-пятнадцать-

209 7 7
                                    

- пятнадцать | fifteen| phtsyem -

Alexandreii Jermijah Kazimir from The House of Romanov, First of his name, Third Great Prince of The First Russian Empire, Son of Beelzebub, High Lord of the Purgatory, Prince of Pride, Lord of Deceptions, Lord of the Riches, Keeper of Darkness, R...

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Alexandreii Jermijah Kazimir from The House of Romanov, First of his name, Third Great Prince of The First Russian Empire, Son of Beelzebub, High Lord of the Purgatory, Prince of Pride, Lord of Deceptions, Lord of the Riches, Keeper of Darkness, Ruler of the Fifth Hell and Executioner of Man

⚔️⚔️⚔️

Alexandreii never thought that a day would ever come again when he would need to face Fear and Dread. But there they were—in the still blackness of his domain, like two serpents racing towards him, slithering their way, trying to embrace him as he rushed over to his wounded Королева.

Agad na napaluhod ang Prinsipe sa harap ng kanyang reyna at sinuri ang mga sugat na natamo nito sa katawan. Halos tumangis ang makapangyarihang Demonyo nang makita ang mga malalaking sugat ni Karaninna miski sa napakaganda nitong mukha. Bukod pa rito ay mayroon pa itong dalawang maliliit na sugat sa leeg na noon niya lamang nakita—ang natitirang marka ng ahas na si Morok.

Walang dugong dumadaloy sa mga partikular na sugat na ito, kumpara sa iba pa niyang nakita sa katawan ni Karaninna, ngunit may itim na usok ang umaapaw mula rito na kumakalat at bumabalot sa buo nitong katawan.

The flesh was already rotting and was starting to smell foul, and it was certain that the venom was already spreading in his Queen's body. It is only a matter of time until that poison reaches his Queen's heart and kills her.

Hindi naman isang imortal kagaya niya si Karaninna na makakaligtas sa lason ng isang alagad ng demonyo. Kahit subukan niya pa itong gamutin gamit ang itim na mahikang alam niya ay maaaring hindi rin ito tatanggapin ng mortal na katawan ng dalaga.

The wounds and the poison were given by a demon to a mortal. It couldn't be undone that easily.

"Malyshka?" Hindi kumibo si Karaninna sa tawag ng mahal na Prinsipe, bagkus ay nanatili itong walang malay na umuungol sa hindi maipaliwanag na karamdaman. Balot ang katawan nito ng malamig na pawis na nahaluan na ng dugo at nag-aapoy ang buo nitong katawan sa init.

Agad na binuwag ng Prinsipe ang kanyang dominyo at nanumbalik ang liwanag sa paligid ngunit nandidilim pa rin ang mga mata ng Prinsipe sa galit sa nangyari.

Morok must've bitten her before I even reached her. The Imperial Prince was livid when he reached for Karaninna, carefully carried her in his arms, and walked back to his palace. He held Karaninna like his world—afraid that she would break any second. Her frail body was shivering as her bones started to stick out. Para itong nauupos na kandila kada segundong dumaan na walang maibigay na ginhawa ang Prinsipe. Kumakalat na ang lason sa buo nitong katawan at unti-unti na nitong kinakain ang laman mula sa loob. 

He knew he was somehow at fault. It was inexcusable. He was late. He was strong—but not enough to defend her. He let his kin hurt her. He was so distracted by his feast that he did not feel his Queen's presence immediately. And it all happened right outside his palace! On his own land!

DESTROY ME (Paradise #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon