-семь-

3.9K 192 30
                                    

-  семь | seven| peve -

"Karaninna, wait..."

Nag-aayos na ako ng buhok na nagulo sa sabunutan nang hablutin ni Ajax ang isa kong kamay at ipinaharap ako sa kaniya. Nagsisimula naman ng maglakad ang principal kasama nila teacher Leyn at ang grupo nila Simone kaya alangan kong kinausap ang seatmate ko na pawang ayaw ata ako paalisin.

"Ajax, okay lang ako. Una ka na sa room, baka mamaya pa ako makabalik---"

"I don't trust him," agad nitong putol sa akin. Napakunot naman ako ng aking noo sa seryoso niyang mukha at napatingin sa paligid.

Kahit na may pailan-ilan pa ring mga usiserong ka-schoolmate namin ang nasa corridor, halos lahat ng nanonood kanina ay nakapasok na sa kani-kanilang mga classroom. Kaya sino kaya 'tong tinutukoy niya?

"Sino?" pag-uusisa ko.

"Him." Lumagpas ang tingin niya sa akin na agad ko namang sinundan. 'Yung kalbong principal ata namin ang tinutukoy niya dahil doon lang siya nakatingin.

"Si Principal Faustino?"

Tumango sa akin si seatmate habang napabaling naman ako ng aking ulo sa gilid, nagtataka kung bakit niya ito nasabi.

"Please, don't go," dagdag pa niya. Bumalik ang tingin niya sa akin at hinawakan na miski ang isang kamay ko. Naglaho ang pagkaseryoso niya at mukha na siyang batang ayaw maiwanan ng nanay.

Ay nako po... 'tay tayo diyan.

"Leche naman, Ajax. 'Wag ka nga magpa-cute diyan. Alis na ako!"

"But malyshka..."

Nang halos magtama na ang mga kilay niya ay tumingkayad na ako at hinimas ang mga ito upang muling paghiwalayin. Aaminin ko, medyo cute talaga ang pagtawag niya sa akin ng ganoon, subalit hindi pa rin ito pwedeng rason para mapagbigyan ko siya sa hiling niya.

Mas malalagot ako roon sa panot na principal kung hindi ko sila susundan sa opisina niya.

"...we still need to treat your scratches," panunukoy niya roon sa mga pailan-ilang galos na nakuha ko sa mga kalmot na gawa nila Simone. "We need to make sure you're fine."

Tch. Kung pwede lang talaga ay pa-aambangan ko 'yong mga bruhildang 'yon sa mga lasinggero sa amin eh. Kapag nagkapeklat talaga ako! Nako talaga! Bibingo na sa akin ang babaeng 'yon!

"Sira ka talaga. Ano ba, keri ko 'to. Malayo 'to sa bituka."

Humigpit ang hawak niya sa akin nang pilitin kong tanggalin ang mga kamay niya ngunit nang makita naman niya na hindi ako mananatili lang doon ay alangan naman niya akong binitawan.

"Ara..." rinig kong tawag ng adviser namin. Nilingon ko si Ma'am at kumaway.

"Opo Miss Leyn, susunod na po!" sigaw ko. Binalik ko naman ang atensyon kay Ajax. Nanahimik siya at awkward lang na nakatayo roon. Natawa na lang tuloy ako at marahan siyang tinulak pabalik sa room namin.

"Uy para ka diyang baby na iiwanan ng nanay. Alam mo baby boy, 'wag ka na mag-alala. Ka-pards ko 'yang si principal, konting uto lang diyan oks na," biro ko sa kaniya. Gumaan naman ang pakiramdam ko nang medyo umaliwalas ang mukha ni Ajax at may ibinalik na kakarampot na ngiti. "Mabilis lang 'to peks man, kita na lang tayo ulit mamaya," ani ko pa.

Tumango siya sa akin at may ikinawit na ligaw na buhok sa aking tenga. "Хорошо. Я подожду."

Hindi ko na pinansin ang sinabi niyang 'yun dahil hindi ko naman naiintindihan. Binigyan ko lang siya ng napakabilis na yakap at tapik sa pisngi bago ako umalis.

DESTROY ME (Paradise #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon