40: OVERCHOICE

3K 105 86
                                    

'Overchoice, also known as the paradox of choice, is a phenomenon where individuals have difficulty making a decision when presented with too many options. It can occur when there are so many choices available that it becomes overwhelming and time-consuming to evaluate them all. Overchoice can also result in people opting for the default or easiest option rather than making a deliberate choice'

•❅───✧❅✦❅✧───❅•

SAINT GABRIEL POINT OF VIEW

Siguro nang magsabog ng swerte ang Diyos, tulog na tulog ako noon.

Para akong tangang nandito sa harap ng Bahay Kubo nina Prof. Argente.

Ang sabi kasi by 9 P.M daw, may event na mangyayari hanggang 2 a.m. Ayon sa instruction, may dalawa dapat na sasali sa puzzle game event.

7:30 P.M na pero walang gustong mag-volunteer. Ang sakit sakit na ng utak ko.

Kakaibang puzzle game. May hawak na 8 puzzle pieces ang bawat course level, at dahil iisang section lang kaming 3rd year, mas madali lang i-organize. Kaso, walang gustong mag-volunteer sa section namin. Gusto kong manakit.

Wala namang mahirap na gagawin e. Para makuha ang dalawang puzzle pieces dapat gawin ng dalawang participants ang iuutos ng mga leader ng ibang groups. Kapag hindi nagawa ng participants ang ipapagawa ng leader sa kabilang groups, walang makukuhang puzzle piece.

Kailangang mabuo ang puzzle pieces para ma-reveal ang riddle. Kapag nasagot namin ang riddle, magkakaroon kami ng additional allowance at mabibigyan kami ng electric fan sa bahay kubo dahil walang aircon sa bahay kubo, wala ring electric fan.

Nilalamok na ako sa labas nang sa wakas ay bumukas na ang pintuan ng bahay kubo.

"Mr. Archanghel, what are you doing here?" Iniluwa ng pintuan ang aming Diyosang Propesora. Naiilang akong tignan siya dahil nakakatakot ang awra niya, ang strict niya kasi tignan. Hindi pa mabiro kapag nasa klase, basta ang professional niya. Kahit tindig niya nakaka-intimidate.

"Wala po kasing may gustong mag-participate sa amin ma'am. Baka po hindi kami makasali sa game." Deretso ko ng sinabi ang problema ko.

Hindi ko makausap si Jess, broken hearted e. Si Eloi naman ay hindi raw sasali dahil baka may maging 'dare' sa kabilang group na hindi magustuhan ni Jericho. Tangina! Bakit pa kasi nag-jowa ng ka-course. Napaka Kill Joy e, puro selos.

Si Clio, parang may sariling mundo. Mag dalawang oras na siyang nakaupo sa Bamboo chair sa labas, nakatingin sa langit. Ano bang problema ng mga tao ngayon?

Si Chase, game daw siya anytime so isa lang ang need ngayon. Gustuhin ko mang sumali ay hindi pwede dahil ako ang hahawak sa mga puzzle pieces.

"Have you asked Clio to join in?" Untag ni Prof. Argente.

Nakakatakot talaga ang paraan ng pananalita niya, para kasing dumaan sa military e. ROTC kasi ang kinuha ko noong freshman palang ako, at isa lang ang masasabi ko, nakakatrauma ang ka-striktuhan ng mga higher ups. Hindi sa masalimuot ang memories ko doon pero iyong mga drills, punishments at activities, iisipin ko palang nagsisisi na ako.

"Hindi ko po siya makausap Prof." Napakamot ako ng batok. "Para po kasing may problema siya, kanina pa po nakatambay doon sa bamboo chair" Dugtong ko.

Alam naming lahat na mag-jowa sila, siguro kung hindi propesora si Prof. Argente ay susubukan namin siyang kaibiganin pero hindi pwede talaga, tingin at awra palang napaka-professional na.

The Epitome of Algedonic LoveNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ