kabanata 15 : Buksan

33 2 0
                                    

Gratias Tibi Agimus, No

    Kabanata 15 : Buksan

Makikita ang wala ng buhay na katawan ni selya na naka mulat habang ito'y makikitang inalisan ng laman, kasama dito  ang malapit ng maputol na ulo nito habang makikita na ang backbone na nasa likod nito. Di mapakali ang aking mata, nanginginig ang buo kong katawan at sumakit bigla ang aking ulo.

Humakbang ako patalikod upang makaalis habang tinitingnan pa rin si selya, hanggang tumakbo na ako. Pinabayaan ko na ang mga interesenteng bagay dito sa basement.

Tumakbo nalang ako, paano nga ba ako hindi tatakbo?, ang kinakain ng matandang iyon ay walang iba kung hindi si selya, ang aking na proklamang kapatid simula pa noon.

Hindi ako mapapakali at tumakbo papalabas, hanggang maalala ko. Iyong gasera!.

Hindi ko na hawak!.

Pinabayaan ko na lang, pumunta ako sa pintuan ng kusina upang doon tumungo ngunit wala, sarado.

Sinarado na, bakit?. Lagi naman itong sarado 'di 'ba?.

Bakit ngayon pa?.

Pumunta naman ako sa mismong pintuan ng mansyon at doon ko nakita na bukas ito, ngunit ng buksan ko ito ay makikita si lola maria patungo sa kusina.

Ngunit bigla itong napatingin sa aking harapan, umalis ako sa aking kinatatayuan ar itinago ang sarili ko. Naramdaman ko ang pag damog ng kanyang paa at akin nangang nakita.

Sinarado na n'ya!.

Bakit ba ganito.

Pumunta muli ako sa harap ng kusina at tiningnan kung merong pag tataguan, nag hanap ako ng damo o kung ano at suwerte ng makita ko ang puno.

Doon ako nag tago at nag hintay hanggang makita ko si lola maria na binuksan ang pintuan ng kusina.

Sinarado n'ya ito ngunit hindi ko nakitang sinusian n'ya.

Kaya ng makaalis na s'ya ay tumungo ako doon at ng makita ko, sobrang saya ko.

Bukas ito.

Ngunit ng pag bukas ko, nakita ko s'ya.

"Tasia"

Humakbang s'ya.

"Simula ngayon"

Humakbang muli s'ya.

"Sa kanya ka na!"

Tumakbo ako at pinabayaan nalang iyon.

Hanggang makita ko si lolo casa na hinahabol ako, ang bilis n'ya!.

Bakit gano'n.

Bakit ang bilis n'ya.

Bakit parang ang bilis bilis n'ya.

Tumakbo ka tasia!.

Hindi dapat ako mag pahuli!.

Bakit ganito ba ang ng yayari?, bakit ganito.

Natatakot ako, hingal na hingal.

Tumakbo pa rin ako.

Tumakbo pa!.

Hanggang makita ko muli ang kusina, iyan.

Malapit na tasia!.

Hanggang makapunta na ako.

Humakbang na ako sa loob at sinarado ang pinto.

Iyan.

Tapos na.

Nag lakad ako patungo sa pangalawang palapag ng mansyon at pumunta sa aking kuwarto.

Ngunit hindi ako pumunta sa kuwarto ko dahil pumunta ako sa kuwarto ni hector.

Gratias Tibi Agimus, No Where stories live. Discover now