Kabanata 2 : Kuring

41 4 0
                                    

    Gratias Tibi Agimus, No

    Kabanata 2 : Kuring

    "Tasia" Tugon nito, napatingin ako sa lalaki "anong ginagawa mo sa aking munting kuwarto?."

    "Dati mo paba nakikita ang ganitong senaryo?"

    Bigla s'yang sarkastikong ngumiti "oo"

    •••

    Hindi ako makatulog, kinikiskis ko ang aking sarili sa malambot kung unan na aking kayakap buong gabi, hindi ma'n lang ako makagalaw sa takot.

    Kahit pag hinga ay nakakalimutan ko na, totoo ba ang nakita ko kaganina?.

    Ng biglaan akong nakarinig ng pag sipol ng isang babae, hindi ko man lang makilala ang boses ng babae, hindi ito si tita o ina at hindi rin ito si lola maria ngunit mararamdaman ko pa rin ang presensya n'ya.

    Malakas, kahit nararamdaman kong papaalis na s'ya, malakas ko paring hinawakan ang aking kumot at unan, sino ba s'ya?

    Tiningnan ko ang pintuan kung papasok ba ang babae ngunit bumukas lang ito sa aking harapan at ito'y nawala na.

    Nawala na ang pag sipol ng babae ngunit hindi pa rin maikakaila na nandoon pa rin s'ya, hindi umaalis sa labas ng pintuan

    Napag pasyahan kong silipin kung ano ang meron sa labas, "si-sino yan?" Pangiginig kong sabi.

    Pilit kong tumayo at humakbang papunta sa pintuan.

    Ilang hakbang akong nanginig sa takot, hakbang—hakbang ulit hanggang makapa ko ang hawakan ng pintuan, hindi ko ito sinarado ngunit tumingin ako sa labas ng silid.

    Sobrang dilim, dahil walang bintana sa kuwarto ko upang pasukan ng liwanang ng buwan, wala akong magagawa at ginamit ko agad ang gasera at inilagay ko ito sa aking kamay para itoy mahawakan, sinindihan ko na rin ito para ito'y gumana.

    Tumingin ulit ako sa pintuan na naka bukas pa rin at itinapat ang gasera ko, dahan dahan lang akong lumabas at nag aalalang baka ako ay mahuli.

    Gusto ko s'yang makita, si yaya kuring.

    Walang katao, tao. Wala sila tita lucia at si ina. Wala rin sila lolo't lola, wala ang aso naming pinakawalan para maging kulungan ni yaya.

    "Nag mi misa na ba sila?"

    Kahit hindi ko alam ang ibig sabihin ng salitang iyon ay baka importante, nag patuloy ako sa pag lalakad, sobrang tahimik.

    Ngunit bigla akong may nakinig, tunog iyon ng kampana na nakikinig ko lang kapag sabi nila ina'y ay pag sisimula ng misa.

    Tumutunog iyon kapag ang oras ay pumatak na ng alas dose, iyon ang ibig sabihin ng pag sisimula ng misa at doon din dapat kami'y tulog na.

    Ngunit sa ngayon ay hindi ako tulog, hindi ko alam kung saan ba sila nag mimisa.

    Bumaba ako sa hagdanan, bigla akong nataranta ng makita ko si tito alden na padaan ngunit hindi n'ya ako napansin dahil napatay ko na ang gasera na nag bibigay ilaw sa akin.

Ng ito'y nawala na sa aking paningin.

    Sinindihan ko ulit ang gasera upang makakita ako, saan pupunta si tito?, bakit parang ang bilis bilis n'ya?

    Sinunda'n ko kung saan s'ya tutungo, sa huling palapag ng bahay ay nakita ko si tito alden na binuksan ang pinto papunta sa isa pang kuwarto na hindi ko pa napupuntahan, sobrang tahimik, ang nakikinig ko lang ay ang mga pag yabag ng paa n'ya at pag hinga ni tito alden na ngayon din ay nawawala na.

    Pumunta ako sa kusina upang doon lumabas—nang ako'y nakalabas ay napansin kong sobrang dilim sa labas ng bahay. Dahil meron pa ring mga poste na nakapalibot sa buong bahay ay nakikita ko pa rin ang mg disenyo nito, dahil luma na rin ang mansyon ni lola maria ay nakikita na rin ang mga halamang gumagapang na pinapalibutan na ang pader ng bahay.

    Ngunit ang kaba ko ay hindi pa rin mapantayan, nanginginig ako sa takot, bakit parang kapag gabi ay parang merong nakatingin sa akin?, isang nilalang.

    Hindi tao at hindi hayop, ngunit hindi ko pa rin iyon pinansin, nag lakad ako patungo sa bahay ng aso, inaasahan ko ng gising pa rin si yaya.

    Pero tama ako, gising pa talaga ito—hindi ko alam kung anong ginagawa n'ya't kung saan saan tumitingin ang mata n'ya, parang meron s'yang binabantayan, kitang kita kasi dito ang tunay na takot.

    "Yaya kuring?" Tawag ko sa kanya.

    Tumingin lang ako sa kanya bago ako tumungo roon, tiningnan ko lang kung paano n'ya ako tingnan, ang talas.

    "Mga baliw sila" tugon nito sa akin, hindi ko maintindihan, hinawakan n'ya ang gilid ng pintuan ng bahay ng aso.

    Sobrang laki ng kanyang mga mata, ayaw n'yang matulog.

    "Mga baliw ang mga kasama mo" tugon muli nito, "MGA BALIW SILA"

    Ng biglaan kong nakinig si ama, sumisigaw kung sino ang kasama ni yaya kuring, tiningnan ko lang ang direksyon kung saan ay do'n ko nakikinig ang tinig.

    Bigla akong tumakbo, nakikinig ko rin naman kasi ang kanyang pag sigaw, dali dali akong umalis sa pang yayari at pumunta sa loob sa kusina.

    Patuloy pa rin ang pag takbo ko, ang yabog ng aking pag takbo ay tila lumalakas kung makikinig ito.

Umakyat ako sa pangalawang palapag, walang kailaw ilaw, bakit ganito?.

Mas lalo akong tumakbo, ng nakita ko si lola maria na nakatingin lang sa akin, nangamba ako.

"gabi na" tugon nito.

    Bigla akong natulala sa kanyang hawak, isang libro.

    Isa itong taalarawan na may pangalang marie, hindi ito kay lola maria at kahit sino man sa pamilya.

    Ngunit tumakbo ako diretso sa aking kuwarto, hindi s'ya pinansin, tiningnan n'ya lang ako habang ginagawa iyon.

    Ng napansin kung biglang nawalan ng ilaw ang aking gasera!, wala na itong langis!, sobrang dilim—na a aninag ko nalang ang kuwarto ko sa dulo dahil sa liwanag na nag gagaling sa bintana na naka harap sa kuwarto ni hector, tiningnan ko si lola maria sa aking likod ngunit nakita ko nalang na wala na ito, baka umalis na.

    Biglang dahan dahan kong binagalan ang aking takbo, tiningnan ulit kung merong tao, ngunit ng bubuksan ko na ang pintuan sa kuwarto ko ay bigla akong nag taka.

    Nanginig ako sa takot, naubos na kaganina pa ang gasera ko at hindi ko na rin mahanap ang layter na kaganina lang ay hawak hawak ko pa.

    Pinilit ko pa ring buksan ang aking kuwarto, tiningnan ulit kung merong tao sa pasilyo ngunit kinabigla ko ng makita ko si lola maria na nag lalakad papunta sa akin, dahan dahan.

anong gagawin n'ya?.

    Bigla akong kinabahan, "anong ginagawa mo sa labas tasia?" Isang malamig na ihip ng hangin, pilit ko lang pinipilit buksan ang aking silid ngunit hindi ko pa rin mabuksan.

    Paulit ulit, natatakot ako sa mang yayari, dahil ang kuwarto ko ay hindi naka bukas, bigla ulit akong nakarinig ng putok ng baril at ka sunod noon ang biglaang pag sigaw ni yaya kuring, hindi ko mabuksan ang aking kuwarto, ngunit wala na akong magagawa.

    Tatakbo na ako.

Gratias Tibi Agimus, No Where stories live. Discover now