kabanata 14 : Casa

28 2 0
                                    

    Gratias Tibi Agimus, No

    Kabanata 14 : Casa

    "Lahat ng makikita mo sa pamilyang ito, huwag mong sabihin sa kanya. Kapag bumalik s'ya muli rito."

    "Alam kong sasabihin mo lahat, dahil ayaw mo sa tradisyong ito"

    •••

    Simula ng tuklasin ni tasia ang lahat, simula ng nag simula s'ya noong bata palang kami.

    Kumakati ang aking dila para balaan s'ya.

    Ngunit hindi ko magawa.

    Dahil nakatadhana ng pumunta muli s'ya rito sa mansyon ng mga castro.

    Binalaan na kami ng mga baliw tungkol rito.

    Ngunit dahil sa aking kapabayaan.

    Si hector.

    Sapilitang pinutol ni lolo ang kanyang dila.

    At sinakripisyo ito sa pamilya ng aking lola.

    At dahil doon.

    Yumaman s'ya.

    —yumaman kami.

    Naging mas lalong ganid si lolo.

    At s'ya na ngayon ang hari ng mansyong ito, para sa kanyang isip at sa tingin namin sa kanya.

    Dapat na s'yang mamatay ngunit ayaw n'ya pa.

    Hindi pa s'ya kinukuha kahit nakatadhana ng mawala s'ya sa mundo.

    Ayaw bumukas ng pintuan para sa kanya.

    Masyado s'yang sumamba sa demonyo.

    ••

    Naging malaking ganid ang lolo, sumamba s'ya rito at hanggang doon nalang ang alam ko.

    Iyon ang gusto kong sabihin sa kanya.

    Ngunit ayaw akong tigilan ng demonyo.

    Ayaw n'yang ilabas ang katotohanan.

    Ngunit ang nakakapag ta taka lang.

    Hindi namin alam kung talagang may dugong castro si tasia o kung meron man lang katiting na dugo itong kasama sa kanyang sistema.

    Kahit ako ay nag taka tungkol doon.

    Ngunit ang mga naka tatanda lang ang nakakaalam.

    Hindi ko s'ya tunay na kapatid at alam na alam ko na iyon.

    Ngunit ano na nga bang magagawa ko?, wala.

    Wala akong magagawa.

    Hanggang maramdaman ko ang katapusan.

    •••

    "Lolo"

    Tumingin ako sa kanya, nakatingin lang s'ya sa'kin.

    Humakbang s'ya patungo sa akin hanggang hawakan n'ya ang aking buhok.

    Ngumiti ito at humalakhak—at inilabas ako sa aking kuwarto.

    Ni pwesto n'ya ako kaharap ng dingding saka ako paulit ulit ibinagsak ang ulo, dumanak ang dugo.

    Nahihilo ako, sobrang sakit.

    Mga sampung beses n'ya akong ni-untog, wala akong daing.

    Kahit ano naman talagang gawin ko ay hindi ako makakawala.

Gratias Tibi Agimus, No Where stories live. Discover now