kabanata 4 : Melanie

52 3 0
                                    

    Gratias Tibi Agimus, No

    Kabanata 4 : Melanie

    Tahimik, ang mga naririnig 'ko lang ngayon ay ang mga sa sakyan.

    Malapit na kami sa aming distinasyon ngunit hindi ko pa rin alam kung anong mararamdaman.

    Kung ano ano ang dumadaan sa aking isipan.

    Ngunit hindi maikakaila na meron pa ring bago sa aking paningin.

    Maraming tao, kitang kita ko rin kung paano sila aktibo.

    Bago ito sa paningin ko, meron akong nakikitang mga katulad kong bata, merong pamilya o wala, dahil una. Nabuhay ako ng ang nakikita araw araw ay mga luma ng kasambahay, pamilya ko.

    Lahat ay ginagawa ang dapat nilang gawin.

    Kinalaunan ay makikita naman ang mga gusali, mga modernong gusali.

    Kitang kita ang taas nito.

    Pero umalis ako sa pag kakatuon ko sa mga iyon.

    Tumingin ako kay tito alden at tita lucia.

    Tahimik pa rin.

    Hindi kinalaunan ng andito na kami sa isang malaki at lumang bahay.

    Pinababa na ako ni tita lucia at saka naman sila bumaba  at kinuha ang aking mga gamit sa likod ng sa sakyan.

    Tiningnan ko sila ngunit hindi nila ako pinansin at nag patuloy na pag da dala ng gamit ko sa harapan ng isang bahay.

    Kumatok si tita lucia at tumawag, "tao po?"

    Ngunit walang tumugon.

    "Tao po." Tawag rin ni tito alden, kitang kita ko ang pag ka irita n'ya ngunit nawala iyon ng boses ng matanda ang tumugon sa pag papatuloy n'yang tawag.

    "Sandali lang" tugon nito.

    Mga ilang segundo bago n'ya buksan ang pinto at pumunta sa bakal na bakod upang buksan ang bakal na pintuan, "oh, lucia."

    "Andiyan ka pala" tugon nito, tumingin lang ako sa matandang babae.

    "Pasok kayo"

    "Hindi na hoh, na andito na po pala si tasia"

    "Si tasia ba kamo?, huwag na kayong mahiya't ako'y nag luto na ng tanghalian, dito nalang kayo kumain. Hindi n'yo ba nakita na delikado ang pag ba byahe kapag gabi?"

    "Huwag na ho talaga, da dalhin nalang po ni alden ang mga gamit ni tasia sa loob at a alis na rin ho kami"

    "Kung iyan ang iyong nais kung ganon, kung baga ay— hindi na kayo mag papahinga man lang? Matagal ang byahe dito patungo sa mansyon ng aming pamilya, baka mabakas ng tinik ang baka mang yari sa inyo iha"

    "Talagang huwag na kayong mag alala lola melanie, maraming salamat po"

    Umalis na si tita lucia at sumakay na sa sa sakyan, nag simula namang kunin ni alden ang mga gamit ni tasia at inilagay sa kung saan sa bahay ng lola.

    "Tasia, masama ang nakikita ko mula sa pamilyang castro ngayon" bigla akong nagulat.

    "Anong ibig po ninyong sabihin?"

    "Pumasok ka muna sa bago mong bahay at sasabihin ko sayo"

    "Hoh?"

    "Sasabihin ko sa iyo ang kutub ko"

    Sumabay ako sa yabag n'ya hanggang makapunta ako sa sala, simple lamang ang bahay, komportable.

    Makikita ang iba't ibang gamit na tila mga antique, meron ring mga bagay na hindi ko alam.

Gratias Tibi Agimus, No Where stories live. Discover now