks dangerous. Iyong kapag nakasalubong mo sa daan, mapapaiwas ka ng tingin at ipapanalangin mo na wala siyang masamang gagawin.

"Amanda?" Tawag niya sa babae. Ngunit nagtuloy-tuloy ang lakad ng dalawa, tila walang naririnig. The guy's hand is wrapped tightly at her waist. She squints her eyes at them.

The woman is terribly shaking.

"Amanda, wait!" Ngunit hindi pa rin sila huminto. Inilibot ni Quinn ang paningin niya sa paligid. Marami pa rin tao.

"Amanda, akala ko sasabay ka sa'kin? Naghihintay na ang Kuya mo!" Sigaw niya, kahit magkanda-piyok siya. She doesn't like what she's feeling right now, pakiramdam niya ay mayroong kung anong nagbabara sa lalamunan niya.

"Sorry miss pero 'wag ka nga mangialam dito. Ihahatid ko ang gf ko sa kuya niya mamaya, huwag kang mag-alala," saad ng lalaki. His voice is so deep like there's venom latches on his every word. She tries to catch Amanda's eyes; the latter is is still quivering. Quinn's gut screams for danger.

The Girl Who Cannot Write Love Stories ✓Where stories live. Discover now