6: Reintroduce Myself

27 5 2
                                    

Palingon-lingon si Quinn sa kapaligiran. Nakarating siya sa mismong coffee shop kung saan nagsimula ang lahat: kung saan niya nakita ni Amanda. Pero nandito siya ngayon para magsiyasat.

What's with this place? Bakit siya na-teleport dito sa lugar na ito? There must be a two-way pass, no? Nag-order na siya ng frappe at naidlip. She has to force herself to sleep; she's getting desparate. Alam niya namang napakalabo pero ito na lang ang tanging pag-asa niya makabalik.

Nandito na siya nang magbukas ang establisyemento. Pagkagising niya, lusaw na ang frappe na in-order niya. Nang magtama ang tingin nila ng guard, animo'y kakaunti na lang at paaalisin na siya rito.

Kaya't tumayo siya at parang uminog ang mundo niya dahil dito. She decides to fall in line. Balak niyang pasalubungan si Jasper kahit muffin manlang. Pero natigilan siya nang may mahagip ng mata niya.

It's not her ex this time— si Jae!

What is he doing here?!

Mataim itong nakatitig sa kaniya. Bigla siyang kinabahan. Bakit naman ganoon ang mga tingin nito?

She's about to confront him when she realizes something.

Pakialam niya ba kung nandito ang binata? Naku, naghahanap ba ito ng gulo? Nandito ba ito para magmanman sa pagbabakasali na mahuli nito ang masasamang loob? That's too dangerous; baka hindi. Baka bumili lang naman ito ng kape. Pinakalma niya ang sarili.

But why is he staring? Nilingon niya ang likuran niya. Baka nag-aassume lang siya na siya ang tinitignan nito.

But... there's no one behind her.

Iniwan niya ang pila at pinuntahan ito. "Are you my stalker? Sinusundan mo ako, no?" Biro niya sa lalaki. Pero para siyang t*nga na tatawa-tawa samantalang ang kaharap niya ay naka-pokerface lang. His stares could bore a hole in her.

"Oo," tipid na sagot nito. Unti-unting nabura ang mapaglarong ngiti sa labi niya. Hindi talaga ito nag-deny! Busy pa ito sa paglinga sa paligid.

"Huy, joke lang 'yon!" Hirit niya sa pagbabakasakaling bawiin nito ang sinasabi. But he remains silent.

Kaagad siyang umupo sa tapat nito. Then, she hovers over him. "Anong ginagawa mo rito?"

"Why don't you ask yourself? I told you not to make us worry, haven't I?" Masungit nitong tugon sa kaniya.

"Ang nasa isip ko pa naman, ang bait-bait mo. 'Yung tipong napaka-sweet mo pa kay Alayah," bulong ni Quinn sa sarili. Masama rin ang timpla niya nang ma-realize na stuck pa rin siya rito.

Rinig na rinig ni Jae ang tinuran niya. Mas lalo itong sumimangot dahil bukambibig niya si Alayah.

He, then, clears his throat. "I'm off to do street photography, too."

"O tapos?" Hindi niya na mapigilan ang sarili. Napipikon na siya sa kadahilanang gusto niya nang bumalik sa totoong buhay niya. Para naman matapos na ang istorya at mapayapa na siya. "Mauna ka na."

"And leave you alone? Are you crazy? Bakit ko gagawin 'yon?"

Napa-ungot siya. "Gusto ko lang naman matapos 'yung story na 'to, Lord. Ayaw ko na magsulat!" pagsamo niya. Natigilan si Jae nang marinig ang hinaing niya. That piques his interest.

He lets out a sigh and sits up straight. "Look, I cannot let what happened to Amanda happen to anyone else."

"So lagi ka rito tumatambay?" She frowns. Isn't that too dangerous? Mayroon naman silang pera at koneksyon para mahuli ang salarin sa likod ng mga pag-atake. Hindi na nito kailangang sumuong pa sa hawla na puno ng tigre.

The Girl Who Cannot Write Love Stories ✓Where stories live. Discover now