-десять-

4.5K 169 112
                                    

- десять | ten | syem -

As always, hindi sinagot ni Ajax ang tanong ko.

Nagpatuloy lang siya sa pag giya sa akin papuntang fitting room na itinuro sa amin ng isa sa mga sales lady doon. At dahil wala naman akong mapiga sa kaniya at umasta pa rin siyang walang nangyaring kakaiba, tinigilan ko na rin ang pangungulit.

Hindi naman sa natatakot ako sa kaniya or whatever, pero sobrang pinapatay na ako ng curiosity ko.

Alam kong nagsinungaling siya kanina. Alam kong may kinalaman talaga siya sa biglang pagluhod ng babae at sa mga weirdong pinagsasabi nito.

Hindi ko lang alam kung pati siya ay may kinalaman sa in-assume kong 'lindol' na nangyari dahil wala naman siguro siyang sa-malignong lahi pero gayunpaman, malakas pa rin ang kutob kong may kakaiba akong hindi napapansin at nalalagpatan na kailangan kong makita at maunawaan...

Pakshet. Hindi ko lang matukoy kung ano.

Minsan, sumpa talaga 'yung lakas ng babaeng makaramdam eh. Nakakabalisa!

"Try it, I'll wait here."

Wala sa isip akong tumango sa kasama ko at pumasok na sa fitting room.

Hmm, siguro kukuntsabahin ko na lang si Cassy para mag-imbestiga sa mga susunod na araw.

Kung hindi ko pa kayang paaminin 'tong lalaking gwapo na'to, panigurado kapag kasama ko na si Cassy at mag tandem kami ay maliliwanagan na ako kung paano nagawa ni Ajax ang lahat ng 'yon kung siya nga naman talaga.

Magaling mang-hot seat ang babaitang 'yon sa mga jowa niyang cheaters, for sure mapapaamin naming dalawa si Ajax kapag nagkataon.

"Ay shet...ang ganda naman nito."

Hindi ko maiwasang hindi mamangha nang makita ko na ang dress sa sarili ko.

Habang nakatingin sa salamin, feel na feel ko naman ang ganda ko. Pati 'yung hubog ng katawan ko ay kuhang-kuha rin. Nagmukha tuloy akong yayamaning kerida ng isang mayamang lalaking madali na lang ma tegi.

Bet! Bet! Bet!

Parang okay lang naman palang naranasan ko ang mga weird na bagay kanina kung ganito kaganda ang damit sa akin!

Sayang lang at 'yung lumang bra ko ang nasuot ko. Bukod sa nangingitim, mahigpit na rin ang terante nito dahil hindi sakto sa cup size ko at halatang nagsisimula ng mamula at humapdi 'yung nadadaanang balat sa balikat so medyo nakakahiya kung makita pa 'yun ni Ajax.

"Ajax?"

Hinawi ko muna ang buhok ko sa side at nag pose sa salamin na parang si Catriona Gray bago ito ibalik sa unang pagkakaayos upang matago naman ang mga nakakahiyang pamumula.

"Po?"

"Anong 'po'?" tawa ko nang marinig ko ang isinagot niya sa akin sa kabilang side ng pinto.

Napakagalang naman!

"Saan mo natutunan 'yan?" tanong ko pa sa kaniya.

"From the servants," sagot naman niya. Nagmadali akong itaas ng kaunti ang plunging neckline ng damit para maiwasan makakita si Ajax ng pwedeng makain at pinagpala ako masyado ni Lord.

"Are you done now, Karaninna? Can I see?"

"Close your eyes dali!"

"What---"

"Eh! Sige na! Para surprise!"

Hindi ko na hinintay kung sinunod niya ba ang ini-utos ko o hindi dahil nakangiti ko paring binuksan ang pintuan ng fitting room at nakapamewang siyang nilabas.

DESTROY ME (Paradise #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon