-пять-

6K 210 89
                                    

- пять | five | phtyp -

Kinaumagahan, hindi ko nagawa ang paborito kong past time na pag titigan si Ajax.

Ni hindi ko na nga nagawang sumama sa flag ceremony at nagtago na lamang sa girl's restroom para doon muna umiglip. Sumabay na lang ako sa mga kaklase ko pagbalik nila ng room para hindi mahalata ng adviser naming si teacher Leyn na nawawala ang presidente ng klase niya. .

Sobrang antok at bigat lang talaga ng katawan ko sa mga nangyari kagabi kung kaya't kahit anong kulit at subok na kausap sa akin ni Cassy ay hindi ko 'to pinansin. 'Ni 'yung mga tinging ibinabato sa akin ni Ajax ay hindi ko magawang bigyan ng kahulugan.

Sobrang. Pagod. Na. Talaga. Ako. Pakshet.

Hay! Kung pinauwi lang sana ako ng maaga ni Madam matapos kausapin at hindi na pinaglinis pa ng mapanghing banyo namin doon sa club bilang kabayaran daw sa ikinalugi ng negosyo niya, ay hindi sana ako ganoon naging malamya.

Idagdag pa na pagkarating sa bahay ay ako pa ang naglaba ng isang linggong damit namin dahil wala ni isa sa bahay namin ang nagmagandang loob na gumalaw noon.

Tch. Nakakainis talaga. Pakiramdam ko kung hindi ako naka-upo at nakasubsob ang ulo sa lamesa ay kanina pa ako nahimatay sa sobrang antok.

"Huy Ara, mukha kang zombie diyan. Sure kang ayos ka lang?" Rinig kong bulong ni Cassy matapos ang first subject. Nag quiz kami pero nag pasa ako ng blankong papel. Wala rin naman akong maisa-sagot kahit pilitin ko. Bawi na lang siguro ako sa next life.

"Hmm...may regla lang. Ang sakit ng puson ko."

Naramdaman ko ang paggalaw niya sa gilid. Nagsasabi naman ako ng totoo. Hindi naman ako madalas makaranas ng dysmenorrhea pero nagsabay-sabay lang talaga ang lahat.

"May napkin ka diyan?"

"Gaga, syempre meron," sagot ko kay Cassy. Pilit niya akong sinisilip sa uwang ng mga braso ko na ginawa kong unan para kumportable akong makatulog sa desk. " 'Ge. Pero kanina pa sa'yo tingin ng tingin si Ajax, kaya umayos ka na ng upo diyan."

Napangisi ako dahil doon. Kahit na hindi ko man i-angat ang ulo ko ay ramdam ko pa rin ang pagtitig sa akin ni Ajax. Mainit iyon na dumadantay sa may batok ko. Alam kong kanina niya pa ako gustong kausapin.

Hindi ko nga rin sigurado kung bakit, pero malakas ang dating ng presensiya niya palagi sa akin. Para bang kahit hindi ako nakatingin ay alam ko ang bawat magiging kilos niya.

Marahil dahil lang sa ilang buwan ko ring pagtitig sa kaniya tuwing may klase kaya ganoon. O 'di kaya dahil masyado lang talaga siyang madaling hulaan. Masyado kasi siyang tuod doon sa kinauupuan niya kaya bawat gawin niyang maliliit na galaw ay mahahalata mo talaga eh.

"Alam ko," bulong ko. Narinig pa rin naman 'yon ni Cassandra kaya napatili ito at pinalo ako sa braso. "Basic."

"O tapos, kilig ka naman diyan?" Pang-aasar pa niya. Namura ko lang siya dahil sa makailang ulit na pag kiliti sa akin na mas lalo lang ikinalakas ng halakhak niya.

Tch. Baliw talaga.

Lumipas ang pang huling subject namin bago mag lunch nang hindi pa rin ako bumabangon sa pagkakasubsob sa desk ko. Pinilit akong gisingin nila Cassy at yayaing sumama sa kanila sa canteen para kumain, pero tumanggi ako.

Wala naman akong pambili ng makakain doon. Ayoko rin ipamukha sa kanila na masyado akong mahirap para ma-afford ang kahit isang serving ng pinakamurang ulam na mayroon. Kaya sa huli, kahit na parang kinakayod na ang tiyan ko sa gutom ay pinili ko na lang itulog muli at palipasin ito.

DESTROY ME (Paradise #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon