-два-

7.5K 192 93
                                    

два | two | dvvwa -

"Bwisit talaga!"

"Oh, chill ka lang, sis."

Humugot ako ng isang napakalalim na hininga bago ko ito pinakawalan. Halos umusok ang tenga ko sa pang-gigil.

"Ang sama naman talaga nung Ajax na 'yun!"

"Narinig ko nga kanina!" Patawang sabi sa akin ni Cassy. "Binara ka ulit ng gwapo! Distracting ka na naman daw, sis!"

Gusto ko sana palitan ng gago ang sinabi niya, pero nanahimik ako. Nagtawanan naman ang mga ibang kaibigang isinama niya sa amin. Naramdaman ko rin ang ginawa niyang paghigpit sa bine-braid niyang buhok ko, kaya malakas kong tinapik ang kamay niyang may hawak dito.

Mainit ang ulo ko simula pa umaga, kaya pasensiyahan na lang kung pati siya ay mapagsungitan ko.

"Aray!"

"'Wag mo kasing higpitan! 'Yung sakto lang para maganda!" Ani ko sabay tawa. Hindi na siya nag reklamo pa at pinagpatuloy ang pag-aayos sa akin.

Kakatapos lang namin mag lunch at may natitirang oras pa kaya kami tumambay muna sa mga bleachers sa gilid ng field.

Dahil covered naman ang lugar bukod sa mismong field na nasa may gitna ay maraming sumama sa aming mga kaklase para magpalamig. Kakatapos lang ng tag-ulan, kaya balik maalinsangan ang hangin sa loob ng mga classrooms. Sa labas lang kami nakakaramdam ng malamig-lamig na hangin.

"Anyway, hindi ka pa ba nadadala? First day niya pa lang sa atin, sinabihan ka ng 'wag mo siyang kakausapin kasi nakakadistract 'yang kaingayan mo, tapos ngayon mag dadalawang buwan na sige ka pa ring pilit! Nasaan na 'yung kilala kong Ara na hindi humahabol sa mga lalaki?" aniya. Ginatungan pa siya ng katabi niyang si Denisse, na never kong nagustuhan. Intrimitida kasi minsan.

"Oo nga naman, Ara. Dati ikaw ang palaging hinahabol. Ngayong may gwapong transferee lang, tumiklop ka na."

Umismid ako at tinago na na-offend ako sa mga sinabi nila. Tch. Gusto ko lang naman makipag kaibigan ah! Masama ba 'yun? At isa pa, habulin pa rin naman ako ng mga lalaki rito sa school! Gusto ba nilang patunayan ko ngayon?

"Ang sabihin niyo, indifferent lang talaga 'yung Timchenko na 'yon at ayaw makisalamuha sa ating mga payak na tao. Nakita niyo ba siyang sumabay sa kahit sino sa klase tuwing recess? Eh lunch? 'Di ba hindi? Baka nga nandidiri pa 'yun sa mga pagkain sa canteen eh. Palibhasa anak ng mayaman."

"Wow, may new word si besh. Indifferent, daw! Gumagaling tayo mag-English ah."

"Gaga ka Cassy. Nag-aaral lang akong maging fluent sa English para naman mapantayan ko ang katabi ko tuwing recitation sa Lit 'no."

"Eh hindi naman yata nag rerecite sa klase 'yung seatmate mo!"

"Exactly!" sagot ko. "Marunong lang yata 'yon mag-English at gwapo pero wala siyang utak!"

"Hmm, walang utak pero perfect sa mga exams noong prelims. Aminin!"

Natapos na si Cassy sa pag braid ng buhok ko at sinunod naman si Lexi, isa pa niyang kaibigan. Hindi ko pinaulit sa iba ang ginawa niya sa akin. Gusto ko na ako lang ang may hairstyle na ganoon sa klase.

Matapos noon ay pinagtitigan ko ang sarili ko sa maliit na pocket mirror ni Cass at nagpahid ng lip tint at nagpulbo. Hindi na ako nagulat ng mas gumanda pa ako lalo. Normal na lang 'yun sa akin.

"President, bakit kaya hindi natin imbitahan 'yon sa ganap natin sa Friday? Mag papainom si Gil sa bahay nila 'di ba?" Singit sa pag-uusap na sinabi ni Timothee. Siya 'yung secretary namin sa class at isa sa mga naka fling ko dati. Bukod sa kahit papaano ay may itsura, siya rin ang pinaka matalino sa amin. Kaya nga hindi ko ma gets kung paano sila naging mag best friends ni Rafa, kilalang playboy sa buong year level at latest flavor of the month ko eh.

DESTROY ME (Paradise #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon