-восемь-

4.1K 140 45
                                    

- восемь| eight | weocle -

Halos huminto ang paghinga ko dahil sa sinabi ni Ajax.

Oh my god. Bakit naman po nakakakilig ang mga ganoong banat?

"Magkano ba ang pasweldo niyo?" nangingiti kong tanong para mabawasan ang bigat ng usapan.

Eto naman kasing si Ajax akala mo palaging nasa pelikula kung makapagsalita! Akala mo naman talagang kayang-kaya niya ako papasukin ng trabaho sa bahay nila eh alam ko namang kailangan ko pang pumasa sa interview ng mga magulang niyang magpapasweldo sa akin. Tapos siyempre mga mayayamang kagaya nila naghahanap 'yan ng kung ano-anong papeles katulad ng mga NBI clearance gan'on...eh hello? Hindi pa naman ako nasa legal na edad?

"Sweldo?"

Tumango ako. "Oo, sweldo. Ummm, ano nga ba English n'on..." sandali akong nag-isip. Bahagya niyang hinilig ang ulo niya at dahan-dahang kumurap, naghihintay sa akin.

"Ah! Salary! Magkano ba?"

Nagkibit balikat si Ajax. "Just name your price," ani nito.

Sa puntong iyon may huminto na sa aming bus na may mga signs na Taft/Buendia. Kahit na wala akong idea kung saan kami mapapadpad sa gagawin naming pagtakas sa school ay nakipagsiksikan pa rin kami sa mga taong kasama namin sa bus stop na naghihintay ring makasakay. May jeep naman doon na papuntang MOA, siguro doon na lang kami tatambay. Bahala na si Batman.

"Ay oh, ayan medyo maluwag na 'yung bus, sakay na tayo."

Itinupi ko muna ang payong na hawak ko bago hawakan ang braso ni Ajax at iginiya siya sa pagsisiksikan ng mga tao. Dahil mas matangkad siya sa akin at medyo mas malaki ang pangangatawan ay ginawa ko siyang human shield ko.

"Karaninna? What is...what is happening?" May panic at pagkabahala sa boses niya kaya natawa ako. Ang saya makitang naguguluhan ang baby boy! Parang simpleng pagsakay lang sa bus eh!

"Hey, please don't push her!" Paki-usap niya roon sa isang lalaking umuuna sa amin sa may pinto. Mabilis niyang ipinulupot ang isang kamay niya sa akin na pawang kahit hindi niya malaman ang gagawin ay inuuna niya pa ring maprotektahan ako sa paniniksik ng mga kasamahan namin. Pinagtitingan na nga siya ng mga lalaking kasabay namin sa pag-akyat sa bus sa ginagawa niyang paghawi sa mga ito sa tuwing may nadidikit sa amin.

Kaloka. Parang timang naman 'to. First time niya kaya?

"Sige lang beh, makipagsiksikan ka lang sakanila. Just push them ha? Go with the flow. Para makasakay na tayo."

Nakarinig ako galing sa kaniya ng mga mahihinang sentences in Russian na hindi ko maintindihan. Tawa lang ako ng tawa tuloy sa kaniya hanggang makahanap kami ng upuan sa pinaka dulo ng bus. Nauna na akong umupo katabi ng bintana.

"Okay ka lang?" pang-aasar ko. "Haggardo Versoza ka na. Para kang nanggaling sa war!"

"Is it always like this? Your people doesn't have an ounce of discipline in them..." tahimik niyang balik. Taimtim niyang pinagmamasdan ang mga nakatayong tao sa may aisle at ang konduktor na halos hindi magkandaugagang magpausog at magpasiksik sa mga pasahero para lang magkasya kaming lahat sa sasakyan. Medyo nahiya ako roon para sa bansang Pilipinas.

"Wala siguro 'to sa bansa mo 'no?"

Umiling si Ajax, sumabay sa galaw ng ulo niya ang humahaba na niyang bangs. "I wouldn't know. I really don't ride public transportations even back home," aniya at saka tiningnan ang mga kamay kong pinagkikiskis ko. Nanlalamig kasi ako sa tabi niya marahil sa ambon sa labas at sa malakas na aircon. "Are you cold?"

DESTROY ME (Paradise #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon