Epilogue

15 2 3
                                    

Naalimpungatan si Quinn at natagpuan niya na lang ang sariling nakaratay sa ospital. She cannot move her arms and limbs. And there's an IV drip connecting into her hands.

At first, she cannot understand what's going on. Napapantastikuhan siyang napatingin sa kapaligiran.

What's going on? Bakit siya nandito?

Halos mabingi siya sa katahimikan. Wala siyang nadatnang tao nang magising. Wala rin sasagot sa mga katanungang nasa isipan niya.

She tries to retrace everything back. Then, a pair of dark brown eyes pop out of her mind.

Sunod-sunod na siyang binaha ng memorya. Ang mapangahas na lalaki sa labas ng coffee shop, ang pag-stay niya sa condo nila Jae, ang nangyaring photo shoot, ang sariling pamilya, at si Ethan.

Samut-saring alaala ang bumalot sa kaniya hanggang sa mapagtanto niya kung ano ang huling nangyari.

Worry consumes her. Si Jae. Anong nangyari kay Jae?

Sakto namang dumating sina Nanay Selya at ang nakababatang kapatid niya na si Jasper.

The little kid's face lights up when he sees her. Kaagad itong kumaripas ng takbo at nagpupumilit na sumampa sa kama.

Akala niya ay sesermunan kaagad ito ng ina for being improper. Inihahanda niya na ang sariling tainga. She's already anticipating it, but it won't happen anymore.

Nakangiti lang ang Nanay Selya at parang kakaunti na lang at mag-uumapaw na ang luha nito sa mga mata.

"Saglit lang at tatawag ako ng doktor." Kaagad itong tumalikod ngunit nahuli niya rin itong nagpupunas ng luha.

Kahit nasa ganitong sitwasyon ay hindi pa rin ito nagpapakita ng kahinaan sa kanila.

Jap pokes her cheeks the moment their mother leaves. "Bili mo na ako markers?"

Lumipad lahat ng iniisip niya habang pinakatitigan ang kapatid. Mayroon itong nakakalokong tingin. Na-miss niya ito. She misses the carefree Jasper she knows.

"Oh, Jap. I miss you!" Hindi niya na mapigilan ang sarili at niyakap ito ng mahigpit na mahigpit. Nagrereklamo na itong hindi makahinga, doon niya lang ito binitawan. Napuno ng halakhak ang silid.

"Miss mo na ako e natulog lang tayo?" Then, he smiles sheepishly. "Miss mo ako kaya bili mo 'ko markers, please?"

Napalabi siya. Siguro ay washable pen na lang ang ibibili niya rito. Alam niya sa sariling hindi niya rin ito matitiis.

"Pinapagalitan ka ba ng Nanay? Sinasaktan ka ba niya?" Tanong niya. Pinakatitigan niya ito ng mabuti. Bakas ang kaguluhan sa mga mata nito.

"Hindi po, Ate Pretty." Mabini siyang napangiti sa tugon ni Jasper. Alam niyang nangbobola lang ito ngunit nami-miss niya talaga ang ganito kakulit na Jasper. Makakahinga na siya ng maluwag kahit papaano.

Ilang sandali lang din ang lumipas at mayroong doktor at nurse na bumisita sa kanila. The doctor asks her a series of questions. At sa huli, pinayuhan siya nitong magpahinga muna at avoid stress hangga't maaari.

Apparently, she blacks out of fatigue. That's why she is here.

Kaagad din naman itong umalis. Narinig niya rin sa nanay na bill na lang ang kailangan nilang i-settle at makakalabas na rin sila.

"Pasensya ka na't masyado kang napapagod para sa pamilya. Pangako, gagawa ako ng paraan para makaahon tayo sa kahirapan." Her mom caresses her arms as she hugs her.

After everything she's gone through, parang mas gusto niyang manatili na lang sila sa ganitong estado. Iyong hindi sila binabalot ng kasakiman. Iyong hindi kayamanan ang nagde-define sa kanila.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 29 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Girl Who Cannot Write Love Stories ✓Where stories live. Discover now