kabanata 9 : Libro

28 2 0
                                    

    Gratias Tibi Agimus, No

    Kabanata 9 : Libro

    Kitang kita ko ang madilim na pasilyo sa mansyon ng castro, sa biglaang katahimikan ay biglaan nalamang tumugon sa aking katawan ang takot at pangamba.

    Hindi mabilang na oras ng napag pasyahan kong subukang umalis muli, parang katulad ito noong siyam  lamang ako, biglaan nalang bumukas ang pintuan.

    Ngunit mas lalo ngayon, hindi ko pa rin maikakailang mas natatakot ang lumabas, rinig na rinig ko ang desperadong babae na sumisigaw at sinasabing halimaw ang nag dadala sa kanya kaganina.

    Hindi ko kilala ang babaeng iyon ngunit masasabi kong isa s'ya sa mga taga silbi sa mansyon?, hindi ko masasabi.

    Noong huli akong umalis sa mansyon ay wala na ditong mga katulong, wala na rin sila tita lucia at tito alden dahil hindi sila sumunod kay lola melanie.

    Kahit ngayon ay misteryo pa rin sa akin ang ganoong bagay, kung tutuusin.

    Kung gusto ko talagang malutas ang lahat ng misteryong bumabalot sa pamilyang ito ay kailangan kong isakripisyo ang sarili ko.

    Isakripisyo na mag boluntaryong hanapin ang totoo, kaya nga.

    Kinuha ko ang gasera saka nag lakad patungo sa madilim na pasilyo, humakbang ako patungo sa labas ng kuwarto.

    Tumingin ako kung meron bang nag mamasid at ng malaman kong wala.

    Humakbang ulit ako.

    Isang katutak na katanungan ang nakahain ngayon sa akin na gusto kong tanungin, ginagawa ko lang ito para sa kasagutan.

    Hindi ako humihingi ng kung ano ngunit dahil sa desperadong desisyon, ginawa ko ito—nag imbestiga ako, kahit delikado.

    Nag lakad ako, pumunta ako sa unang palapag, wala pa rin akong nakikitang mga impormasyon, maaga pa.

    Bukas na bukas pa ang mata ko sa ganitong sitwasyon kaya nga hindi ako nag atubiling gawin ito, hindi natatakot na sumukan ang mga ganitong bagay.

    Gusto kong malaman ang katotohan kaya  nga pumunta ako rito di ba?, isa pa—gusto ko rin makita si ina ngunit kahit gabi na ay hindi ko pa rin s'ya makita.

    Matatanda na kami ngunit hindi ko pa rin alam kung ano nga ba talaga ang misa na sinasabi nila ina at mga matatanda sa mga castro.

    Isa pa ring pala isipan ito kaya narito ako para bukalin ang katotohanan sa pamilyang ito, dahil lagi nalang.

    Kahit saan ako mag punta ay ginagambala ako ng itim na babae, kahit ang mga ka klase ko ay sinasabing meron silang nakitang babae na nakatingin lang sakanila sa salamin ngunit ng tingnan nila sa likod ay wala naman.

    Alam na alam ko na s'ya iyon, ginagambala n'ya ako at sinasama na nya rito ang malalapit sa akin, hindi ko alam kung bakit. Bihira na rin s'yang sumipol ngunit ang pag sipol n'ya ay delubyo, isa sa mga kakilala ko ay na a aksidente at nabubulag, napipilayan, nababaliw at minsan naman ay nababalitaan ko nalang na namamatày.

    Ngunit ano pa ba ang magagawa ko?, iyon ay tuklasin kung bakit n'ya 'ko ginaganito, isa na iyon sa mga katanungan sa isipan ko.

    Hindi ako mapakali ngunit bigla akong natauhan, sa harap ko ay ang dati pang lalagyan ng mga libro ng pamilyang castro, kakaiba na ngayon ito, tumingin lang ako sa bawat libro ng naroroon.

    Merong mga libro tungkol sa kasaysayan ng pilipinas, mga libro ni jose rizal at iba't iba pang libro na kung saan ay maiuugnay sa bansa at mga libro patungkol sa pamilyang castro.

    Tumingin lang ako roon at meron akong napansin, sa sulok ay merong lumang libro na walang titulong nakalagay, walang pangalang libro at kahit ang gumawa nito.

    Ng galawin ko ito.

    Biglang gumalaw ang bookshelf at nag karoon ng kaunting butas sa gilid nito, gulat at gulat ang makikita sa mga mata ko, ngunit sa biglang lumabas ang masangsang na amoy.

    Malapit na akong masuka sa biglaang itong lumabas sa butas ngunit galak naman ito dahil meron ng patutunguhan ang imbistigasyong ito, ang pang yayari namang ito ay malaking bagay.

    Para sa akin ay malaki na ito dahil sino ba namang tao ang mag papagawa ng ganitong bahay, merong sekreto  na gustong itago mula sa mga kababatang myenbro ng pamilya, ang castro lang.

    Sa mundong ito, ang mga castro lang ang talagang nag pangahas upang gumawa ng ganitong kaganapan, marami na akong narinig, naramdaman at nakita.

    Para sa akin ay isa na ito sa mga dahilan kung bakit kailangan ng maitumba ng pamilyang kinabibilangan ko, simula kay yaya kuring at ngayon, ramdam ko ang kilabot.

    Ngunit sa tapang at gabay sa akin ni lola melanie, dahil sa mga batong iyon, sa kanyang pag katao at sa kanyang kakaibang kapangyarihang makakita ng hinaharap, ibinigay na n'ya sa akin.

    Gamit ang mga batong iyon, mga batong makukulay na hindi lumulutang sa mag kasamang kalagara at laway ng lola, ibinigay n'ya sa akin ang mga bagay na iyon upang matulungan ako.

    Ngunit hindi.

    Parang hindi ko makita ang hinaharap.

    Ilang ulit ko ng sinubukan tingnan ang hinaharap ngunit ilang ulit akong mabigo ngunit hindi.

    Meron pala.

    Isang gabi.

    Nakakita ako ng babaeng umiiyak, sinasabing bakit s'ya ikinasal sa demonyo, bakit s'ya ikinasal sa hayop na iyon?, at bakit daw merong nabubuong sanggol sa kanyang sinapupunan.

    Ayaw n'ya raw.

    Natatakot s'ya.

    Ang daming pang yayari hanggang ako'y makamulat ulit na ang kamay ay pawisan at tuyo ang lalamunan.

    Ngunit ano bang dahilan nito?.

    Hindi 'ko alam.

    Hindi ko kilala ang babae at ang babaeng iyon ay sobrang itim, nasa kadiliman kasi s'ya ng makita ko sa aking kapangyarihan ang pang yayari.

    Parang hindi ko mapaliwanag.

    Ngunit hindi na ako tumuon sa pang yayaring iyon.

    Ang mahalaga ngayon ay ang bukas na lagusan.

    Tumingin ulit ako sa aking likod at mag kabilang gilid upang tingnan kung merong tao.

    Inilapag ko ang gasera saka tuluyan nalang binuksan ang lagusan para ako'y makapasok.

    Binuksan ko lang ito na ako lamang ay kasya.

    Ng kinuha ko na ang aking gasera ay pumasok muli ako.

    Ngunit kakaiba ang lagusang ito.

    Kakaiba ang lagusang tinatahak ko ngayon.

    Walang kahit anong malansa na puwedeng dahilan ng kanyang naamoy kaganina lang.

    Pero patuloy parin ang pumasok.

    Hanggang makita ko ang isang bukas na pinag lalagyan ng kaunting ilaw.

    Pumunta ako roon at tiningnan ang nilalaman ng butas na iyon.

    At ng tingnan ko.

    Sumikip bigla ang dibdib ko.

    Sumikip ito na para bang hindi na makahinga.

    Nahilo ako at naguluhan sa aking nakikita.

    S'ya nga ba iyon?.

    S'YA NGA BA!

•••

Ano ang nakita ni Tasia?

- Gino_o

Gratias Tibi Agimus, No Where stories live. Discover now