Kabanata 1 : Tasia

92 7 4
                                    

    Gratias Tibi Agimus, No

    Kabanata 1 : Tasia

    Nag la lakad ako patungo sa unang palapag ng mansyon ng mga castro, isa isa silang nag puntahan habang nag hi hintay mag luto ang lola maria, si lolo casa ay umiinom ng alak, si mama halaya ay tahimik lang din nag hi hintay.

    Kahit isa sa amin ay ayaw gumalaw, ang makikinig lang sa ngayon ay ang pag lagok ng alak ni lolo casa sa hapag "tasia, malaki ka na" tugon ng lolo casa.

    Mahigit kumulang na doble sa matabang tao ang katabaan ng lolo, kahit ito'y matanda na ay malakas pa rin ito. Walang kahit isa sa pamilya ang gumagalit sa kanya, dapat ang sumagot kapag ika'y tinatanong kaya ng sinabi n'ya ito, sumagot ako.

    "Opo lolo casa"

    Lumagok ulit ito habang nakatingin sa aking mesa, andyan na si lola maria, kasabay noon ay ang bagong yaya ng pamilya, si yaya kuring.

    Dinadala n'ya ngayon ang mga nakahanda ng pagkain sa isang lalagyan ng mga ito, inilagay n'ya ito sa hapag ng pamilya.

    Ngunit kapansin pansin ang nanginginig nyang pag hawak, tila ayaw na ayaw nya ito.

    "Tara'y kumain na yaya kuring" tugon ni tita lucia, ngumiti ito sa katulong at tumugon din naman ito ng ngiti—maliban dito, kaba lang ang makikita sa buo n'yang katawan, anong nakita nya sa niluluto ni lola maria?.

    "Kain kana, sumabay ka na samin" tugon ni agracio na ngayon din ay kumukuha na ng pagkain sa hapag, nilagyan na ako ni mama ng pagkain at maging si hector na tila gutom na gutom na rin ay 'di mapigilang kumain gamit ang kamay n'ya.

    Kakaiba ang bawat myembro ng pamilyang castro, ayaw akong palabasin ni ina tuwing gabi, sabi n'ya. May mahalagang misa ang nagaganap kapag gabi—na ang pamilya lang namin ang gumagawa, ang matatanda lang sa pamilya kung tiyak ang aking sasabihin.

    Kahit ang kapatid kong si selya ay hindi rin pinapalabas ni ina, sinandukan na ako ni lola maria at ito'y ngumiti sa akin, binigyan ko rin s'ya ng malaking ngiti.

    "Kumain kana po yaya" tugon ko, "wa-wala akong ganang kumain".

    "Bakit po?" Tugon ko rito, umalis ako sa aking kina uupuan at saka pumunta kung nasaan ang yaya para ito'y hilahin sa hapag, tiningnan ko lang s'ya at sya na ay natakot sa hindi ko malamang dahilan.

    "Ayaw ko, ayaw ko!" Inalis n'ya ang kamay ko sa kanyang kamay, bigla n'ya akong sinampal, "ya-yaya?" Napatayo si ina at dali daling sinampal ng napakalakas si yaya, bigla itong nawalan ng balanse at natumba, "hindi, ayaw ko"

    "Hindi, hindi ako kakain" Tugon parin nito, pumunta ako likod ng upuan ni lola saka niyakap ito, "hayop ka!, lapastangan ka sa mga castro!"

    "Agracio, alden—ikulung n'yo yan!"

    "Ina?"

    Tumawa bigla si lolo casa saka tumungga ng kanyang alak, hindi n'ya pinansin ang ng yayari ngunit natutuwa sya sa mga bagay na hindi katawa tawa.

    Bigla kong nakita na dinadala na nila tito alden at tito agracio ang yaya namin, sa likod ng bahay ay meron kaming nakinig na malakas na putok ng baril.

    "Sino ba s'ya?" Tanong nito habang may galit sa kanyang pagkasabi, kitang kita ko kung paano magalit ang tahimik at mabait kong ina.

    Lumapit s'ya sakin at inilapat ang kanyang kamay sa aking kilikili upang buhatin ako, inilagay n'ya ako sa aking upuan para ako'y pakainin, hindi ako makapaniwala ngunit hindi ko rin iyon binigyang pansin pa.

    Makikita ang kaunting dugo sa kamay ni tito agracio, kitang kita ang ngiti nito, umupo ulit sila sa kanilang upuan at kumain.

    "Hector, meron ka bang napansin?"

    "Ano?"

    "May napansing kakaiba"

    "Wala, maliban sa ayaw tayong palabasin sa kuwarto at lagi itong naka lock ay wala na akong napansing kakaiba, sabi pati ni ina, kapag may nakinig daw akong isang napakalakas na tunog ay wala iyon"

    "Iyong kaganina?"

    "Tasia" tugon ni lolo casa.

    "Tasia, hindi ko iyon masasagot"

    "Baril ba yun?"

    "TASIA" sigaw ng matanda, bigla akong nagulat, ngayon ko lang iyon nakinig kay lolo casa, napapikit nalang ako sa biglaang pag sigaw ng matanda ngunit pag bukas ko ng mata ay nakatingin lang sila lahat sa akin, hindi sila ito.

    Ang tatalas ng tingin nila sa akin, "sa susunod, huwag na huwag mong itatanong ang mga ganyang tanong sa bawat myembro ng pamilyang ito, bata ka pa kaya hindi ka pa puwede."

    "Hindi na po mauulit"

    Hindi ako makatingin sa kanila, hindi ko alam kung bakit, anim na taong gulang palang ako ngayon ngunit hinog na ako kung tatanungin ay katandaan.

    Pilit ko nalang kalimutan iyon, "huwag na huwag mong galitin ang lolo mo tasia" tumango nalang ako ngunit sa tono ng pananalita n'ya ay nag pi pigil s'yang saktan ako.

    Natapos ang kainan sa hapag, busog na ako ngunit hindi ko pa rin talaga malaman kung baril ba talaga ang pag putok na iyon, masyadong lamakas.

    Dahil ang mansyon na ito ay nasa gubat, malayo sa sibilisasyon, ang lahat ng ginagawa ng pamilyang castro ay ginagawa nila, kahit patago ito sa mga inosenteng anak na katulad ko, kaya nilang gawin.

    Ngunit bakit?.

    Pag katapos kung kumain ay kunyari akong pumunta sa aking silid, ngunit hindi ako dumiretso. Pumunta ako sa silid ni hector para tingnan ang bintana n'ya ngunit wala akong nakita roong kakaiba, maliban nalang sa bahay ng aso, meron akong naaninag na patak ng dugo papunta roon, at kadena na dumeretso sa bahay ng aso.

    Tumingin ako rito na buka ang mata, "ano 'to?" hindi ako maka imik ng masyado, kitang kita ang biglang sumilip na ulo ni yaya kuring, kitang kita ang ulo nitong naliligo na sa dugo, bakit dugo?, bakit puro dugo?.

    Tiningnan ko lang itong mabuti, hanggang makita ko na merong timba na wala ng laman sa tabi ng bahay ng aso, isang timba na kitang kita pa ang tirang dugo dito, tama.

    Binuhusan ng dugo si yaya kuring, napatakip nalang ako ng aking bibig, ano ang nakikita ko?, bakit ba walang bintana sa kuwarto ko?, dahil ba dito?.

    Hindi ko pa rin malaman, bakit binuhusan ng dugo si yaya?, ngunit hindi ko na naituloy ang iniisip ko dahil merong isang kamay ang biglang humawak sa balikat ko, sino s'ya?

    "Tasia" isang malamig na boses, hindi malagong ngunit ito nama'y nakakakilabot, ako napatingin sa mukha nito, nakita ko s'ya—ang hindi inaasahan.

Gratias Tibi Agimus, No Where stories live. Discover now