11: Questioning Reality

7 2 0
                                    

Quinn is living the perfect life. Isang linggo na rin ang lumipas ngunit tila kisapmata lang iyon para sa kaniya.

She's staying in their mansion for days and she couldn't be more happy. Nasusubaybayan niya ang ibang klase ng pagmamahal ng kaniyang pamilya, iyong tipong binubuo siya sa pagkadalisay. Her heart is full. If only she could stay in this dream-like state forever.

She's casually hanging out in their patio right now dahil wala naman siyang ginagawa kun'di mag-relax. Mabuti pa rito at wala siyang kailangang i-cram o ano pa man. Hindi niya rin kailangang isipin palagi ang mga responsibilidad niya sa buhay. She can just exist, and ride the tide.

She stares at the clouds and watches them drift away. Ito na ang kapayapaang hiling niya, tinatamasa niya na.

Jap is at the school, dad's in the office, and their mom is currently resting in their room. Mabuti na rin at nakakapagpahinga ang ina niya ngayon.

And Quinn feels well rested today, something that she hasn't felt for a while. Nakakapanibago rin naman pala ang buhay prinsesa dito. Literal na hindi niya na kailangang kumilos para maatim ang mga bagay na gusto niya. At pakiramdam niya ay nabo-bored siya dahil dito.

Wala siyang kailangang isipin at walang kailangang gawin. Now what?

She gets up in her seat at sinilip ang ina sa master's bedroom. Wala siyang ginawa buong araw but just casually lounge and read books. Mas makabubuti siguro kung kumilos naman siya dahil paulit-ulit na routine niya na iyon kada-araw.

She finds her mom sleeping soundly at their room kaya't hindi niya na rin ito ginambala. Their mom deserves to rest.

Sakto namang magtatanghalian na kaya't bumaba siya sa kusina. Although they have the resources now, they still have chosen not to hire maids. In this way, it'll help their family be tightly close despite living in this manor.

Natagpuan niya na lang ang sarili niya'y sumsayaw sa ritmo habang nagluluto. She's planning to surprise her father; unbeknownst that she'll be the one who'll be surprised later on.

But for the meantime, nilibang niya ang sarili sa simpleng pag-indak habang nagluluto ng salpicao. She first let the garlic cook thoroughly bago niya ito hinango. She, then, cooks the fish in sauce. She lets it simmer for a bit habang naghahanda siya.

She has decided to wear a casual but elegant summer dress, and show up bare face. Besides, idadaan niya lang naman ang niluto sa opisina ng tatay niya.

However, the universe has got another plan for her.

She doesn't want to bother her mom so she just left a note at her bedside table in case na hanapin siya nito. And to her comfort, ihahatid siya ng family driver nila sa kumpanya ng tatay.

Hindi niya mapigilang mamangha nang makasakay sa sasakyan. Finally, she is riding her dream car. Pinasadahan niya ng kamay ang interior nito. It feels luxurious— it really is. Alam niyang milyones ang halaga nito sa totoong buhay at ngayon ay napapasakamay niya na.

While on the way to the J&Queen compound, she stares outside the window. Maaliwalas pa rin ang kalangitan. Her forehead automatically creases upon realizing something. The weather has stayed clear for days. As she look around, everything is perfect, too. Pati ang buhay nila ngayon ay perpekto. Wala na siyang mahihiling pa.

Paano kung ang masalamuot niyang buhay ay isang bangungot lamang? What if this is the reality for her? She would definitely want to stay here forever. Ayaw niya nang bumalik sa paghihirap.

Pagkarating niya sa main building, sinalubong siya ng malulugod na bati ng mga empleyado. Hindi niya alam kung paano magre-react kaya't ngiti na lang ang naitugon niya. This time, she hasn't took the public elevator kaya't tuloy-tuloy siyang nakarating sa top floor.

The Girl Who Cannot Write Love Stories ✓Where stories live. Discover now