-шестнадцать-

261 7 6
                                    

- шестнадцать | sixteen| asyem-

"Ate, okay ka lang?"

Ilang beses ako napapikit at napamulat, inalis ko ang atensyon sa may bintana at tiningnan ang nagsalita. Tirik na ang araw. Marahil ay marami ng oras ang lumipas magmula nang bumangon ako kanina.

"Ha?"

Narinig ko ang pagbuntonghininga ni Valeria. Sunod kong naramdaman ang paglubog ng espasyo sa tabi ko. Bago ang higaan namin na 'yon. Binili ni mama mula sa kakabigay ko pa lang sa kaniyang sweldong naipon ko. Manipis lang ang foam at nasa sahig pa rin naman kami nakahiga pero mas maayos naman 'yon kumpara sa banig na nakasanayan namin.

Siguro sa susunod kong sweldo, kung may matira pa matapos mapambayad-utang ay magpapabili na rin ako ng bagong bedsheet sa Divisoria. Kahit na anong laba ko sa mga ginagamit namin ngayon ay nangingitim na silang lahat sa kalumaan.

"Kanina ka pa pong nakatulala sa may bintana, ate.Hindi ka pa rin po nag aalmusal."

Inalis ko ang tingin ko sa kapatid ko na tumabi na sa akin sa kama at ibinalik ang tingin sa labas ng bintana. Asul na asul ang langit at maalinsangan ang hangin—wala ring nagsisigawan sa mga kapitbahay at ang maririnig mo lang ay 'yung tahulan ng asong ligaw.

Napakamot ako ng aking ulo.

Bakit parang may mali?

"Linggo ngayon 'di ba?" tanong ko sa kapatid ko. Hindi pa rin ako gumagalaw sa kinauupuan. Pakiramdam ko ay nakahinto ang oras ko. Para akong nag palutang-lutang lang doon sa kwarto. Hindi ko malaman kung ano iyong nararamdaman kong mali pero sigurado akong mayroon. Nasa dulo na nga ito ng dila ko. May gusto akong banggitin—sabihin—gawin, pero sa tuwing susubukan kong isipin ay napapahinto lamang ako at napapatitig sa kawalan.

"Sabado pa lang ngayon ate. Wala lang kaming pasok gawa ng may serial killer daw doon sa may school ninyo kaya cancelled ang mga tutorials ng weekends. Nabalitaan mo na ba? Eh sabi ng mga madre, ang lapit ninyo sa amin kaya ayun...sigurado ka bang okay ka lang?"

Tumango ako. Napahikab. Matapos noon ay tumayo at sinundan si Valeria sa may hapag-kainan. Parang mekanikal lahat ng kilos ko—sumasabay lang sa agos. Gusto ko sa kaniyang makipag kwentuhan at makipag biruan subalit kahit anong gawin ko ay nauuwi lang ako sa pagtitig sa kawalan na pawang may inaalala at hinahanap ng kung anong bagay na nakalimutan.

Hindi ko nga rin sigurado kung okay lang ba talaga ako o hindi. Pinakiramdaman ko ang katawan ko. Mukha namang walang problema. Sa totoo nga niyan, pansin ko pang pawang mas lumakas pa ako at puno ng enerhiya. Parang napakatagal kong nakapag pahinga at ang gaan ng bawat yapak ko.

"Sabado pa lang?"

"Opo ate."

Napabaling ako ng aking ulo at nag-isip habang hinahandaan ako ng pagkain ni Valeria. Pulang itlog at kaning lamig ang agahan naming dalawa. Nagsi-upo ang mga pamangkin kong sila Zo at Darlene sa tabi namin at sabay-sabay kaming nag sikain.

"Naglasing ka kasi yata kagabi kaya ayan, wala ka na naman matandaan. May trabaho ka po ba mamaya?"

"Hmm." Hindi ko siya nasagot sa mga tanong niya. Iniisip ko kung ano ang mga ginawa ko kahapon. Ang huling natatandaan ko ay hinatid ako ni Cassy pauwi ng bahay. Late na kami nakauwi dahil parehas kaming Cleaners. Huwebes lang ba 'yon nangyari? O Miyerkules? Kahapon? O noong isang araw pa 'yon? Bakit parang napakatagal na noon?

"Anong oras ako nakauwi kahapon?"

"'Di ko rin po sure ate, nakatulog na kasi ako. Paggising ko nang bandang alas-sais, nasa tabi na po kita."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 08, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

DESTROY ME (Paradise #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon