8: Women under Spotlight

14 3 3
                                    

"Are you nuts?!" Hindi niya mapigilang mapatayo. Napalingon tuloy ang mga tao sa gawi nila. Napangiwi siya't umupo muli.

Nakadekwatro pa ang loko. Kalmadong-kalmado samantalang para siyang masisiraan ng bait dito.

"Look, I'm nowhere close to the breakthrough you're saying." Napabuntong hininga naman siya. Hindi talaga magandang mang-spoil ng tao kahit ano pang rason iyan. Bumalik din tuloy sa kaniya ang sinabi.

"Bakit hindi na lang si Alayah? Naku, ilalakad naman kita roon, e. Bakit ako pa e hindi naman ako model!" Hindik na hindik siya sa naiisip nito.

She closes her eyes and take deep breaths. Pinaypayan niya ang sarili gamit ang mga kamay. Napa-amang siya nang nanatiling kalmado si Jae. Pakiramdam niya ay puputok ang ugat niya sa kaharap. 

"Bakit hindi ikaw?" Mas lalo siyang na-eskandalo sa rebuttal ng binata. "I don't want to argue with you anymore. 'Wag mo akong ipilit kay Alayah."

"Ikaw na mismong nagsabi kanina that you see things differently. Perhaps you can make people see the light," he adds. Natigalgal siya. Never in her life has she entertained the thought of modelling. Ni hindi nga iyon sumasagi sa utak niya.

"Baka naman jino-joke mo lang ako. Paano na ang street photography?" Hindi talaga siya kumbinsido, lalo na sa sarili na magampanan ang role ng isang modelo.

"I'll accept this as a challenge, and I found someone more fascinating." His eyes gleam as he looks directly at her.

Her heart leaps.

**

This is absurd. Iyon lang ang tanging nasa isipan niya nang marinig ang balak ni Jae. His concept is very clear: women empowerment.

She doesn't even know if she suits the role. She's literally no one. Iniisip niyang wala naman siyang pangalan at kredebilidad para sa gan'tong larangan. Namomroblema siya dahil baka imbes na ika-angat 'to ni Jae, maging kabaliktaran pa.

However, she couldn't deny that his concept is enticing. May parte sa kaniya na gustong sumugal dahil sa mga katwiran sa buhay. Sawang-sawa na siya maliitin ng tao dahil isa siyang babae. Ayaw niya nang ma-objectify. Maybe she can truly make people see the light after all.

So she has said yes to Jae. Ngayon, pabiling-biling tuloy siya sa higaan. Hindi siya makatulog. She has thought that she's brave enough to stand up for women pero natatakot talaga siya humarap sa camera.

Napabuntong hininga siya at lumabas sa kwarto. Maybe a glass of milk would help. Natigilan siya paglabas nang madaanan si Jae sa sala. Tutok na tutok ito sa laptop.

Mukhang naramdaman nito ang presensya niya. Nilingon siya nito.

"Can't sleep?" "Hindi ka ba matutulog?" Sabay pa talaga silang nagtanong. Umiling siya.

"Don't you trust me, Adanna?" Tanong nito kapagkuwan. Napabuntong hininga siya.

"It's not like that. Hindi lang talaga ako kumportable sa idea that I'm going to pose in front of the camera. I have no experience with it." It's more like she doesn't trust herself.

He motions her to come close so she walks toward him. Pinakita nito ang mga litrato sa laptop.

There is a picture of a woman sitting on the ground draped with fabric, another is a woman crowned with thorns, and a picture of a Barbie doll. The latter sticks out like a sore thumb ngunit hindi muna siya nagkomento. She wants to hear his ideas first. Ayaw niyang pangunahan ang vision nito.

"I am thinking of 3 different shots for the storyline. First, you'll sit on the ground and the fabric will drape over you. It'll be feminine, quite vulnerable but not because the audiences are objectifying you.

The Girl Who Cannot Write Love Stories ✓Where stories live. Discover now