-три-

5.8K 169 53
                                    

три | three | triin

"What if, ayoko?"

Napamewang ako. Pinigilan ko ang sarili na sumilip sa may pintuan at baka makita ko pa 'yung ex ko na 'yon. Isaac Del Fuego was my first and last real boyfriend. Alam niyang siya 'yung una't huli ko kaya siguro ang lakas ng loob kulitin ako ng ganoon. Well, sorry na lang. Marupok akong tao pero may pinipili akong sitwasyon kung kailan ako magiging marupok! Hindi sa mga ex-jowa!

"Ara, please? Naawa lang ako doon sa kaibigan ko. May problema na naman yata."

"Palagi namang may problema 'yun eh," inis kong sagot. "Eh hindi naman kami mag-jowa na, bakit pa siya lalapit sa akin?"

"Parang 'di naman kayo naging magkaibigan."

Napakamot ako ng ulo. "Kaibigan ko siya, kaya ko nga siya pinagsabihan noon na umiwas na  sa mga tropa niyong drogista. Nakinig ba siya? Hindi 'di ba? Kaya sabihin mo sa kaniya, wala na kaming dapat pag-usapan pa!" Pagkasabi ko noon ay tinalikuran ko ka agad si Miko at umupo na sa upuan ko.

Napipikon ako. Ang ganda ng usapan namin ni Ajax tapos dahil lang sa Isaac na 'yon at sa kaibigan niya naputol pa.

Saktong nagsidatingan na rin ang iba ko pang mga kaklase at sumunod na 'yung teacher namin kaya wala ng nagawa si Miko kung hindi umalis na lang sa classroom.

Nagsisimula na mag lecture 'yung guro namin pero nakakunot pa rin ang noo ko at nakahalukipkip. Miski si Cassy ay nagtanong din sa akin kung anong problema ko at pawang wala ako sa mood. Hindi ko siya pinansin at humarap kay Ajax na nahuli kong pinagmamasdan ako. 

"Hoy pogi," bigla kong tawag sa kaniya. Nawala kahit papaano ang inis ko nang makita ko siyang nabigla sa tawag ko. Hindi niya siguro akalain na mahuhuli ko siyang nakatingin. "May sasabihin ako, lumapit ka nga dito."

Sandali lang ako tiningnan ni Ajax at tinaasan ng kilay bago dahan-dahang sinunod ang paki-usap ko. Napabuntonghininga na lamang ako nang mapansin ko ang pamumula ng tainga niya. "'Wag mo isipin 'yong Isaac na 'yon ha," bulong ko rito. "Ex ko 'yon, nangungulit lang. Ipinapaalam ko lang sa'yo just in case lang magka interes ka sa akin. I'm letting you know na available pa ako."


⚔️⚔️⚔️


Magaling si Ajax umiwas sa akin.

Napatunayan ko 'yon nang higit isang linggo ko siyang kinulit pero palagi na lang niya ako natatakasan.

Sa tuwing susubukan ko siyang kausapin o i-corner sa corridor para sana sabay kaming maglakad kahit na pabalik lang sa classroom ay namumula lang siya at hindi ako pinapansin. Mabuti na lang at kahit papaano ay sinasagot niya na rin ako sa iba ko pang tanong sa kaniya basta may kinalaman sa academics. Sana lang ay dumating na rin 'yung panahon na siya naman ang magtanong sa akin at magkainteres.

Hay. Patience is the key talaga kapag may gusto kang makuhang bagay o tao.

Kean:
Nasa school ka na?

Me:
Oo.

Kean:
Go to the greenhouse. I'll be waiting.

Isinarado ko ang binabasa kong English Lit book at napabuntonghininga. Alsais pa lang ng umaga, ang aga naman niyang gustong makipag kita?

"Pres, alis ka?" Si Timothee lang ang kasama ko sa room, kaya napansin niya ka agad akong tumayo at dumeretso sa pintuan. Katulad ko, nagbabasa rin siya para sa quiz namin mamaya.

DESTROY ME (Paradise #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon