kabanata 6 : Hector

37 2 0
                                    

Gratias Tibi Agimus, No

Kabanata 6 : hector

Ramdam ko ang tensyon na nagaganap, kinapa ko ang ulo ng kabinet upang makuha ang isang kahon.

Ng maramdaman ko ang kahon sa aking kamay ay hinila ko ito at inalalayang makababa.

Umupo ako sa higaan ni lola, binigyan ko ulit ng pansin ang susi na aking hawak at hinanap ang kandado.

Binuksan ko ito at tiningnan ang loob.

Ang una kong nakita ay ang damit ni lola, isa itong saya na kulay puti at sa likod naman ng damit na iyon ay makikita ang isang papel at nakataling buhok.

Kinuha ko ang papel at tiningnan ang nilalaman.

Sa papel ay makikita ang isang sulat at sa likod naman ng papel ay ang naka tape na bagay.

Ang sulat ng papel ay maisasaad na katulad nito.

"Isang alay na katuwang ang dapat ibigay sa bawat taon na kung saan ay maisasakatuparan ang kontratang nakahain sa yaman ng pamilya."

Ano ito?.

Pumikit ako at nag isip.

Ng bigla kong naalala.

Ang babaeng katuwang namin sa bahay.

Isang yaya.

Si yaya kuring!.

Iyon ang ibig sabihin noon?, pero bigla kong naalala.

Ano ang sinasabi ni kuring noon?.

Noong nakatali s'ya sa kulungan ng aso?.

"Mga baliw-"

"Mga baliw ang mga kasama mo"

"MGA BALIW SILA"

Namulat ako.

Kinuha ko ang mga bagay na iyon at kinuha din ang pera ni lola melanie.

dumaan ang ilang araw-

Pinalibing ko si lola at pinag dasal s'ya.

Ngunit hindi pa rito tapos.

Humakbang ako sa sarili kong paa, hindi dumating ang pamilyang castro, kahit si mama at kahit man lang si lola maria.

Hindi sila nag atubiling pumunta.

Karapat dapat ba?.

Oo, dapat tiningnan ma'n lang ng isa sa kanila ang puntod ni lola ngunit wala.

Walang kahit isa sa kanila.

Pumunta naman rito ang mga kapitbahay, si aling lorna at ang kanyang mga anak, si kuya nerto na kaibigan ni lola melanie ay pumunta rin at si nanay miniang.

Lahat sila.

Kahit na, wala pa rin ang mga castro.

Ang pamilya ko, wala sila rito.

Ngunit anong magagawa ko?.

Ipag dasal nalang na huwag akong iwan ni lola.

At protektahan n'ya ako.

Ngunit hindi pa pala.

Habang nag da dasal ang lahat-

Habang ang lahat ay nakapikit.

Nakatuon ang bawat isa sakanilang mga panalangin.

Nakikita ko ang ma itim na babae, isang itim na pigura na patuloy na nag lalakad patungo sa kabaong ni lola.

Dahil sa katahimikan ay makikinig naman ang kanyang mga paa na papunta sa kanyang destinasyon.

Ng kanya ngang masilip ang puntod.

Gratias Tibi Agimus, No Where stories live. Discover now