Kabanata 18 : Hangganan

33 2 0
                                    

Gratias Tibi Agimus, No

    Kabanata 18 : hangganan

•••

Tasia

•••

Ayaw kong makatulog, pinipigilan ko.

Ayaw kong makatulog at sabihing normal lang ang lahat, nakita ko na ang totoo.

Sinimulan kong mag lakad, mag lakad ng mag lakad papuntang garahe.

Ang dilim ng paligid, ngunit ang mga ito ay dahil nasagot na, alam na alam ko na kung sino talaga ang aking ina.

Hinirang nya ako bilang sya ang nag bigay sa akin ng pag asa.

Humakbang ako.

Tumingin ako sa aking dinadaanan, ngunit dahil sa kadiliman, hindi 'ko ito makita ng deretsuhan.

Ng makita ko na ang dulo, bigla akong nagalak.

Bumilis ang pag lalakad ko at meron ring malaking ngiti sa aking labi.

Hawak hawak ng aking kamay ang may sugat para hindi tumulo ang dugo nito.

Mahapdi at masakit na ang sugat ngunit dahil sa pag hawak ko ay hindi na ito nag dudugo, pag katapos ng mga ilang sigundo ay naka labas na ako sa basement.

Hinihila ko ang sarili ko sa kapaguran dahil sa mga biglaang pang yayari. Natatakot na baka bigla nalang sumulpot si lolo casa.

Kaya nag ingat ako, tumingin tingin ako sa kapaligiran.

Madilim na sa paligid ngunit ang kakaiba lang, mas lalong lumiwanag ang buwan.

Kauntiang nakikita ko ang mga dahon sa malalaking puno.

Nag lakad ako para maka alis na rito.

Kailangan ko ng bumalik sa aking kuwarto upang mag gayak ng kailangang dalhin papaalis rito.

Ngunit ano bang gagawin ko para maka alis?, gamit ang sasakyan ng mga castro. Merong apat na sa sakyan ang mga castro at ang mga iyon ay personal na kagamitan lamang ng mga ito.

Ngunit bago pa ako makapag isip.

Biglang tumibok ng napaka lakas ang aking puso, bigla akong nagulantang at napatingin ng deretsuhan sa katiting na piraso ng katawan ni lolo casa.

Ulo nya lang ang makikita at makikita rin ang mga sampung pag papaputok ng baril.

Ngayon.

Hindi ko na mapigilan.

Sa harapan ng ulo ni lolo casa na pugot na ang ulo, may umaakyat ng uod sa mata nito at dugo na nakakalat sa iba't ibang parte.

Sa ulo nitong butas at paulit ulit pinaputukan ng baril, bigla nalang lumabas at nag pumilit ang tinapay kinain ko kaganina.

Sumama pa ang malapot na laway na patuloy na inilalabas ko. Hindi ko na mapigilan.

Lumabas na rin ang natitirang luha sa aking mga mata dahil sa pait, nag iinit na ang aking katawan.

Tinigilan kong hawakan ang aking sugat saka inilagay ito sa aking tuhod, pinag masdan ko lang ang aking suka habang ito ay lumalabas.

Nag patuloy ako sa pag lalakad, nakinig ko ang tunog ng isang kotse na patuloy ng papaalis. Pinabayaan ko na ito at nag patuloy.

Tiningnan ko ang kusina kung bukas, ng makita kong bukas ito ay pumasok na ako.  Nag patuloy ako sa pag lalakad ngunit kapansin pansin ang ilaw na makikita.

Pinabayaan ko nalang iyon. Tumungo ako sa pangalawang palapag at tiningnan ang aking kuwarto. Makikita pa rin ang wasak na pintuan at mga dugo na ng galing sa paa mismo lolo casa.

Pumasok ako sa kuwarto at kinuha ang maleta ko.

Tiningnan ko ang manika ngunit hindi ko na ito pinakaylaman, hinayaan ko nalang itong na andyan.

Wakwak.

Sa kabila noon.

Tumungo rin ako sa kuwarto ni hector, sinilip ko sya at kinuha ko ang singsing na meron ang kanyang kamay, inilagay ko ito sa aking bulsa at ako ay nag dasal.

Ng matapos ko iyong gawin ay pumunta na ako sa garahehan.

Ngunit kataka taka, bakit tatlo nalang ang kotse at nawawala ang isa?.

May nag nakaw?

Ngunit hindi ko nalang iyon pinansin.

Tiningnan ko nalang ang tatlong kotse at pumili ng isa.

Dahil na andito rin ang susi ay kinuha ko nalang ang itim na sa sakyan at pinaandar ito.

Ng unti unti akong maka alis, labis ang saya ko.

Hinawakan ko lang ang manibela at hinigpitan ito.

Ngunit bakit ganoon?.

Bakit parang may nakakalimutan ako?.

Ano ba ang nakakalimutan ko?.

•••

Isang malaking pag sabog ang maririnig ngunit mapapansin sa pintuan ng kotse, isang tao ang sinubukang makalabas hanggang makita sya ng isang lalaki.

Hinawakan sya nito at dinala sa hospital ngunit ng gumising ang babae. Hindi nya na alam kung sino sya.

Napatingin sya sa lalaki at ito'y tiningnan lang, tinitingnan kung kilala sya ba nito ngunit hindi nya alam kaya nag tanong sya.

"Alam mo ba kung nasaan ako?, kilala mo ba kung sino ako?" hindi sumagot ang lalaki.

Ngunit meron rin syang nakitang babae na kanya ring tinanong "sino ako?"

Walang tumugon.

Ilang ulit syang nag tanong hanggang mapag tanto nyang wala talagang pag asang malaman kung sino sya ngunit ano pa nga ba ang kanyang magagawa?.

Tila ang alam lang nya ay ang kanyang pangalang leya ngunit maliban doon ay wala na.

Ng ito na nga ay mag salita, sinabi ng lalaki ang kanyang pangalan.

Agracio.

Agracio ang kanyang ngalan habang ang babae naman ay sinabi rin ang pangalan.

Halaya.

Oo, halaya ang kanyang ngalan.

Isinaad ng dalawa na gusto nila siyang ampunin, dahil sabi nila.

Sya ay ulilang anak.

Iyan an sabi nila.

Ngunit dahil wala na syang pag pililian.

Um-oo sya.

Mga ilang araw sa ospital, gumaling na ang sugat na tinamo ni leya, mula sa kanyang malaking hiwa sa kanyang braso at kanyang naalog na utak, ang kanyan mga galos at duguang mukha.

Lahat na ay na resulba.

Hanggang sa muli.

Namuhay si leya ng matiwasay sa bahay na kanyang akala.

Tingala man sa langit ang itinuturo ng mga ito sa kanya ngunit sa kabila nito ay ang pamilyang iyon.

Ang pamilyang iyon na nag so suporta sa dalawa, ang pamilya na may pasimuno ng lahat.

Ang lahat ng mga taong naikasal na demonyo.

Sa makatuwid, ilang taon na simula ng mang yari iyon, maayos  ang kanyang pamumuhay. Lahat ay kanyang gusto sa munting bahay na iyon.

Sa munting bahay na iyon ay meron lamang isang telepono.

Ngunit hindi nya namalayan sa unang pag kakataon.

Tumunog ito.

Gratias Tibi Agimus, No Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon