7: FRIDTJOF NANSEN

4.4K 179 196
                                    

"Fridtjof Nansen is a Norwegian explorer, oceanographer, scientist, statesman, and humanitarian. Nansen excelled at outdoor sports, including skating, skiing, hunting, and fishing. He traveled to the Greenland waters in 1882 with the sealing ship Viking."

•❅───✧❅✦❅✧───❅•

JESSICA OCAMPO POINT OF VIEW♬

"Jess! Nandito na sina Chase at Saint!" Pasigaw na tawag ng nanay ko.

Katatapos ko lang maligo at mag-ayos ng school materials ko. Kada umaga, laging ganito. Tatawagin ako ni nanay dahil nasa baba na ang dalawang kabute.

"Opo nay! Pababa na po" Sagot ko. Inayos ko muna ang buhok kong nakalugay.

Sa totoo lang, feeling ko ang pangit ko. Napakanormal ng kulay ng mata ko, itim. Mahaba at tuwid na tuwid ang buhok, parang laging bagong rebond, tuwing pagkatapos maligo nga lang. Minsan natutukso noong high school dahil morena ako, hindi naman ako maitim e, kayumanggi ako. Nakaka-bwisit kasi ang beauty standard dito sa Pilipinas, dapat maputi para masabihang maganda.

Jessica Ocampo, 21 years old. Hindi pinag-isipan ang pangalan, hindi maganda, hindi matangkad, walang trabaho at palamunin sa bahay. Grabe ang ganda ng resume ko sa buhay. Potanginang yawa ka.

Nakasuot lang ako ngayon ng fitted jeans and puting t-shirt na may print na "Coffeebreak", tig-115 pesos lang sa tiktok, naka-sale with free shipping fee. Yawang clearance day! Napagastos tuloy ako. Bukod kasi sa kakulangan ko sa pisikal na ganda, ay nabudburan rin ako ng ka-burautan.

Lumabas na ako ng kwarto pagkatapos kong ayusin ang buhok ko, isinukbit ko na rin ang lumang bag ko na 3 years nang nasa akin. Oo, since 1st year college bag ko na ito. 3rd year college na ako pero hindi ko parin maatim na bumili ng bago. Para saan? Okay pa naman, kaya pa naman magdala ng iilang papel at ballpen. 

"Ang tagal mo namang hayop ka" Bungad ni Chase habang ngumunguya, nakikain na naman ang dalawang kumag na ito.

"Lah mga putangina niyo, hindi pa ako nakakain! Tirhan niyo ako ng itlog" Nagmadali akong lumakad papuntang lamesa dahil iisang itlog nalang ang nasa plato. Sunny side up.

Pagkalabas kasi ng kwarto ko ay sala agad ang bubungad, katabi nito ang kusina namin at hapag-kainan. Walang divider na pader kaya paglabas ng kwarto ay agad na bubungad ang mukha ng mga kumag na mga 'to tuwing umaga. Sementado naman ang bahay namin kahit papaano, hindi nga lang pulido. Magaspang ang pader, may lababo pero walang tubig sa gripo, isama pa ang ilalim nitong walang harang, cabinet sana ito eh pero ginawang suksukan ng mga karton at mga plastic bags.

One of the boys ako kung tawagin. Siga sa kanto pero magsusumbong kay papa kapag napikon. Si papa talaga ang siga dito, feeling lang ako minsan.

"May isa pa namang natira ah. Santo, paabot nga ng sinangag at daing" sagot at utos ni Chase habang may karga pa ang bibig nitong kanin. Putanginang mga 'to lagi nalang nakikikain, ito namang si mama, talagang ibinibilang ang dalawang 'to para sa umagahan.

"Abutin mo, may kamay ka naman" Masungit na sagot ni Saint. Taliwas sa pangalan niya, diablo talaga 'yan. Mas matino si Chase, bobo lang yan pero hindi babaero. Hindi katulad ng isa dyan, sakristan pero malibog naman.

"Tangina mo, ang tamad mo naman" padabog na tumayo si Chase upang abutin ang sinangag at daing.

Taimtim lang ako sa gilid, payapang kumakain at pinapanood ang dalawang magpatayan para sa isang piraso ng daing. Ako 'tong nakatira dito pero nagmumukha akong bisita sa sobrang tahimik ko. Feeling at home masyado ang mga punyetang mga 'to.

The Epitome of Algedonic LoveWhere stories live. Discover now