Kabanata 3 : Sipol

52 2 0
                                    

    Gratias Tibi Agimus, No

    Kabanata 3 : Sipol

    Tumakbo ako, asa'n na ko?.

    Kitang kita ko ang sobrang dilim na daanan sa iba pang silid ng mansyon, ibang iba ang pakiramdam dahil gabing gabi na, walang wala akong makita.

    Hindi ko alam kung saan ako pupunta, hindi ko alam kung anong gagawin nila, hindi ko alam kung anong kuwarto ang pinasok ko dahil sobrang dilim.

    Nabibigyan lang ng kaunting ilaw ang kuwarto dahil sa maliit na butas sa pader nito.

    Ayaw kong imulat ang mata ko, ayaw na ayaw ko ring umalis rito, ngunit ano ba ang kaganina ko pang nakikinig.

    Napapanlaw lang ako, bata pa ako at matatakutin pero bakit parang kakaiba?, ano iyon?.

    Isang tunog ng sipol, isang tunog sipol na parang nakikinig ko sa likuran 'ko.

    Ngunit paano?, pader na ang nasa likod ko, paanong meron akong nakikinig na sipol?.

    Pero nakita ko, ang butas palang tinutukoy ko kaganina na nag bibigay ng kaunting ilaw sa akin ay nasa likod ko, ibig sabihin nito ay nasa likod ko s'ya.

    Nasa likod ng pader nito, pero.

    Ayaw kong tingnan, ayaw na ayaw ko.

    Pero ng sumilip ako, ng unti unti kung tiningnan, meron akong nakitang nilalang na naka upo sa isang upuan, babae.

    Mag isa lang ito, sumisipol.

    Ang babae na iyon ay hindi ko maaninag, itim lang ito.

    Itim na itim.

    Pero sa isang iglap.

    Ng pumikit ako—

    Pag pikit ko.

    Humihinga na s'ya sa butas.

    Ayaw kong imulat ang aking mga mata, ayaw kong makita s'ya.

    Ngunit ng tingnan ko, walang humihinga.

    Walang itim na babae.

    Ano ang nakita ko kaganina?.

    Ng meron akong narinig, naririnig ko ang pag lagok ng alak, papalapit lang ito sa akin.

    Ngunit bigla lang itong tumigil, tumigil ang pag lagok at tumigil din ang pag galaw.

    Dumapa ako at nag gapang.

    Dahan dahan.

    Pero ano yung usok na iyon?, bakit amoy sigarilyo?.

    Hindi ko nalang pinansin at tumingin lang ako sa madilim na daan.

    Walang wala pa ring ilaw, kahit katiting.

    Nawalan na rin ng puting buwan na tumatapat sa butas kaya walang wala pa rin.

    Ang naririnig ko nalang ay ang pag hinga n'ya, kahit sobrang lakas nito, nag patuloy pa rin ako.

    Hanggang makalabas akong gumagapang, napaka dilim.

    Hindi ko mapigilang mapanlaw, para kasing merong itim na bagay, hindi.

    Merong ngang itim na bagay, isang babae.

    Isang babaeng sumisipol ang hindi ako pinapansin.

Gratias Tibi Agimus, No Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt