Kabanata 8 : Pahina

33 2 0
                                    

Gratias Tibi Agimus, No

Kabanata 8 : Pahina

Hindi pa naman gabi 'di ba?, tumungo agad ako sa kuwarto ko, tiningnan ko kung may nag bago ngunit ng tingnan ko ito ay ganoon pa rin ngunit dahil sa tagal na hindi ginamit ay marami ng alikabok.

Nilinisan ko ang higaan, gamit ang walis tambo ay inalis ko ang mga kalat sa kuwarto.

Inalis ko run ang mga sapot ng gagamba, alam ko na baka mamaya maya ay mawala na ang ilaw at sumarado nalang bigla ang pintuan kaya inihanda ko na ang gasera at ang posporo.

Ng matapos kong gawin ang gusto kong gawin ay umupo ako.

Tumingin ako sa isang manika na naka sabit lang.

Si rena.

Si rena ang kaibigan ko.

Si rena ang manika at si rena rin ang una at huling regalo sa'kin ni mama.

Hindi na n'ya ako binigyan ng regalo kahit kaarawan ko pa ito.

Ayaw na ayaw n'ya.

Tumayo ako at kinuha ko ang manika at pinag masdan ang bawat parte ng manika, sinampal ko sa sarli ko ang katanungan na importante pa ba ang manikang ito sa buhay ko?.

Laking gulat ko ng meron akong nakapa sa likod mg manika, kinapa ko ulit ito at mararamdaman ko ang sinulid sa likod nito.

Walang sinulid sa likod ng manika ko ngunit ngayon ay meron na?, tiningnan ko ito upang makita ang sinulid sa likod nito.

Sinubukan kong gamitin ang kamay ko para mabuksan at mawarak ang sinulid ngunit hindi ko ito magawa.

Tumingin ako sa kung saan saan upang makahanap ng matulis na bagay ngunit wala akong makita.

Posporo lang ang alam kong paraan.

Kinuha ko ang posporo at sinindihan ito, ramdam ko ang init sa aking kamay dahil maliit lamang ang posporo.

Unti unti kong inilapat ang dulo ng posporo sa likod ng manika hanggang nailapat na nga ito.

Dahil ito'y nakatapat sa sinulid ay unti unti itong nag si putol, nakita ko ang mga sira sirang tela na ginamit upang malamnan ang manika ngunit hindi lang iyon ang nakita ko.

Nakita ko ang isang papel, isang pahina kung tutuusin.

Kinuha ko ito at tiningnang mabuti.

Luma na ang papel at gusut gusut na rin ngunit hindi iyon ang importante, ang importante ay ang sulat sa papel.

Binasa ko ito.

Ang nakasulat.

"Imbitado ka sa kasal na magaganap ngayong Hunyo 14, 1987"

Nagulat ako.

Bukas na iyon at kaarawan ko pati ang araw na iyon.

Bakit na andito?.

Ramdam ko ang takot at kilabot ng mabasa ko iyon, saktong araw ang naka lagay rito, puwede rin namang inilagay ito ni selya o hector ngunit ni isa sa kanila ay hindi marunong manahi, wala rin ditong karayom at sinulid na magagamit.

Tiningnan ko lang ito at pinag masdam, tiningnan ko kung meron ba akong alam kung sino ang nag sulat nito, inalala ko kung paano mag sulat ang kapatid ko na si selya ngunit hindi s'ya ganyan mag sulat.

Si hector naman ay malalaki mag sulat kaya't imposible na siya ang nag sulat n'yan.

Kinuyumos ko ito at tinapon.

Naramdaman ko ang katahimikan, biglang sumarado ang pintuan, bigla akong nagulat sa pang yayari na nakalimutan ko ng sindihan ang gasera.

Ang ilaw ay namatay.

Ang buong kuwarto ko ay pinasok ng kadiliman, hindi ako makakita ngunit alam ko kung saan naka puwesto ang lamesa kaya doon ako nag tungo.

Kinapa ko ang mga dinadaanan ko.

Sinubukan kong pumikit upang masasabi kong nakapikit lang ako.

Takot ako.

Hindi ko makita ang dinadaanan.

Kahit na.

Minulat ko ang mata ko.

Ng mahawakan ko na ang lamesa ay tumambad sa akin ang posporo, sinindihan ko ito at sinindihan ang gasera.

Nag ka ilaw na, laking galak ko ang sakop ng gasera, dahil maliit naman talaga ang kuwarto ko ay malapit na nitong masakop ang buong kuwarto.

Ngunit hindi ako doon tumugon.

Inilagay ko sa isang tabi ang manika saka inayos ang higaan ko.

Matutulog na 'ko kaya ko iyon ginawa.

Ng humiga ako sa higaan ko ay tumambad sa akin ang hindi komportableng higaan.

Hindi ganito ang nakasanayan ko, dahil sa ilang taon kong pamumuhay sa pader ng aking lola melanie, sa tuwid na pamumuhay at normal na bawat araw ay hindi ko nanaisin muling ganito ang kuwarto ko.

Luma na, sa dilaw na wolpeyper at mga kagamitang kinalakihan ko bilang bata, ang mga iyon ay maliliit na, sa mga kagamitan naman dito na hindi na sa akin kasya at masyado ng luma.

Katulad ng higaan.

Buti nalang talaga at ganoon pa rin iyon ngunit alikabok lang talaga ang nag hari at wala ng iba, napabayaan lang ang kuwarto kaya ganito na ngunit dahil kaya ko na itong linisin ay wala namang problema.

Baka dahil hindi alam nila lola maria na pupunta ako rito kaya hindi nagawang linisan?, imposible.

Si lola maria na ang nag sabi sa aking pumunta na rito ngunit kakaiba nga, noong nakita n'ya ako kaganina at pinatuloy lang n'ya ako.

Parang hindi n'ya alam, parang hindi s'ya ang nag sabi noon-na pumunta ako sa mansyon.

"BITAWAN MO KO"

Bigla akong tumingin sa pintuan, ako'y naalerto.

Ano iyon?.

"HALIMAW KA!"

Bigla akong nakarinig ng isang kalmadong pagkawasak ng mga buto tungo sa tuluyan nitong pag Hiwalay, gusto kong takpan ang aking tainga para hindi marinig iyon.

Hindi ko nakikita ngunit nakikinig ko ang karumal rumal na pang yayari sa pasilyo ng mansyon ng mga castro.

Tama ang hinala ko, mas malala ito.

Ng nakinig kong pa pa alis na nga ang boses ng babae, biglang merong sumipol kasunod ng biglaang marahang pag bukas ng pintuan.

Bigla akong nagulat ngunit ako'y nag taka.

Bakit ako pinipilit ng babaeng itim na lumabas, gusto ba nyang lumabas ako para maka diskubre ako ng bago?.

Bakit ganoon?.

Sampal ba sa akin ito?.

Hindi na ba ako nasanay na makakita ako ng ganitong pang yayari?, katulad ni yaya kuring kahit si marion na ka klase ko ay bigla nalang nawalan ng ulo ngunit nanumbalik rin naman.

Bakit ba ganon?.

Ano bang ng yayari?.

Ng tuluyan na ngang bumukas ang pintuan.

Nakita ko ang madilim sa pasilyo.

Ang kinakatakutan ko.

Gratias Tibi Agimus, No Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ