-одиннадцать-

2.4K 81 51
                                    

- одиннадцать | eleven | unsyem -

"Seryoso ka ba diyan Cass?"

Hindi ko mapigilang mapamura sa mga nalaman ko.

Tang ina. Parang kahapon lang noong na blow job ko 'yung matandang 'yun tapos ngayon patay na siya?

At sila Simone...nawawala? Kasabay pa ng nangyari kay principal? Paano? Bakit?

Hindi ko maintindihan!

"Bakit naman kita lolokohin?" sagot sa akin ng kaibigan ko. Nanonood pa rin kami sa dumaang stretcher dala-dala ang isang bangkay. Ipinasok iyon sa isang ambulansiya ng mga nakaunipormeng lalaki. Duguan pati 'yung puting tela na bumabalot dito. "'Yan ang usap-usapan ng mga teacher natin Ara. Nagulat nga rin kami kanina eh."

Si Danica, 'yung treasurer ng klase namin ang sumunod na nagsalita. "Oo president, totoo ang sinasabi ni Cassandra. Kapitbahay namin si Jeline tapos iyak ng iyak ang nanay niya kanina at nag-aalala. Huling kasama daw n'un si Simone kahapon. 'Di raw umuwi 'yung magbabarkada sa mga bahay nila magdamag."

"Krystal, isa ba 'yun sa mga kasama ni Simone na umaway sa akin kahapon?"

"Oo, pres. Nakita ko 'yun kahapon na sumasabunot din sa'yo. Sa pagkakaalam ko, best friend 'yon ni Simone."

"Tapos kanina, narinig namin si teacher Leyn pati si teacher Ilyn na nag-uusap. Sabi ni ma'am, tumawag na raw sa mga advisers 'yung mga magulang at gusto na i-report sa mga pulis. Baka kako konektado 'yon sa nangyari sa principal kasi same lang ng school na pinanggalingan," dagdag ni Yxi—isa sa mga kaklase namin— sa sinabi ng dalawa.

"May suspect na bang sinabi?"

"Wala pa yata. Wala naman daw nakita ang mga guards na nakapasok sa loob ng school na hindi nila kakilala. Tapos wala namang kalaban si Principal na puwedeng gumawa niyan."

"Kawawa naman si Principal..." ani ni Timothee na nakikinig lang din kanina sa usapan namin. "Nasa ibang probinsiya ata ang asawa't anak niya kaya bukas pa yata makakapunta sa kaniya."

Pinagmasdan ko ang mga kaklase ko. Puno ng takot at pag-aalala ang mga mukha nila.

Gusto ko rin makaramdam ng ganoon kagaya nila...pero wala talaga eh. Gustuhin ko man na matakot dahil baka nga may serial killer na umaligid-aligid sa amin o maging malungkot dahil may namatay na kakilala ay 'di ko talaga magawa. Imbes na maramdaman ko ang mga ito na parang isang normal na tao, magkahalong tuwa at pangamba ang nanaig sa akin.

Iniisip ko pa lang na mahihinto na ang mga kababuyan pinapagawa sa akin ng Principal ay halos ikatawa ko na pero kasabay nito ang pag-aalala ng magiging kahihinatnan ko sa school.

Wala na ang backer ko, ibig bang sabihin n'un anytime na may gawin akong kabalbalan o maibagsak na subject, makikick-out na naman ako?

"Akala nga namin Ara, kasama ka nila kasi kahapon, bigla-bigla ka na lang nawala! 'Di ka man lang nag text. Mabuti na lang at nakita ko si Ajax!"

Napakamot ako ng ulo sa sinabi ni Cassandra at nakaramdam ng kaunting pagka-guilty.

Masyado yata akong nag enjoy kahapon kasama si Ajax kaya nakalimutan ko ng ipaalam sa kaniya na nag cut na ako ng klase.

Speaking of...

"Si Ajax ba? Nakita niyo?"

Lahat sila ay umiling sa tanong ko. May iba namang nagsabi na parang nakita nila ang kotse nito bago pa dumating ang mga pulis at ang mga ambulansiya.

Weird.

Palaging maaga pumasok sa klase si Ajax ah, ngayon lang ata siya wala. Nabalitaan niya kaya ang nangyari? Sadya kayang hindi na lang siya pumasok?

DESTROY ME (Paradise #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon