9: Family

11 3 0
                                    

Nakita na lang ni Adanna ang sarili kasama si Leo. Kasalukuyan siya nitong sinusubuan ng pagkain. Hindi lang ito, nakayapos pa ito sa kaniya habang ginagawa iyon. They're so close to each other, halos magpalitan na sila ng mukha. Kaya naman, kinakantyawan sila ng mga kasamang kaibigan. She feels elated, and it seems like there's butterflies in her stomach.

Gawain nila ito rati at hindi niya mapigilang makaramdam ng pananabik— the longing to be loved. Nakakasabik iyong pakiramdam na para kang nakalutang sa alapaap dahil sa saya. At ito mismo ang nararamdaman niya ngayon.

She feels complete and wouldn't wish for more than to be with the man she loves.

"Please give me another chance, Adanna. I miss you so much," saad ni Leo. His breath is fanning on her face; his lips are only inches close. Isang galaw lang niya at magtatama na ang mga labi nila. Nahigit niya ang sariling hininga sa antipasyon. Natigilan siya.

Confusion washes over her. Hindi naman ito makatotohanan. Si Leo, hihingi ng tawad at ma-mi-miss siya? Parang impossible naman iyon.

Hanggang sa unti-unti siyang ibinalik ng panaginip sa realidad. Nagkaroon na siya ng kamalayan para amining panaginip ang lahat ng ito. Her senses are now wide awake, sinampal na naman siya ng katotohanan. Everything is just a fleeting dream.

There's no way Leo would apologize and admits that he misses her. 

Naramdaman ni Adanna ang malakas na pagyugyog ng balikat niya. Hinawi niya ang mga kamay nito at tumagilid ng higa. She wants to drift to sleep again. Doon, she feels loved. If she could only stay in that state forever.

"Adanna, our photos gone viral!" A voice so familiar to her exclaims. Napabalikwas siya ng bangon. Dumilim tuloy ang paningin niya dahil sinalubong kaagad siya ng matingkad na ilaw pagkadilat niya. Kailangan pang mag-adjust ng mga mata niya bago niya naaninag si Amanda sa harap niya.

From their makeshift beds, nakita niya si Jae na nakaupo sa sofa at nakatutok sa laptop nito. Walang tigil ang pagtunog ang cellphone nito ngunit hindi iyon binibigyang pansin ng lalaki.

"He's been receiving calls since dawn," says Amanda who is currently scrolling through her phone.

"A-anong nangyayari?" Nagpalit-palit siya ng tingin sa magkapatid.  Pero ni isa ay walang sumagot sa kaniya. They're too succumb in their own headspace to even bother. Samantalang siya, naglo-loading pa ang utak.

After freshening up, lumabas muli siya sa sala. Ganoon pa rin ang lagay ng dalawa. Amanda's still wrapped in sheets while surfing in the internet while Jae is busy in his own laptop. Lahat tuloy sila ay tila nagising sa pagkabigla.

Nilapitan niya si Jae. Naki-usyoso siya sa mga tabs na nakabukas sa laptop nito. Samu't-saring articles ang nakikita niya, nakalakip pa sa sites ng mga ito ang pictures nila kahapon. Halos ang mga imahe ng shoot nila ang lumunod sa kaniya.

Totoo ba talaga 'to? Hindi niya mapigilang itanong sa sarili. If then, she's happy for Jae and Amanda. They'll get the recognition they deserve. Iyon naman talaga ang gusto niya.

Bago niya pa ma-congratulate si Jae, hinarap siya nito. She's all smiles. At ang akala niya'y sasalubungin siya nito ng may ngiti sa labi. Ngunit malalim pa ang gitla sa noo nito. She frowns. Isn't he supposed to be happy? He's finally making a name. His photos have gone viral.

"You didn't tell me," he mutters, tila kapos sa hininga.

"Tell you what?" Nagugulumihanan siya sa reaksyon nito. Parang hirap na hirap itong magsalita. He looks torned, confused, and deceived. At hindi ma-gets ni Quinn kung bakit ganito ang nababasa niya sa mukha ng binata. She can easily read him, these are clearly written on his face.

The Girl Who Cannot Write Love Stories ✓Where stories live. Discover now