13: TOUGH LOVE

4.2K 183 120
                                    

'Tough love strikes a delicate balance between support and challenges, ultimately guiding individuals towards self-improvement and a stronger sense of self. This approach aims to foster accountability and resilience, encouraging individuals to confront challenges and overcome them.'

•❅───✧❅✦❅✧───❅•

✦ HERA AVERY POINT OF VIEW ✦

"Knight! I can't do these things anymore. Sawa na ako" Mahinang bulong ko. Nandito kami ngayon sa office ni Tita Red.

"Avery, you know that you need to," Sagot ni Knight. Hindi niya ako tinitignan, naka-focus siya sa mga papers na hawak niya.

Tumahimik ako saglit, kinagat ang labi at nagda-dalawang isip.

Huminga ako ng malalim.

"Knight, how long do I have to pretend that I still love you?" Tanong ko, mahina lang.

Sa totoo, hindi ko na siya mahal. Matagal na, siguro 2 years ago pa.

May mahal na akong iba. Mahirap paniwalaan, maski ako ay hindi nakapaniwala sa sariling pintig ng puso ko pero if you ever experienced being loved by someone for a long time, masasanay ka sa presensya niya hanggang sa hindi mo na kayang humiwalay, hanggang siya nalang ang hahanapin mo.

"Avery, do you think I want this to happen?" Tanong niya saka ako tinignan sa mata, seryoso at matatalim.

Lately, magalitin na si Knight. Hindi ko kinakaya ang mood swings niya. Nakakatakot na siya to the point na mas gugustuhin kong magkulong sa bahay kaysa makasama siya.

"N-no" sagot ko ng nakayuko.

"Neither of us wants to be tied to each other. I don't love you, and you don't love me, kaya ano bang problema mo?" Tanong niya saka tumayo upang lapitan ako.

Napaurong ako ng bahagya nang nasa harap ko na siya. Natatakot ako kapag ganito siya. Knight's not really the hot-headed type before, nagkanda gulo gulo lang noong bumalik sa operation ang Red Dragon.

Bumuntong hininga siya saka ipinatong ang palad niya sa balikat ko. "I'm sorry. I'm too stressed lately" saad niya, mas maamo na ang boses niya.

Hindi ako sumagot, naiilang ako.

"Linisan mo nalang ang sugat ko para maihatid na kita sa klase mo" Saad niya at nagsimulang hubarin ang kanyang polo sleeves.

Pagkatanggal niya ng kanyang damit ay bumalandra ang kanyang maskuladong katawan, maganda ang hulma ng abs at malalakas tignan.

Wala ng epekto sa akin si Knight. Ni hindi na ako kinikilig sa mga titig at galaw niya. He became just another human being in my eyes simula nang magbago ang laman ng puso ko.

Gumawi kami sa sofa at umupo siya doon, umupo rin ako sa likuran niya.

I gasped when I saw the newly stitched wounds on his body. There were two of them.

"Does it still hurt?" I asked while putting on a clean pair of gloves. I had already washed my hands earlier.

"Medyo. Pinahalong sakit, hapdi at kati" Sagot niya "Bakit? May sinabi ba si Tyr?" Tanong pa niya.

Knight was shot by a gun twice, 2 weeks ago. One on his back and on one his shoulder blade.

Kaya siya nawala ng ilang araw dahil sikreto ang surgery niya. The day he returned was when Clio challenged him to an Archery fight.

The Epitome of Algedonic LoveWhere stories live. Discover now