Kabanata 7 : Dila

40 2 0
                                    

    Gratias Tibi Agimus, No

    Kabanata 7 : Dila

    Makikita ang salitang ILIGTAS MO ANG SARILI MO sa papel na kanyang hawak.

    Bakit n'ya ito sinasabi, ano ang meron sa kanya?

    "Anong—" bigla akong nagulat.

    Nag sulat ulit s'ya.

    UMALIS KA!

    Bakit n'ya ito sinasabi?.

    Ngunit ng tiningnan ko uli s'ya.

    Nag susulat ulit s'ya.

    "Bakit ayaw mong mag salita?" Ano ang mga pinag susulat n'ya.

    IKAKASAL KA

    "Anong sinasabi mo!" Ilang ulit ko ng tinatanong.

    ALIS

    "Bakit mo ba iyan sinusulat"

    MAGIGING SAKRIPISYO—

    "Bakit, ano bang mga pinag sasabi mo hector"

UMALIS KA

    Tinulak nya ako papalabas, pilitan kong lumaban upang hindi nya ako mailabas ngunit hindi, nakalabas na ako.

    Bakit n'ya iyon ginagawa?.

    Ngunit hindi ako susuko, kailangan kong malaman

    Kitang kita ko ang pag sarado ng pintuan ni hector, hindi ako mapakali.

    Tumayo agad ako at tumungo sa pintuan, kinatok ito.

    "Hector, bakit ka ba ganyan?, kausapin mo 'ko"

    Ngunit walang sagot.

    Mag gagabi na at hindi ko pa rin alam kung bakit gano'n s'ya, ang daming nag bago sa kanya.

    Bakit ganoon?, totoo bang merong ng yayari ditong hindi ko alam, merong mga bagay na masyadong kumplikadong sekreto dito sa mansyon?.

    Parang meron nga, parang meron silang tinatago sa akin, mga dapat malaman ko.

    "Hector."

    Binuksan n'ya ang pintuan.

    Ano nga bang dahilan.

    "Mag salita ka"

    Pumasok ako sa loob at binuksan ang kanyang bibig.

    "Mag salita ka, hindi mo ba ginagamit ang—"

    "Asa'n ang dila mo?, bakit wala?"

    "Hector?, anong ng yari?"

    Walang kahit anong galaw, sumabog bigla ang isipan ko sa daming katanungan na pumasok sa akin.

    Asa'n ang dila ni hector, sino ang nag tangkang pugutan ng dila ang lalaki?.

    Isa kaya sa mga tao rito ang gumawa ng ganoong bagay?.

    "Anong ng yari sa'yo"

    Biglang tumama sa akin ang kaba ng makita ko na ang totoong sitwasyon.

    Dati pang wala ng dila si hector.

    Ayaw n'yang mag salita noon.

    Kitang kita ko pa ang pag pipigil n'ya sa bagay na iyon noong a alis na ako papunta kay lola melanie.

    Ngunit bakit?.

    Sino ba ang gumawa ng ganito?.

    Sino sa pamilya?.

Gratias Tibi Agimus, No Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin