7: Intimacy

14 3 2
                                    

Napabalikwas sa pagkakahiga si Quinn nang marinig ang tili ni Amanda. "Ano bang tinitili mo r'yan—"

Natigilan siya nang maramdamang may gumalaw sa tabi niya. Nanlaki ang mga mata niya. Buti sana kung aso!

"What's happening?" See! Dogs cannot talk. That's not definitely Pochi. Papungas-pungas pa ang lalaking katabi. Nanlaki ang mga mata niya. Nakayapos ito sa baywang niya na para bang ganito rin ang posisyon nila sa pagtulog.

He is topless as well. She can feel his radiating warmth. Parehas silang tumili ni Amanda.

What the heck happened?

**

"O my, Adanna! Should I be expecting a niece by the end of the year?" Pangungulit ni Amanda pagkalabas niya nang bathroom. Sinundan siya kaagad nito paglabas niya palang ng pinto.

Saglit siyang naghilamos at nag-toothbrush pagkatapos mahimasmasan sa nangyari. Akala niya ay tatantanan na siya ng dalaga, hindi pala. Natagpuan niyang nakahilata si Jae sa sofa at nakabusangot sa harap ng telebisyon. Sinilip niya ang palabas.

It is Alayah and her co-star, kissing torrid. Natawa siya. Kaya pala nakabusangot ang hitsura ng loko.

"Alam mo you, really need to take notes from me. Kung gusto mong pormahan si Alayah, 'wag kang tumunganga r'yan." Tinignan lang siya nito saglit at ibinalik ang atensyon sa pinapanood.

"Ano, hulog ka na ba? May pa-'you're not sure with that' ka pang nalalaman d'yan." Hindi siya nito pinansin. She scoffs. 

"Alam mo ba kung anong gusto ni Alayah? She likes tulips, you know. Gusto niya sa mga lalaki, 'yung kaya siyang ipaglaban. The one who'll always make time for her. The one who'll understand and listen to her. Who is patient to her. Who is kind. Gusto niya 'yung hindi siya pinapangunahan sa mga desisyon niya—"

"How about you? What flower do you like?" Natigilan siya sa pagsasalita at natawa sa tanong ni Jae. It becomes a shaky breath in the end nang makitang seryoso ang lalaki.

Napakamot siya ng ulo. Bakit ba ito nagtatanong? Ano bang pakialam nito sa kaniya? Napabuntong hininga na lang siya. Ito na naman ang lalaki, e! Nangugulat na naman.

"Wala pa kasing nagtatanong sa'kin n'yan, e." Tinaasan siya nito ng kilay, tila hindi naniniwala sa kaniya. Napakasuplado naman! Baka bugahan siya nito ng apoy kung hindi niya sasagutin ang tanong. 

"I like roses. Kahit mukhang gasgas pa 'yan."

"Magaling siya umarte, no? Kaya idol ko 'yan, e." Pag-iiba niya ng usapan.  Tinuro niya si Alayah sa telebisyon. Tumango lang si Jae at hindi na kumibo. Hindi na talaga siya pinansin ng lalaki. Baka masyado nang nabighani kay Alayah. Napa-iling siya.

Akmang babalik siya sa kwarto nang tawagin siya ng lalaki, "Quinn."

"Ano?"

"I'm sorry about what happened earlier." Napa-iwas siya ng tingin. Real-life men could never!

"I could do better," he says like he means it. Nginitian niya ang binata.

"Hello, guys? Pochi and I are still here and can't keep up with you two!"

**

Papungas-pungas pa si Quinn nang lumabas sa silid. Nakatulog siyang muli at mabilis pa sa alas kwatro siyang napabangon nang mapagtantong tanghali na. Automatikong kumilos ang katawan niya patungong kusina. She's about to open the fridge to get some water pero natigilan siya.

There's a stem of red rose clipped on the magnet. May nakasabit pa itong note.

I'm really sorry I made you uncomfortable, Quinn. I don't know how to redeem myself, but please do know that I respect you. I've never taken advantage of you last night.

The Girl Who Cannot Write Love Stories ✓Where stories live. Discover now