kabanata 11 : Kaarawan

26 2 0
                                    

    Gratias Tibi Agimus, No

    Kabanata 11: Kaarawan

    Pag kamulat at pagkamulat palang ng aking mata, kadiliman agad ang aking nakita, normal na bagay sa aking paningin.

    Hindi pa umaga kaya hindi pa nag bubukas ng ilaw sa buong mansyon ngunit sa sampung segundo, bumukas

    Tumungo ako sa labas upang tingnan sila, wala pa rin akong makitang mga lingkod ng bahay na ito, kaya ba ang labas ay hindi na naaayos?.

    Hindi ko alam.

    Nag lakad ako sa palikuran upang mag hilamos, tiningnan ko ang sarili ko sa salamin. Malaking eyebag sa baba ng aking mata at mga ala ala na hindi mawala sa aking isipan.

  At ang mga ala alang iyon ay sumagi sa isipan ko—ito at ang ng yari kagahapon, sumakit na naman ang ulo ko dahil doon ngunit tiniis ko nalang ang paulit ulit na muling pagkalaro sa aking isipan ang mga iyon

tumungo naman ako sa pinaka mababang sahig upang tingnan kung kumakain na ba ang buong pamilya.

    Nakita ko sa isang upuan si lolo casa, umiinom ng alak at ng napatingin s'ya sa'kin. Ngiti lamang sa kanyang labi ang bumaon sa aking mga mata.

    "Pumarito ka"

    Tumugon naman ako, pumunta ako roon at saka umupo.

    S'ya nga ba iyon?, hindi pa rin ako sigurado.

    "Maligayang kaarawan tasia, matutuwa ang magulang mo"

    "Si inang halaya?"

    Hindi s'ya tumango ngunit tumingin naman s'ya sa babae, tumingin s'ya kay ina at nag salita. "Batiin mo ang iyong anak halaya"

    "maligayang kaarawan sa aking bunsong anak!"

    "Maraming salamat"

    "Gayon, asan ho sila hector?. Hindi po ba sila lalabas?"

    "simula ng mangyari iyon ay, ayaw na nyang lumabas sa kanyang silid"

Walang kahit anong pag aalala sa kanyang tugon, tumingin ako sa nakahain.

Meron na agad ditong mga potahe katulad ng mga inihahain kapag kaarawan ng isang tao, pinag handaan nga ba nila ito?.

Paano sila kumuha ng karne?, kitang kita naman dito na ang marami dito ay taba kesa sa laman kaya bigla akong nag taka.

Mas mabuti kung purong laman kesa naman sobrang raming taba, kahit na. Nag pasalamat pa rin ako.

Umupo ako sa dati kong upuan, sa laki ng pinag bago ko ay ang upuan na ito ay talagang sumakto na sa akin. Hindi katulad ng dati na talagang pahirapan ako sa pag  upo para lang ako ay makakain.

Ngayon ay sakto na.

Nag salita si ina.

"Buti nalang at dito mo naisipang pumunta, pag katapos kang dalhin ng yumao kong kapatid ay wala ng balita sa iyo, napaka saya ng pamilyang castro"

Ang saya nga talaga.

Sobrang saya.

Pumikit ako at umiling.

Tumugon naman si lolo casa, "ito ata ang pinaka masayang araw ng pamilyang ito. Andito ka na tasia—hindi na sapilitan ang pag paparito mo"

"Hindi ho, sinabi po kasi ni lola maria na pumunta rito dahil nga po sa dahilan na iyon, na—na dito po ako mag diwang ng kaarawan. "

"Nag sabi?"

Tumingin s'ya kay lola maria na kakarating lang ngunit walang tugon sa mga ito, humalakhak si lolo casa at saka tumugon.

Gratias Tibi Agimus, No Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon